EMP23

29.1K 1.1K 279
                                    

EMP23

Tahimik lang akong nakayakap ng mahigpit sa kanya habang nananatili ako sa kanyang kandungan. He was brushing my hair with his fingers while I'm snuggling on his neck and my eyes are closed.

I calmed down from crying a while ago ngunit patuloy niya pa din akong tinatahan na parang alam niya na hindi pa natatapos sa pagtigil ng luha ko ang nararamdaman ko.

"Are you asleep?" payapa at kalmado ang kanyang boses.

"No..." sagot ko.

Naramdaman ko ang pagpatak niya ng halik sa aking noo. Binuksan ko ang aking mga mata at umalis sa pagkakasandal sa kanya. Niluwagan ko ang pagyakap ko sa kanya para makaharap siya.

"I'm not..."

He chuckled. Hinawi niya ang aking buhok na nakakalat saaking mukha.

"Okay..." he said. "What are your plans for New Year later?" tanong niya saakin.

Taka ko siyang tinignan. What new year? Long term plan? But wait, later?

"Later? New year?" tanong ko sa kanya. Kinalas ko ang yakap ko sa kanya at inalala kung ano na bang araw ngayon. I lost track! Sanay kasi akong nagpapaalala ng schedule si Ate Reema kaya hindi ko kailangang pang alamin ang petsa.

Naalala ko ang mga napapansin ko kanina. Kaya pala sobrang dami pang tao sa labas ng hotel kahit gabing-gabi na! And the reason why Vien is home!

"31 na?" tanong ko kay Rash.

Tumawa siya at hinila akong muli pabalik sa dati kong posisyon kanina.

"Yes, baby. Hindi mo alam?" tanong niya.

"Nakalimutan ko..."

I didn't prepare anything though. Kahit alam ko na ngayon ay huli na ako para makapaghanda.

"Shall we?" tanong niya.

Umalis muli ako sa pagkakasandal sa kanya. This time, it's because I can feel his hands slowly guiding my body to stand up.

"Saan?" tanong ko.

Tumayo ako sa tabi niya. Hinintay ko siyang tumayo katulad ako. Nakita ko ang pagpulot niya sa ballcap ko na hindi ko na napansing nahulog na pala kanina. Siguro ay kanina iyon noong hinila niya ako paupo sa kanya. Siya mismo ang naglagay noon pabalik saaking ulo.

"We'll celebrate New Year." sagot niya saakin.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila para magsimula na kaming maglakad sa direksyong papalayo sa hotel. Hinila ko pabalik ang kamay ko kaya natigil siya sa paghakbang.

"Saan tayo?" tanong ko.

"Where do you want?"

Ngumuso ako at inalala na wala namang akong mapapala sa suite ko. But I still need to come back for my phone if ever I won't choose to stay there. Baka tumawag sila Mama mamaya.

"Kailangan ko balikan yung phone ko." sabi ko at tinuro ang direksyon ng hotel.

Tumango siya. "Let's go."

Naglakad kami patungo sa hotel. Binaba ko ang cap ko noong may nakakasalubong na kaming mga tao. Rash was smart enough to place himself in front of me so that he can cover me. Mayroon pa rin namang natitirang distansya saamin.

Noong makarating kami sa elevator ay bahagya ko nang inangat ang aking sumbrero dahil wala naman kaming kasabay. Ako mismo ang nagpindot ng floor number ko.

Muli kong binaba ang sumbrero ko noong makarating kami sa floor ko. Wala namang laman ang hallway pero incase lang naman...

I unlocked the door using my key card. Hinayaan ko iyong bukas upang makapasok si Rash.

Every Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon