Chapter 5

9 1 6
                                    

Cha

Maaga akong umuwi ng appartment dahil wala naman akong gagawin sa school kasi suspended na ako. Ewan ko ba kung may magagawa pa ako sa buhay ko ngayon. Walang-wala na, kulang nalang, mamamatay na ako.

Matamlay akong pumasok sa loob. At agad nagtungo sa kusina para kumuha ng pagkain sa refrigerator. Pagbukas ko nu'n, nagulat nalang ako na umaapaw ang mga iba't-ibang pagkain nito sa loob.

Wala pa 'tong laman kanina nang umalis ako dito maliban sa tubig na nilagay ko. Ang weird talaga kung sino ang gumagawa saakin ng ganito. Hindi kaya may magic lang talaga ang appartment na'to? Kung may magic man, sana pati buhay ko babaguhin niya.

Bumaling ang tingin ko sa pintuan nang marinig kong may kumatok sa labas. Kaya naglakad ako papunta du'n para buksan ang pinto.

Hinawakan ko 'yung doorknob at binuksan ito. Nagulat naman ako nang bumungad saakin ang kanyang mukha. Akala ko si ate na nagbabantay dito sa appartment pero hindi pala.

"Anong ginagawa mo dito, Abram?" Pagtataka kong sabi.

"Magandang gabi, Ishi. Pwede ba akong tumuloy?" Nginitian niya ako.

"A-ahh, s-sure." Sinuklian ko rin siya ng ngiti.

Binuksan ko ng malaki ang pinto para makapasok siya. Pagpasok niya sa loob, tiningnan niya ang buong paligid.

"Nice appartment, Ishi." Tumingin siya saakin.

"Paano mo pala nalaman na nandito ako?" Humarap siya saakin.

"Kasi... sinundan kita kanina nu'ng pauwi kana." Dahan-dahan akong tumango.

"Bakit, may kailangan kaba?" Umiling siya. "Uhmm, gusto mo bang kumain? Magluluto muna ako."

Pupunta sana ako ng kusina pero pinigilan niya ako.

"Hindi na kailangan. To be honest, I brought a food" Tiningnan ko 'yung paper bag na dala niya. "Pwede mo ba akong sabayan kumain?" Tiningnan ko siya.

"Nakakahiya pero... mas nakakahiya kung tatanggihan ko ang katulad mo." Natawa siya sa sinabi ko.

Nagtungo kami sa kusina para doon kakainin ang dala niyang pagkain. Inilapag niya ito sa mesa at ang dami pala nito. Hindi lang isa, dalawa, o tatlo. Anim na iba't-ibang klase ng pagkain na nakalagay sa tig-iisang tupperware.

Pagkatapos itong ihanda ay umupo siya sa kaharap kong inupuan. Medyo nahihiya ako na andito siya ngayon kasi hindi naman kami malapit sa isa't-isa. Isa pa, hindi pa niya ako masyadong kilala at ganu'n din ako. Pero ang weird na pumunta siya dito at nagdala pa talaga ng pagkain. Kung makapunta siya dito, parang close na close na kami.

"Umiyak ka kanina." Nakakibit balikat lang siya habang pinagmamasdan akong kumain. "Are you now feeling well?" Tumigil ako sa pagnguya ng pagkain.

"Yes." Pilit akong ngumiti. "Nasuspended lang naman ako sa klase dahil sa kaibigan mo." Yumuko ako at kumain ulit.

"Yeah, I've heard it earlier. Kaya nga ako pumunta dito kasi gusto kong itanong kung alam mo na bang trending kayo sa school?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Seryoso kaba?" Kinunotan ko siya ng noo.

Bumaling ang tingin ko sa cellphone na hawak niya at inilapag ito sa harapan ko. Kinuha ko 'yun at bumungad saakin ang video namin ni Zac nu'ng nasa likod kami ng school nu'ng nakahiga kaming dalawa. Kinunan ito sa malayo kaya kung makikita sa video ay para kaming naghahalikang dalawa kahit hindi naman talaga.

Dummy account 'yung ginamit ng uploader at wala pa itong isang oras na inupload niya sa social media. Almost thousands na ang views nito. Nagbasa ako ng kaunti sa mga comments nila.

Met you in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon