EMP1

60.1K 1.7K 822
                                    

EMP1

"'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars
I wanna die in your arms
'Cause you get lighter the more it gets dark
I'm gonna give you my heart..."

Hinawakan ko ng mahigpit ang mikroponong aking hawak at ngumiti habang nakapikit ang aking mga mata.

"I don't care, go on and tear me apart..."

Rinig ko ang ilang boses na nakikisabay saakin kaya naman mas lalo akong napangiti.

"I don't care if you do, ooh..."

Binuksan ko ang mata ko at agad na bumungad saakin ang madilim na paligid na iniilawan ng iba't ibang mga kulay at ng mga taong nakatingin saamin habang tumutugtog kami.

"'Cause in a sky, 'cause in a sky full of stars..."

Mabilis ang tibok ng puso ko habang patuloy kong pinagmamasdan ang paligid. Isang kisap sa bituin at malawak na karagatan...

My beating heart clenched.

"Cade!"

Umupo agad ako sa tabi ni Morgan pagkadating ko palang. Kakatapos palang naming tumugtog kanina sa stage. Pinauna ko na sila dito dahil pumunta pa ako ng CR kanina.

"Uy, Cade! Ang galing mo!" bati saakin ni Leroy kakaupo ko palang.

Nagtataka man kung bakit nandito sila sa table namin at tila nauna pa sila saakin na pumwesto ay sinagot ko siya ng ngiti.

"Thank you!" I said.

"That was one of a hell, Cade!" wika ni Mark, isa sa kaibigan ni Glave at kaklase na din.

Why are we so crowded here? Parang mas madami pa ang bilang ng ibang tao kaysa saamin na apat lang.

"Thank you..." sagot ko nalang at muling ngumiti rin.

"Grabe! Si Cade lang talaga ang pinuri nyo eh mas nauna pa kaming dumating dito kaysa sa kanya!" G exclaimed unbelievably.

Napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo sa sinabi niya. Ano daw? I gaze at the other men. Parang nagpanic sila noong matagpuan ang tingin ko.

"Ah, syempre alam nyo na iyon!"

James, another of G's crowd of friends here in our table laughed too.

"Oo nga! Syempre, Fatal Glory is the best!" segunda niya.

Ngumiti ako sa kanya. Weird lang dahil bigla siyang tumigil sa pagtawa noong mapansin ang ngiti ko. What? Na-offend ko ba siya?

"Oh, cheers tayo dyan! For Fatal Glory!" sigaw ni Dean at nagtaas ng shot glass.

They all cheered and get their own shot glass. Hinintay ko silang magbunyi ngunit natigil ang kanilang pag iingay pati na rin ang kanilang kamay na may hawak na mga alak na parang bang naghihintay.

"Cade?" tanong ni Morgan na nasa tabi ko at nginuso ang shot-glass na natitira, tila hinihintay ako.

"Oh! Sorry." paumanhin akong ngumiti at nagsalin ng alak para sumabay sa kanila.

They shouted our band's name and I smiled.

Fatal Glory. Isang mapangahas na pangarap. Ngunit patuloy naming hahawakan sa ngalan ng musika.

Binaba ko ang aking shot glass na hawak habang lahat sila ay diniretso iyon sa kani-kanilang labi.

I stared at the alcohol in my shot glass, full and untouched in the table. I smiled.

"Cade!" tinaas ko ang tingin ko dahil sa tumawag saakin.

Halos lahat ng mata nila ay nasaakin.

Every Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon