Prologue

42 8 2
                                    

Prologue

ISHI'S POV

Paulit-ulit nalang, walang pinagbago, ang nangyayari dito sa mundo. Ang tagal ko ng nabuhay dito pero bakit hindi ko parin maramdaman na mahalaga ako.

Buo naman ang pamilya ko, may ama ako pero kahit kailan hindi ko naramdaman na mahal niya ako? May ina rin naman ako pero bakit hindi niya ako pinapakinggan kahit harap-harapan na siyang sinasaktan?

Dahil ba, madaya ang pagmamahal? Traydor? Mapanakit? O baka tinuturuan lang tayong maging tanga.

Papasok palang ako sa bahay, bumungad na agad saakin ang umaalingawngaw na boses ni Mama at Papa na nag-aaway. Nakakasawa ng pakinggan na araw-araw silang ganito.

"Sino 'yung kasama mo kanina sa labas!" Sigaw ni Papa habang hinawakan ng mahigpit ang braso ni Mama.

"Darwin, nasasaktan ako!" Pagmamakaawa ni Mama.

"Ahhh talaga? Kulang pa 'to sa ginawa mo kanina. Siguro habang wala ako dito, ang saya-saya kasama ang kabit mo!" Napasigaw si Mama sa sakit.

"Hindi ko siya kabit, ano ba!" Sasampalin na sana siya pero niyakap ko si Mama para maprotektahan siya.

"Papa, tama na!" Pagmamakaawa ko.

"Wag kang makialam dito, Ishi!" Itinulak ako ni Papa palayo.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang makitang sinasaktan niya si Mama. Pinagsasampal niya ito at mahigpit na hinila ang kanyang buhok. Ang sakit na makitang napakahina ng aking ina. Kahit gustuhin man niyang labanan ito ay hindi niya magawa.

"Ang kapal ng mukha mong kalabanin ako, Sandra! Asawa lang kita at wala akong pakialam sa'yo!" Tumigil na siya sa pananakit kay Mama at agad itong umalis sa bahay.

Bumaling pa ang tingin niya saakin saglit bago siya tuluyang umalis.

"Hayop ka talaga, Papa! Walang hiya ka! Sana mamatay kana lang!" Iyak lang ako ng iyak habang minumura ko ang sarili kong ama.

Bumaling ang tingin ko kay Mama at nilapitan ito. Nakita kong may dugo na sa gilid ng labi niya.

"Mama, naman. Wag niyo na pong pahirapan ang sarili niyo, hiwalayan niyo na po si Papa." Tumingin siya saakin.

"Hindi ko magagawa ang sinasabi mo, Ishi." Napabuntong hininga ako at umiling.

"Mama, araw-araw kana niyang sinasaktan. Natitiis mo paba 'yang ginagawa niya sa'yo!" Sermon ko.

"Ishi, mahal ko ang Papa mo. Kaya hindi ko siya pwedeng iwanan!" Seryoso niyang sabi.

"Bakit, Ma? Minahal karin ba niya, gaya ng pagmamahal niya sa'yo?" Natahimik siya at umiwas ng tingin saakin. "Kita niyo na, hindi kayo makasagot kasi alam niyo namang hindi kana niya mahal!" Sinuklian ako ni Mama ng sampal dahilan ng paghikbi ko.

"Hindi mo ako naiintindihan, Ishi." Nagpipigil siya ng galit. "Anong karapatan mong sabihin 'yan saakin? Nagmahal kana ba? May nagmahal naba sa'yong perpekto at kahit kailan hinfi ka sinaktan ha, Ishi?" Biglang may tumusok sa puso ko dahil sa sinabi ni Mama.

"Mama, labing pitong taon na akong nabubuhay dito sa mundo pero kahit kailan... hindi ko naramdaman kung ano ang pagmamahal." Napahikbi ako. "Kahit sarili kong pamilya ay hindi ko naramdaman na minahal niyo ako! Kasi palagi nalang si Papa ang iniisip niyo." Napalunok siya. "Sinasabi ko lang naman 'to dahil gusto kong mamulat ka sa katotohanan na sana kahit minsan man lang, pakinggan niyo ako. Hindi 'yung sunod-sunuran ka nalang kay Papa." Sinampal niya ako ulit.

Met you in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon