Chapter 16

10 1 5
                                    

Chapter 16

Pagkatapos naming mamili ni Zac, lumabas kami ng supermarket. Dalawa ang dala ni Zac na malaking supot na may lamang pinanbili namin habang dala ko naman ang isa. Grabe, ang lakas niya talaga. Hindi ba siya nahihirapan sa dala niya? Ang bigat kaya nu'n tsaka, kahit isa lang 'tong dinadala ko, hindi ko na kaya. Nahihirapan pa nga ako eh, kasi bawat lakad ko, unti-unti rin na bumababa ang supot.

"Akin na nga 'yan." Kinuha ni Zac 'yung dala ko. Napanganga ako kasi parang ang gaan-gaan langvsa kanya ang tatlo niyang dala.

"Teka, hindi kaba nahihirapan?" Pag-alala kong tanong. At tsaka kami pumasok sa elevator.

"Hindi. Bakit naman ako mahihirapan?" Walang ekspresyon niyang sabi.

"Nagbibiro kaba? Ang bigat kaya ng mga binili natin." Tumingin siya saakin. "Akin na 'yung isa, ako na ang magdadala." Akmang kukunin ko pero inilayo niya ito.

"Wag na, baka mas lalo kapang liliit." Sinamaan ko siya ng tingin. Napakibit balikat nalang ako at umiwas ng tingin sa kanya.

Ayan na naman siya sa pang-aasar saakin na pandak ako eh. Ano bang mali kung ganito talaga ako pinalaki ng magulang ko? Kung kulang ako sa height pero atleast naman bawing-bawi ako sa maganda kong katawan at sa mukha ko no!

Napatingin ako sa itaas nang biglang nawala ang ilaw dito sa loob. Masyadong madilim. Lumingon ako kay Zac dahil hindi ko alam ang nangyayari.

"Anong nagyayari?" Pagtataka kong tanong. Kahit si Zac ay hindi ko makita.

"Na stock tayo dito sa loob." Napanganga ako sa sinabi niya.

"Ano?! Hindi pwede 'to!" Dali-dali kong kinapa ang cellphone ko sa bulsa baka may matawagan akong makakatulong saamin dito. Pero naalala kong naiwan sa kotse ni Zac ang cellphone ko.

Binaba ni Zac ang mga dala niya sa sahig. Madilim ang paligid pero tama lang ang pagkadilim niya na makikita ko ang kinikilos ni Zac.

"Hindi ko rin dala ang cellphone ko kaya maghintay nalang tayo hangga't may tutulong saatin." Napailing ako.

"Hindi pwede, Zac! Paano kapag aabot pa ng bukas bago sila darating? O baka dalawang araw, isang linggo, o isang buwan?" Umupo siya sa sahig at sumandal.

"Relax, Ishi. Malabong mangyari 'yang sinasabi mo kaya pwede ba, huminahon ka? Makakalabas din tayo." Huminga ako ng malalim.

"Paano kapag mangyari, Zac?" Tumingin siya saakin.

"Wala kabang tiwala sa sarili mo at... saakin?" Natahimik ako.

May tiwala ako sa sarili ko pero lumalabas parin ang takot ko na baka... walang tutulong saamin. Nakikita ko kasi sa mga telenovela na kapag nakulong sila sa elevator ay nawawalan sila ng hininga. Paano kapag mangyari din 'yun saamin? Tapos mahospital ako? Matagal akong magigising, tapos pagkagising ko milyon-milyon ang babayaran ko, ikukulong ako sa selda dahil hindi ko nabayaran ang utang ko tapos magpapakamatay nalang ako dahil depress na ako. Paano kapag aabot hanggang doon dahil lang nakulong kami ni Zac sa elevator.

"Pwede ba, Ishi. Umupo ka? Nakakahilo 'yang pabalik-balik mong paglakad eh." Napatigil ako. Hindi kasi talaga ako mapakali.

Sinunod ko ang sinabi niya. Umupo ako sa sahig at sumandal sa tabi mi Zac. Kung anong ginagawa niya ay ginaya ko narin. Niyakap ko nalang ang mga tuhod ko at sa sahig nalang nakatitig. Kita ko naman sa gilid ng aking mga mata na tumingin siya saakin.

Matagal-tagal narin kaming andito sa loob at wala pa talagang pumuntang tao dito para ayusin at tulungan kami. Tahimik lang kami ni Zac habang naghihintay ng tulong.

Met you in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon