Chapter 9

12 1 3
                                    

Chapter 9

Halos tatlong oras ding tumambay si Loraine para makipag-chikahan saakin dito sa appartment bago siya umalis, kasabay rin ng pag-alis ko dahil kailangan kong maghanap ng trabaho. Kaunti nalang kasi talaga ang natitira kong savings. Isang linggo nalang talaga yata ang aabutin nito.

Hindi ko alam kung saan ba ako magsisimula. Medyo may kaba rin talaga baka walang tumanggap saakin. Lalo na't napakamahiyain ko. Hindi ako sanay na madalas nakihalubilo sa mga tao. Pero susubukan ko hanggang saaking makakaya.

Nagsimula akong mag-apply sa isang Cafeteria. Kasalukuyan kong nakausap ngayon ang Manager nila at abala rin siya sa pag-check ng resume ko. Medyo nasa trenta na ang edad nito at kita sa mukha niya na parang may pagka strikto.

"So, you don't have yet an experience?" Walang ekspresyon niyang sabi habang nasa papel parin ang tingin.

"Yes." Tipid kong sagot.

"How can we hire you kung wala ka namang alam sa trabaho?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Actually, Sir, I ha--" Pinutol niya.

"I'm sorry, but I expect more than yours. Better luck next time." Napayuko nalang ako at kinuha 'yung folder.

Matamlay akong lumabas ng Cafeteria at sobrang bigat ng pakiramdam dahil kanina. Isa pa nga lang ang inaplayan ko, reject na kaagad. Saan na naman kaya ako susunod na mag-aaply.

Lumingon ako sa kabila at sakto namang dumeretso ang tingin ng dalawa kong mata sa isang restaurant. May balak talaga akong mag-aaply du'n kaya hindi ako nagdadalawang isip na pupuntahan 'yun.

Pagpasok ko, nakaharap ko kaagad ang Manager nila. Sa itsura niya, mukhang bata pa siya kaya feeling ko tatanggapin niya ako dahil parang hindi naman siya strikto at ang gwapo pa. Gaya ng kanina, chineck din niya ang laman ng folder. Hindi nawala ang ngiti ko habang pinanood ko siya sa harapan ko. Ilang minuto narin niya kasing tinutukan ang mga papeles ko. Feeling ko tatanggapin na ako, pinatagal lang niya talaga.

Ibinaba niya ang hawak niyang papeles at tumingin ng deretso saakin.

"What do you think, Sir." Ngumiti siya kaya mas lalo akong naconfuse kung anong ibig sabihin ng pagngiti niya.

"I'm sorry to reject you but I think there is another restaurant that suitable for you." Gumuho na naman ang mundo ko sa sinabi niya.

Akala ko, matatanggap na ako eh. Hindi naman pala. Tsaka, may pangiti-ngiti pa siya kanina, hindi naman siya gwapo! Pagkalabas ko, humanap na naman ako ng ibang maaplayan. Paiba-iba, may Cafeteria, Restaurants, Bars. Halos mag-iisang dosena na ang inaplayan ko pero wala paring tumanggap saakin. Palagi nalang akong nirereject, daig ko pa yata ang mga lalaking nanliligaw eh! Pare-pareho lang lahat ang sinasabi nila. May iba pang pwedeng tatanggap saakin. Asan naba kasi 'yang sinasabi nila? Bakit ang hirap hanapin? Ganito ba talaga kahirap maghanap ng trabaho? Kaya 'yung ibang mga nakatapos ng pag-aaral ay naging tambay nalang.

"Ishi!" Lumingon ako sa likod nang may tumawag saakin.

"Abram?" Papalapit siya saakin at ngumiti ito.

"Saan kaba pupunta?" Tanong niya. Bumaling ang tingin niya sa dala kong folder.

"Naghahanap ako ng trabaho." Kumunot ang noo niya.

"Oh? Talaga? Ano, may natanggap kana ba?" Umiling ako.

"Rejected 'yung natanggap ko sa kanila." Natawa siya sa sinabi ko. "Teka, bakit mo pala ako nahanap?" Kunot noo kong sabi.

"Uhmm, I just saw you in a hallway earlier. Naghahanap kapa yata ng trabaho nu'n. Napadaan lang din ako but I saw you again that is why, nilapitan na kita." Tumango-tango ako sa sinabi niya.

Met you in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon