Chapter 3

6 1 2
                                    

Chapter 3

Pagdating ko sa tapat ng gate, nagdadalawang isip talaga akong pumasok lalo na nang nakita kong maraming studyante ang nakatanggap ng punishment na andu'n sa field habang nagbibilad sa araw. Sigurado ako na kapag magpapakita ako sa guard mg school, doon din ang dererso ko kapag papasok ako ngayon.

"Hindi kaba talaga nag-iisip, Miss?" Napatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko. Hinarap ko siya para makita kung sino.

"Ikaw na naman?!" Umiling ako at inirapan siya.

"Pumasok ka lang ba talaga para harapin 'yung parusa mo? Gaano kaba kabobo?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Grabe siya makapagsalita ng bobo saakin ha. Kung makagsabi parang kabilang siya sa mga deans list dito.

"Ano naman sa'yo ngayon kung hindi ako nag-iisip?" Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Syempre, deserve kong matanggap ang parusa dahil late ako. At hindi ako bobo, sumusunod lang ako sa rules ng school na'to!" Napalakas ng kaunti ang boses ko sa panghuli. "At tsaka, kung may balak kang magcucutting classes, 'wag mo na akong idamay!" Dagdag ko.

"Do you think, magcucutting classes ako? Hoy, Miss. Late rin ako katulad mo!" Napabuntong hininga ako.

"Anong pakialam ko?" Kumunot ang noo niya. "Tinatanong ko ba? Tsaka, ikaw yata ang hindi nag-iisip eh, kasi malalate ka talaga dahil inuna mo 'yang pagyoyosi mo kesa sa pumasok na!"

Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at agad ko na siyang tinalikuran. Pero hindi pa ako nakalayo sa kanya ay nagulat nalang ako nang bigla niya akong hinila papunta sa sulok at medyo madilim na lugar. At agad akong isinandal sa pader.

"Ano bang ginagaw--" Tinakpan niya ang bibig ko.

"Wag kang maingay kung ayaw mong mahuli tayo ng desciplinarian." Bulong niya.

Tumingin ako sa labas, at nakita ko nga ang desciplinarian ng school na nagmamasid sa paligid habang naghahanap ng mga late comers at nagtatangkang magcucutting classes. Sumilip pa siya sandali sa pinagtataguan namin nang makarinig siya ng mahinang boses kanina.

Ilang minuto rin kaming natahimik ni Zac at hinintay nalang kung kailan aalis ang desciplinarian. Doon na siya umalis nang may tumawag sa kanya. At nakahinga naman kami ng maluwag kasabay ng pag-alis niya.

Hayy, muntik na 'yun ah.

Dahan-dahan na niyang inialis ang kanyang kamay galing saaking bibig. At bigla nalang nakuryente ang buo kong katawan nang hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas.

Hindi na ako makakalakad ng maayos dahil ang bilis niyang maglakad habang hinihila ako. Nagtataka nalang ako kung bakit pumunta kami dito sa likod ng school.

"Teka,ano bang ginagawa natin dito?" Kunot noo kong tanong.

"Ano paba? Edi, aakyatin natin ang pader na 'yan para makapasok na tayo." Bumaling ang tingin ko sa mataas na pader.

"Sira kaba o nagdudrugs ka talaga. Ang lakas ng tama mo, paano tayo makakaakyat diyan kung ang taas-taas niyan." Sinamaan niya ako ng tingin.

"Gusto mong pumasok diba? Kaya 'wag mag-inarte. Tsaka, hindi ako nagdudrugs." Seryoso niyang sabi.

"Hindi ako nag-iinarte! Kung gusto mong umakyat edi, gawin mong mag-isa, 'wag mo akong idamay!" Kibit balikat kong sabi.

"Okay, kung ayaw mo edi, 'wag. Hindi naman kita pinipilit kung gusto mo talagang pumasok du'n sa gate para salubungin ang parusa." Natahimik ako sa sinabi niya.

Nakatingin lang ako sa kaniya nang tinalikuran na niya ako at nagsimulang umakyat sa pader. Nanlaki naman ang aking mata nang ginawa niya talaga 'yun.

Met you in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon