Chapter 12

11 2 1
                                    

Chapter 12

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko nang makaramdam ako ng lamig sa katawan dahil nakafull 'yung aircon. Hindi ko naman pinaandar 'to kanina. Tiningnan ko ang sarili ko. Nagtaka ako kung bakit may nakabalot na na kumot sa katawan ko kahit hindi naman ang naglagay nito.

Nakapagtataka talaga kasi wala rin naman akong kasama dito sa loob. Bumangon ako at agad na umalis sa kama para lumabas dito. Nagtungo ako sa living room para tingnan kung andu'n paba sila. Pagdating ko, wala na silang apat na abala sa kakapindot ng tig-iisa nilang gadgets kanina. Ang mga nakakalat nalang na pizza ang naiwan ngayon dito.

Napailing nalang talaga ako dahil kailangan ko na namang maglinis kasi kalat na naman. Akmang kukunin ko na ang mga cartoon ng pizza pero bumaling ang tingin ko sa naiwang pera na nakalagay rin sa gilid ng mesa. May kasama pa itong sulat na nakalagay sa sticky notes. Binasa ko ang sulat.

"Lumabas kami sandali. Hindi ko nagustuhan ang paglilinis mo pero babayaran parin kita ng twenty thousand." -Zac.

"Grabe siya! Ang linis-linis na nga ng condo niya tapos hindi pa niya naappreciate ang effort ko!" Sabi ko sa sarili ko.

Bumaling ang tingin ko sa pera. Kinuha ko 'yun at binilang. Hindi nga siya nagsinungaling. Twenty thousand 'yung iniwan niya. Pero kalahati lang ang kukunin ko dito. Sobra na'to tsaka, ang sabi niya hindi niya nagustuhan kaya dapat hindi niya ako babayaran ng ganito kalaki. Daig ko pa 'yung mga proffessional nito eh.

Kinuha ko 'yung kalahati at nilagay sa loob ng bag habang 'yung kalahati naman ay ibinalik kung saan niya ito nilagay kanina. Nagpunit rin ako ng isang sticky notes para magbilin din ng sulat bago ako aalis dito sa unit niya.

"Hoy, daga! Huling araw na 'to na magkikita tayo, ha? 'Wag mo na akong lapitan pa kasi nababadtrip ako kapag nangingialam ka sa buhay ko, eh. Salamat nalang sa pera." -Ishi

Idinikit ko ang sulat ko sa pera bago ako tuluyang umalis na sa condo niya. Sana hindi na talaga kami magkikita pa. Kung naaawa siya saakin dahil lang sa mahirap ako, hindi ko kailangan ang awa niya para mabuhay ako.

Buti nalang at nadagdagan ng kaunti ang savings ko ngayon. Sakto na ata 'to sa tatlong linggo o di kaya'y isang buwan para panggastos sa sarili ko.

Paglabas ko, pumara agad ako ng taxi para umuwi na sa bahay. Wala akong nahanap ngayon na trabaho dahil puro rejected lahat maliban sa inalok kanina ni Zac saakin. Siguro sa online nalang ako mag-aapply para madali nalang at hindi na ako mahihirapan pa.

Maya-maya, tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko 'yun at may isang notification. Pinindot ko naman kaagad para tingnan kung ano. Isang link para magkapag-apply ng trabaho.

Tamang-tama 'to saakin ah. Kaya hindi ako nagdadalawang isip na mag sign-in du'n. Binasa ko ang mga guidlines at lahat ng nakalagay. May kontrata pala ang trabahong 'to. May one, two hanggang three 'yung contract. Siguro, ito na yata ang trabaho na tatanggapin ako kaya hindi narin ako nagdadalawang isip na magfill-up na.

Pagkatapos kong magfill-up, nakalagay na hihintayin ko nalang ang kukuha saakin na employer kung sino ang tatanggap saakin. Wala pang isang minuto, nag pop-up ulit 'yung link kanina na inaplayan ko. Unti-unting lumapad ang ngiti ko nang mabasang hired na ako. Interview nalang 'yung kulang at pagkatapos, may three years contract na ako. Grabe, ang bilis naman ng blessings. Finally, hindi nari ako titira dito sa appartment ni Zac kasi may trabaho na ako.

Hindi pa ako nakapasok sa appartment, unti-unti akong napahinto sa paglakad nang may nakita akong mga lalakeng may mga balak. Nakaramdam na ako ng kaba dahil papalapit na ang tatlong lalake dito sa kinatatayuan ko.

Met you in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon