Chapter 8

12 1 14
                                    

Chapter 8

Unti-unti kong idinilat ang mata ko nang makaramdam ako ng init at bigat sa katawan. Umaga na pero andito parin kami sa loob. Bigla nalang nanlaki ang mata ko nang makitang dito pala sa backseat nakahiga si Zac. Hindi ko alam kung paano siya nakalipat dito at kung paano ako nakapaibabaw sa kanya ngayon. Kaya nagkasya kaming dalawa. Agad naman akong umalis sa ibabaw niya.

Kaya pala ang bigat-bigat ng pakiramdam ko at masyadong mainit dahil sa braso niyang nakabalot saakin. Ninerbyos talaga ako ng lalaking 'to. Buti nalang talaga at nakasuot na siya ng damit ngayon. At ang himbing pa talaga ng tulog niya.

Dali-dali naman akong lumipat sa frontseat at du'n umupo. Sinubukan kong buksan ang pinto nito para makalabas ako pero hindi ko mabuksan dahil si Zac lang talaga ang pwedeng kumontrol nito.

Lumipat ako sa driver's seat at may hinalungkat du'n. Hinanap ko ang button na pwedeng pindutin para bumukas na. Saktong may nakita akong kulay green na maliit. Pakiramdam ko, ito na yata ang pambukas ng pinto ng sasakyan. Kaya hindi ako nagdadalawang isip na pindutin 'yun pero... mali pala dahil biglang umaalingawngaw ang napakaingay na busina ng kotse at dahilan ng pagkagulat at pagkagising ni Zac. Nahimasmasan yata 'yung pagkaantok niya. Tumingin siya saakin at sinamaan ako ng tingin.

"What the hell are you doing, Ishi!" Napakamot ako ng ulo.

"Pasensya na kung nagulat ka. Gusto ko na kasing lumabas kaya at mali 'yung napindot ko." Napairap siya at ginulo ang buhok niya.

"Umalis kanga diyan! Hindi mo kabisado ang lahat diyan kasi hindi 'to ordinaryong sasakyan." Bumalik ako sa gilid at siya naman ang pumalit na umupo sa driver's seat.

"Pwede ba, 'wag kanang maraming satsat? Palabasin mo ako! Gusto ko ng umuwi dahil kailangan ko pang maghanap ng trabaho ngayon!" Irita kong sabi.

"At saan ka naman maghahanap? Sigurado kabang may tatanggap sa'yo?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Wala talagang tatanggap kung hindi ko susubukan. Bakit ba ang dami mong tanong, ha? Kagabi kapa talaga, alam mo naiinis na ako sa'yo!" Ngumisi siya.

"For your information, Ishi Yenzuel, marami akong tanong kasi kasali ako sa inaplayan mong trabaho kaya umayos ka kung gusto mong tanggapin kita." Nakuha pa niyang magkagat labi.

"Sino namang may sabi sa'yong kasali ka sa aaplayan ko, ha?" Taas kilay kong sabi.

"Me, myself, and you." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Alam mo, hindi ko talaga maintindihan kung bakit binuhay kapa dito sa mundo." Ngumuso siya.

"Binuhay ako dahil hindi mabubuo ang salitang gwapo kung wala ako." Umiling ako.

"Gwapong gwapo karin talaga sa sarili mo, no?" Ngumiti siya. "Kung gwapo ka, bakit diring-diri ako sa mukha mo?" Napakibit balikat ako.

"Isa lang ang alam ko diyan." Sumingkit ang mata niya. "Baka bulag kalang talaga." Tumawa ako.

"Paano ako maging bulag kung malinaw sa mata ko na para kang unggoy na nabagsakan ng niyog na bugok!" Napawi ang ngiti niya.

"Sarili mo ba ang tinutukoy mo?" Sarkastik niyang sabi.

"Sarili mo ba ang tinutukoy mo?" Ginaya ko ang sinabi niya.

"Pwede ba, 'wag mo akong gayahin!" Inis niyang sabi.

"Pwede ba, 'wag mo akong gayahin!" Mas lalo siyang nainis nang ginaya ko siya ulit.

"Ang pangit mo!" Aniya.

"Ang pangit mo!" Sabi ko. Napailing nalang siya dahil bumalik parin sa kanya ang sinabi niya.

"Ano bang problema mo, ha? Baliw kabang babae ka?" Lumapad ang ngiti ko dahil inis na inis na siya sa ginawa ko.

Met you in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon