Chapter 2

12 2 0
                                    

Chapter 2

Andito kami ngayon sa restaurant at kasalukuyang kumakain kasama si Loraine. Hindi ko naman talaga gustong pumunta dito kaso, nagpumilit siya kaya sumama nalang ako. Hindi rin naman ako humingi ng kapalit sa pabor niya.

Pero kahit ganu'n paman ay, mukha naman siya mabait at mapagkatiwalaan. May punto rin naman ang sinabi niya na kapag hindi ko susubukang magtiwala sa ibang tao ay hindi ako uusad at patuloy lang akong malulungkot sa mundo kapag sarili ko lang ang pinagkakatiwalaan ko.

"Nag-iisa ka nalang ba talaga sa buhay? Hindi mo na talaga kasama ang pamilya mo?" Napatigil ako sa pagnguya ng kinain ko.

"P-parang ganu'n nanga." Pilit akong ngumiti.

"So, sinong bumubuhay sa'yo? Tsaka, saan ka naman nakatira? Huminga ako ng malalim.

"Sarili ko lang. At sa appartment ako tumira." Dahan-dahan nalang siyang tumango.

Nakikita ko sa mga mata niya na parang naawa siya sa kalagayan ko.

"Ikaw ba?" Kumunot ang noo niya. "Ano bang buhay mo ngayon?" Ngumuso na naman siya.

"Maayos naman, palaging busy sila Mommy at Daddy sa trabaho." Napalunok ako. "Namimiss ko nanga sila eh, every weekends lang kasi sila umuuwi kaya 'yun lang din ang panahon namin para makapag-bonding." Nakaramdam ako ng inggit sa sinabi niya.

"Ang swerte mo naman." Mahina kong sabi.

"Teka, kung sarili mo nalang ang bumubuhay sa'yo, nasaan naman ang mga magulang mo? Anong nangyari?" Iniwasan ko siya ng tingin at napalunok nalang.

Maya-maya hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha na kanina ko pa pinipigilan sa aking mga mata.

"Ishi, umiiyak kaba?" Pag-alala niyang tanong.

Agad ko namang pinunasan ang luha ko at nginitian siya.

"Pasensya na, may naalala lang ako." Tumango siya at hindi parin mawala ang lungkot sa mukha niya.

"A-ayos lang. Pasensya ka narin kung naitanong ko 'yun sa'yo. Hindi ko naman kasi alam na may pinagdaanan ka pala." Ngumiti nalang ako.

Pagkatapos nu'n, nagpatuloy lang kaming kumain hanggang sa matapos kami. Nagpasya narin kaming umuwi dahil gabi na. Nasabayan pa ng napakalakas na ulan kaya tumambay muna kami saglit sa labas.

Tinawagan narin ni Loraine ang driver niya para sunduin na siya nito. Hindi kasi siya makakauwi kung hindi siya susunduin dahil hindi pa tumitigil ang ulan.

Hindi nagtagal, nakarating na 'yung sundo niya. Lumabas ang driver galing sa loob ng sasakyan habang dala ang payong para ibigay ito kay Loraine para hindi siya mabasa.

"Ishi, sabay kana saamin." Sabi ki Loraine.

"Hindi na, magtataxi nalang ako." Nginitian ko siya.

"Sige na, sabay kana saamin. Para naman makita ko rin ang appartment na tinitirhan mo." Ngumiti rin siya.

"Ganu'n ba? Edi... sige." Nilapitan niya ako at pinasalo sa kanyang dalang payong at naglakad papasok sa loob ng sasakyan nila.

"Saan po tayo, Ma'am?" Tanong ng driver kay Loraine nang makapasok na ito sa loob.

"Uhmm, ihahatid muna natin siya sa tinitirhan niyang appartment, Kuya." Tumango ang driver at agad na pinaandar ang kotse.

Ngumiti si Loraine nang tiningnan ko siya. Ganu'n din ang sinukli ko sa kanya. Hindi ko talaga alam kung bakit ang bait-bait niya saakin at gusto niya akong maging kaibigan kahit hindi naman magkalevel ang standard naming dalawa. Mayaman siya at mahirap lang ako dahil mag-isa lang akong bumubuhay sa sarili ko.

Met you in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon