Note: We are in Every Missing Piece's last chapter! Thank you for being with Cascade and Rash! Like Cade, I hope nothing can ever stop you from dreaming high and deep. So do your best, work hard, and never give up until you have it in your hands.
See you on the next installment! Check out Rugged Series 3: Every Reason Why on my profile!
xxx
EMP45
Epilogue
"Aalis ako." simple kong sabi sa mga kaibigan ko at agad na ininom ang alak na nasa shot glass ko.
"Oh? Hatid kita?" tanong ni Theo saakin.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Gago."
"Mabuti naman kilala mo ang sarili mo." natatawa at walang kwenta na naman niyang sagot saakin kahit seryoso naman ang sinasabi ko.
"Saan?" tanong ni Six saakin at sumandal mula sa maayos na pagkaka upo. Si Hezekiah ay nananatiling tahimik sa tabi niya. Ilang buwan na 'yang parang walang pake sa paligid niya. Naiintidihan ko naman dahil kung ako rin naman ay ganon... kaya nga ako lalayo.
"Hindi ko alam. Europe, states, bahala na." sagot ko.
"Fuck." mura ni Theo at nilingon ako. "Seryoso ka ba?"
Tinaliman ko ang tingin ko sa kanya. Hindi pa rin nawala ang gulat sa kanyang mata. Parang tanga.
"Bakit?" tanong niya.
Nagkibit-balikat ako at muling nagsalin ng alak sa shot glass. Nilingon ko ang stage ng eighty-nine kung saan ibang banda na ang tumutugtog. I drank alcohol straight.
"Tangina, di ako magpapakabaliw sa pag-ibig." mura ni Theo na para bang may nahinuha sa galaw ko. Nagpabalik-balik ang tingin niya saaming dalawa ni Hezekiah bago umiling.
Ngumisi si Six at umiling din katulad niya.
"Never." segunda nito sa unang sinabi ni Theo.
Ngumisi nalang din ako sa kanila at umiling. Nasabi ko na 'yan noon. Walang epekto. Pagdumating, pag nahanap ka ng pag-ibig, 'di ka na makakaiwas.
"Teka! Despedida mo pala 'to! Manglibre ka hoy!" sigaw saakin ni Theo habang nakaduro pa ang hintuturo saakin na parang nag-aakusa.
Ewan ko ba kung saan napupunta lahat ng pera nito. Bawat hinga ata nito may kasunod na libre ang sasabihin.
"Goodluck." tanging saad ni Hezekiah saakin matapos ang ilang minuto naming pag-uusap. Lutang, tsk.
Muli ko nalang itinuon ang aking atensyon sa stage kahit lumilipad ang utak ko at pilit na lumalabas sa aking isip ang kanyang magandang mukha.
It's a fucking nightmare to wake up every day without her in my life. It's not because I'm so familiar with her. It's not because I'm used to having her for the past years. It's because I lived through her. It's because she's a big part of me and losing her means losing a big part of me as well.
My Mom is trying to set me up on some dinners but I know better. Hindi ako kailanman nagpakita kahit patuloy na siyang nagpaparamdaman ulit.
Hindi ko mapigilang magalit. Hindi pa ba sila nakuntento kay Kuya at gusto pa rin nilang ulitin ito saakin?
So I decided that I should just go.
Maybe because I can't deal with my parents now, but mostly because I can't stop myself from searching for Cade and it's not good because she pushed me away so she could focus on reaching her dreams. Kahit kailan, hindi ako magiging hadlang para maabot niya ang pangarap niya. I don't really wanna go... but I have to. Because every day, my deep wanting of seeing her just intensifies. Hindi ako pwedeng manatili dito dahil baka hindi ko lang mapigilan ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Every Missing Piece
General FictionRugged Series #2 Matayog. Mapangahas. Sing-taas ng mga bituin. Ganoon kung ilarawan ni Cascade Quinn Ruan ang kanyang pangarap. For her, it wasn't only a dream. It's the every blood that's flowing on her vessels. Ang musika ng kanyang kaluluwa. Ngun...