Chapter 7

9 1 5
                                    

Chapter 7

"Bitiwan mo siya kung ayaw mong basagin ko ang pangit mong mukha." Seryosong sabi ni Zac sa lalake.

"Sino kaba, ha? 'Wag kang makialam dito, gusto kong turuan ng leksyon ang babaeng 'to kaya 'wag kang feeling superhero diyan!" Sabi naman ng lalake.

"Bakla kaba?" Napakibit balikat si Zac.

"Anong sinabi mo?!" Nainis ang lalake.

"Ang sabi ko, bakla kaba? Bakit siya ang papatulan mo kung andito naman ako." Walang ekspresyon niyang sabi.

Sinundan ko ng tingin ang lalake na naglakad palapit kay Zac. Inis na inis na ito samantalang si Zac ay parang wala lang sa kanya.

"Gago kaba? Bakit ba nangingialam ka? Ano lalabanan mo ako? Hindi mo naman ako kaya, Pre. Pare-parehas lang kayong dalawa ng babaeng 'to! Mga walang kwenta at salut sa lipun--" Bigla siyang sinuntok ni Zac sa mukha. Sa sobrang lakas ng pagkasuntok niya, bumagsak ang lalake sa lupa.

Dali-daling mahigpit na hinawakan siya ni Zac sa kwelyo. At napanganga ako dahil balewala ang pag-angat ni Zac sa lalake at agad itong inilagay pabagsak sa harapan ng kotse. Grabe, ang lakas niya. Wala akong ibang ginawa dito kundi ang tingnan lang silang dalawa. Hindi ko magawang awatin sila kasi para akong nanonood ng aksyon na pelikula.

"T-tama na, Pre. M-maawa ka saakin." Napatigil sa pagsuntok si Zac sa kanya nang nagmamakaawa na ito. "H-hindi ko alam na a-ang lakas mo pala, Zac Fuego." Mahigpit parin siyang hinawakan ni Zac sa kwelyo.

"Ngayon, sinong mas gago saating dalawa? Nagmamatapang ka diba?" Takot na takot na itong tumingin kay Zac. "Napatunayan mo ngayon sa sarili mo na bakla kanga talaga." Binitawan ito ni Zac at itinulak ng malakas.

Ang daming pasa ng lalake sa mukha niya dahil sa suntok ni Zac. May dugo ito sa bibig at nangingitim na ang magkabilang mata nito dahil tinamaan din siya. Kaya pala ang grupo nila Zac ang pinakatatakutan sa lahat dahil kahit sino ang kakalaban sa kanila ay hindi kakayanin ang lakas nila at parang sisiw lang ito.

Dali-dali namang pumasok sa loob ng kotse ang lalake nang binitawan siya nito. Agad niyang pinaandar at pinaharurot ang sasakyan paalis.

Bumaling ang tingin ni Zac saakin at kinabahan na ako nang magsimula siyang lumakad papalapit saakin. Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot dahil baka anong gagawin niya saakin dahil seryoso ang kanyang mukha at halos hindi na maiguhit ito. Baka gagawin niya rin kung anong ginawa niya kanina sa lalake.

"Wag!" Sumigaw ako at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking kamay. "Please, 'wag mo naman akong suntukin maawa ka, Zac!" Nanginginig parin ako.

"Anong problema mo?" Unti-unti kong inalis ang kamay ko saaking mukha. "Bakit naman kita susuntukin ha, baliw?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"K-kasi..." Ngumisi siya.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at bigla nalang napawi ang kanyang ngiti dahil sa nakita niya. Ano naman kayang problema.

"Hindi kaba talaga nag-iisip?" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Bakit ba?" Umiling siya.

Bumaling ang tingin ko sa kamay ko nang bigla niyang hinawakan 'yun sabay hila saakin. Tiningnan ko lang siya at hinayaan na hilain ako hanggang sa makarating kami sa kotse niya.

Binuksan niya ang pinto ng kotse at deretso akong ipinasok du'n bago siya umikot sa driver's seat. Nang makapasok na siya, may hinalungkat siya sa backseat. Tiningnan ko lang siya kung anong kinuha niya du'n. Nakita kong may hawak na siyang malaking damit at sa kanya yata ito. Agad naman niyang hinagis saakin.

Met you in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon