EMP43

37K 1.2K 313
                                    

EMP43

"Love, stop it..."

Natigil nga ang malaki niyang ngisi ngunit napalitan naman iyon ng kanyang halakhak. I sighed in my seat.

Papauwi pa lang kami mula sa tensyonadong dinner na naganap kanina. I know that speaking his heart out to his parents for the first time is hard but looking at him now, parang hindi naman siya naapektuhan noon.

"I regret not recording what you said a while ago. I will never recover from you now. So take responsibility, okay? Mabait ka diba?"

"Tss..." I said with a little laugh. "I'll try."

"Ah-huh?" he smirked like he's mocking me. "Yabang mo kanina kala Mommy eh!"

I groaned and he laughed again. He's so happy!

" Did you eat enough?Gusto mo ba ulit kumain?"

Ngumiwi ako sa tanong niya. Sino bang makakakain ng ayos sa ganong paligid?

"Wag na... let's just go home."

"Can I stay?" sunod agad na tanong niya.

Tumaas ang kilay ko habang nakangiting mapang-asar sa kanya. I knew it!

"Wala kang damit..." pagdadahilan ko.

Ngumuso siya sa backseat kaya agad ko iyong nilingon. Napatawa ako noong makita ko ang isang gym bag doon, mukhang may laman nang mga gamit niya.

"Why are you always prepared!" saad ko habang tumatawa pa din.

He chuckled and just shrugged. Katulad na lang noong isang araw, bumaba lang siya upang kunin ang mga damit niya sa kotse niya bago niya sinabing hindi daw siya uuwi.

Naging abala ako sa cellphone ko habang nasa daan kami pauwi. I posted our picture together that we took a while ago on IG. It was a mirror shot of him hugging me from the back while looking lazily at the mirror. Mayroon namang maliit na ngiti sa labi ko habang nakaangulo sa kanan ang mukha ko upang bigyan siya ng espasyo sa kaliwang leeg ko kung saan nakapatong ang kanyang baba.

I don't know... alam kong sobrang init pa ng mga issue tungkol saakin... saamin. But somehow, I'm not scared anymore to do this... I just feel like doing what I wanted to do...

Ilang minuto pa lang ay muli na iyong inulan ng likes at comment. Marami pa ring namba-bash, marami pa ngang halos nobela ang sinusulat sa comment ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Napahagikhik ako sa iba kong nababasang comments.

morgandenise the legs! Sana all!

"Wow! Goals ang height! ang mukha! ang sweetness! ang everything!"

"P0tek. Nanliit ako, mama!"

"Everybody say, SANA ALL!"

"Cade pahiram naman nyang papi mo huhu."

"Pano ba maging isang Cade Ruan? Te! Pahiram naman ng katawan!"

"We love you, Cade! We are rooting for you! Kaming bahala sa mga bashers mo!"

I liked some of the comments. Nagreply din ako kay Morgan at sa iba ko pang kakilala na nagcomment din. I did that until Rash protested because of not having my attention. Seriously?

Noong makarating kami sa unit ko ay kalmado kaming nag-usap tungkol sa mga nangyari. Lumipas ang gabi namin ng maayos ngunit alam ko parehas pa rin namin nararamdaman ang mga nangyari kahit parehas din kaming mukhang maayos.

Naging abala ako sa susunod na araw dahil sa maya't mayang pagtawag ni Ate Reema. The management allowed what I requested and they were already fixing everything about it. Dahil katulad nga ng sinabi noon ni Boss Neil, ibibigay niya saakin ang desisyon kung ano ba ang nararapat na gawin.

Every Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon