Chapter 15

6 2 3
                                    

Chapter 15

Andito parin kami sa living area kasama ang mga cute na daga maliban kay Zac kasi hindi siya cute para saakin. Ganu'n parin ang ginagawa nila, abalang-abala sa paglalaro ng tig-iisang gadgets nila. Kaya kahit abala sila, abala rin naman ako sa panonood ng tv. Tapos narin naman ako sa mga gawain ko dito. Nailipat narin ang mga gamit ko sa guest room kanina lang dahil may inutusan si Zac na tao para kunin ang mga gamit ko. Ang bilis talaga ng mga pangyayari.

"Hoy, Baliw!" Bumaling ang tingin ko kay Zac. Ang sama ng tingin niya saakin. "Hinaan mo nga 'yung volume ng tv, hindi ako makapaglaro ng maayos!" Reklamo niya.

"Bakit hindi ka nalang kasi mag earphones kung nakakaditurbo naman pala ang boses ng tv?" Taas kilay kong sabi.

"Pwede ba, wag kanang pilosopo. Hawak mo naman 'yung remote diba? Hinaan mo na!" Naiinis na siya.

"Bro, ano ba. 'Wag kanang makipagbangayan kay Ishi, sinulong na ng mga kalaban 'yung kampo natin!" Sambit ni David habang nakatitig sa iPad niya.

"Gago kaba? Bakit hindi mo nalang denepensahan." Bumaling ulit ang tingin ni Zac sa iPad niya. "Ishi, ano ba! Hinaan mo 'yung tv!" Dagdag pa niya.

"Oo na! Ang kulit mo eh." Inis kong sabi. Padabog kong kinuha 'yung remote control at agad pinahinaan ang volume ng tv.

"Ano ba 'yan, talo na naman tayo eh!" Malungkot na sabi ni Exodus.

"Kasalanan mo kasi 'to, Zac." Ani David sabay lapag ng iPad niya sa mesa.

"Anong ako? Si Ishi ang sisihin niyo 'wa ako!" Depensa ni Zac.

"Ako talaga? Kasali ba ako sa paglalaro ninyo ng mobile legends, ha!" Nakakainis na talaga siya eh. Ako pa talaga ang sinisi niya sa pagkatalo nila.

Kitang-kita sa mga mukha nila ang pagkatalo sa laro. Hindi na maiguhit ang kanilang mukha dahil sa halong pagkalungkot at pagkainis nito. Hindi ba sila tumatanggap sa sarili nila ng pagkatalo?

"Kasalanan mo 'to, Zac. Sabi ko naman kasi sa'yong mag earphones ka nalang diba?" Mahinahon na sabi ni Abram. Lumapad ang ngiti saaking labi dahil sa sinabi ni Abram. Nagawa pa niya talaga akong ipagtanggol laban sa pangit na daga.

"Oo na, kasalanan ko na!" Sinamaan ako ng tingin ni Zac. "Wag ka ngang ngumiti-ngiti diyan, Ishi. Hindi bagay sa mukha mo!" Bumaling ang tingin nilang tatlo saakin maliban kay Zac. Tinitigan ako ng malapit ni Exodus sa mukha.

"Teka, bagay naman sa kanya kapag ngumiti ah. Mas maganda nga si Ishi kapag ngingiti." Puri ni Exodus saakin.

"Oo nga, maganda kaya si Ishi. Hindi mo ba 'yun nakikita, Zac?" Kunot noong sabi ni David. Natahimik naman si Zac.

"Hoy, Zac, sagutin mo ang tanong namin. Maganda ba si Ishi?" Matagal siyang sumagot sa tanong ni Exodus. Tiningnan naman ako ni Zac deretso sa mata.

"Hindi." Napabuntong hininga ako.

Pakialam ko, kung hindi ako maganda sa mga mata niya. Hindi nga rin siya gwapo sa mga mata ko kahit ang daming nagkakagustong babae sa kanya. That's what we called, love is blind. Pero hindi siya pag-ibig.

Tumingin si Abram sa wristwatch niya. Gabi na kaya alam kong aalis na sila dito. Tumayo kaming lahat sa kinauupuan namin.

"Ihahatid na kita Abram-- este ihahatid ko na kayong tatlo sa labas." Ngumiti ako para hindi halata. Napanganga naman sila sa sinabi ko.

"Ayos 'yun, Ishi! Tara, ihatid mo na ako palabas." Napawi ang ngiti ko sa sinabi ni Exodus sabay akbay niya saakin. "Nahahalata na talaga kita, ah." Bulong ni Exodus sa tenga ko. Hinampas ko naman siya sa braso.

Met you in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon