Chapter 18

16 1 17
                                    

Chapter 18

Malapit na akong makarating sa classroom namin. Hindi pa ako nakaabot, nakasalubong ko na si Loraine dito sa hallway. Lumapad ang ngiti namin sa isa't-isa nang magkita kami ulit.

"Welcome back, Ishi!" Nasasabik niyang bati at mahigpit akong niyakap.

"Hayyy, grabe! Namiss kong mag-aral." Kumalas siya sa pagyakap saakin at siningkitan ako ng tingin na tila ba may kakaibang ibig sabihin nito.

"Kumusta naman ang buhay mag-asawa ninyong dalawa ni Zac?" Nakangisi niyang sabi. Sinapak ko siya ng mahina sa balikat.

"Loraine, ano kaba naman? Tigilan mo nga 'yan baka mamaya may makarinig pa sa'yo eh. Tsaka, hindi ko nga siya gusto diba? Nagtatarabaho lang ako sa kanya." Tumaas ang dalawa niyang kilay at mas lalo pang sumingkit ang kanyang mata na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Talaga ba?" Napakibit balikat siya. "Eh, ano ba 'yung nakita ko kanina na magkasama kayong dalawang pumasok dito sa school?" Huminga ako ng malalim at napailing nalang.

"Walang ibig sabihin nu'n, Loraine. Tsaka, gusto niya lang na sabay kaming papasok kaya pumayag nalang ako kasi nga diba, boss ko siya." Ngumiti siya at dahan-dahan nalang na tumango.

"Oo na nga, naniniwala na ako sa'yo tsaka, kapag mangyari man na magkakatuluyan kayo, saakin ka unang magsabi, ha?" Tumawa pa siya.

"Hinding-hindi mangyayari 'yan, Loraine. I swear!" Ngumuso siya.

"Possible kayang mangyari 'yun. Tatlong taon kayong magkakasama ni Papa Zac, impossible namang wala sainyong dalawa ang mahuhulog, te!" Natawa ako.

"Hindi nga mangyayari 'yan kahit ilang taon ko pa siyang makakasama sa unit niya!" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Dahil na naman ba 'yan kay Mysterious Saviour mo?" Napawi ang ngiti ko. "Hayy naku, Ishi. 'Wag mo na siyang isipin kung wala naman talaga siyang balak na magpapakilala sa'yo. Doon ka nalang sa boss mong gwapo na nga ang hot pa diba?" Ibang klase talaga mag-iimagine si Loraine.

"Palit nalang kaya tayo ng posisyon?" Tumawa siya.

"Ayaw ko nga! Ayaw kong maging pandak no!" Hindi maiguhit ang mukha ko sa pang-aasar niya saakin. "Biro lang, Ishi. Siguro, mamaya nalang ulit tayo sa Cafeteria magkuwentuhan. Mag start na 'yung klase namin." Tumango nalang ako at nginitian siya.

"Ingat ka, ha?" Ngumiti siya.

"Ikaw rin baka, hindi kapa nakarating sa classroom nasa langit kana kasi nakita mo si Papa Zac." Natawa ako.

"Sira ka talaga! Pumasok kana nga." Tumango siya at umalis na sa harapan ko. Sinundan ko muna siya ng tingin hanggang sa makalayo ito.

Nang wala na siya, naglakad na ako papuntang classroom. Pagpasok ko, bumaling ang tingin nilang lahat sa dereksyon. Hindi ko sila pinansin at sa sahig nalang nakatitig. Bawat hakbang ng aking mga paa ay naririnig ko ang padyak nito dahil sa nakakabinging katahimikan. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na sinundan nila ako ng tingin hanggang sa umupo ako puwesto ko.

Inangat ko ang tingin sa kanila. Hindi talaga mawala ang pagtitig nila saakin. Para akong napapalibutan ng mga daan-daang cctv dito dahil sa mga mata nilang hindi matanggal sa kakatitig.

"Hoy, Ishi!" Napatalon ako sa gulat nang hinampas ng babae ang mesa ko. Inangat ko ang tingin ko sa mukha niya para malaman kung sino siya. Si Yeklis, ang babaeng napakataray at isa sa pinakatatakutan din nilang babae dito sa campus. Classmate ko siya at ngayon lang talaga kami nagkausap. Weirdo akong babae kaya niisa sa mga kaklase ko ay hindi ko pa nakakausap maliban kapag may tinatanong sila saakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Met you in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon