Chapter 4

5 1 1
                                    

Chapter 4

Agad kaming tumayo ni Zac nang makita namin ang disciplinarian. Ang sama ng tingin niya saaming dalawa habang dala-dala 'yung note pad na listahan ng mga studyanteng dinisiplina niya.

"Kayong dalawa, proceed to my office now!" Nagtinginan kami ni Zac bago sumunod sa paglalakad ng disciplinarian.

Sinasabi ko na ngaba eh, mapapahamak lang kami sa ginawa namin kanina. Kahit naman pala na umakyat kami dito sa pader ay wala paring kwenta. Nahuli parin kami ng lintek na disciplinarian.

Pumasok kami ni Zac sa office niya at agad umupo sa upuang kaharap sa kinauupuan ng disciplinarian.

"Ang galing ng plano mo, Zac. Sa office ang deretso natin ngayon." Inis kong bulong kay Zac.

"Sinisisi mo pa talaga ako ngayon?" Bulong niya rin saakin.

"Syempre, ikaw naman ang nakaisip nito diba?" Sinamaan ko siya ng tingin.

Biglang hinampas ng disciplinarian ang mesa gamit ang kanyang kamay dahilan ng pagkagulat namin ni Zac. Ang sama ng tingin nito saamin. Kung nakakamatay lang 'yun ay kanina pa yata kami kinuha ni kamatayan.

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyong dalawa, ha?" Seryoso niyang sabi. "May balak talaga kayong lumiban sa mga klase ninyo!" Sigaw niya.

Grabe, nakakatakot talaga siya.

"Ang totoo po kasi..." Tiningnan ko si Zac na wala lang 'yung pagsermon ng disciplinarian kanina. "Ang totoo... hindi naman po talaga kami liliban ng klase." Yumuko nalang ako.

"Eh, anong ginawa niyo sa likod? Ano 'yung nakita kong nakahiga kapa sa bermuda habang nakaibabaw ka naman sa kaniya." Nanlaki ang mga mata ko.

"Naku, mali po ang iniisip ninyo." Tinaasan niya ako ng kilay. "Ang totoo po kasi, umakyat kami sa--" Pinutol ni Zac ang sasabihin ko.

"Totoo 'yung nakita niyo." Tiningnan ko si Zac at gulat na gulat. "Balak ko siyang halikan." Napanganga ako.

Bumaling ang tingin ko sa disciplinarian at inilingan ito. Tiningnan lang ako saglit ng disciplinarian at bumalik ito ng tingin kay Zac.

"Actually, we're just celerebrating our aniversarry for a while. At babalik din naman kami agad sa klase namin." Pagsisinungaling niya.

Naisisiraan na talaga siya ng ulo. Mas pinapalala niya lang ang sitwasyon eh.

"Aware naman siguro kayong dalawa na kasama 'yan sa rules ng school?" Sabi ni Sir.

"Yes, pero aminin niyo rin, isa rin kayo sa mga lumabag sa batas ng school na'to nu'ng una diba?" Lakas ng loob na sabi ni Zac kay Sir.

"Don't talk to me like that, Mr. Fuego!" Saway ni Sir.

Ang yabang naman kasi nitong si Zac. Porket sikat siya dito ay pwede niya naring sagutin 'yung mga nakakatanda dito. Sasagutin pa sana ni Zac si Sir pero pinigilan ko. Sinenyasan kong 'wag na ituloy dahil mas lalo lang niyang pinalala ang sitwasyon.

"I'm sorry, Sir. Ang totoo naman po kasi, hindi po talaga namin 'yun ginawa. Kasi... umakyat po kami sa pader para makapasok dito dahil... late k-kami." Ang sama ng tingin ni Zac saakin. Nanlaki naman ang mata ni Sir sa sinabi ko.

"Nagawa niyong akyatin ang pader sa likod?!" Galit na siya. Tumango nalang ako at yumuko. "Alam niyo bang napakadelikado ng ginawa ninyo!" Tumango nalang ako.

"Oo, alam namin." Walang ekspresyong sabi ni Zac.

"Napakahirap na talagang disiplinahin ng mga kabataan ngayon. Ang titigas ng ulo!" Hinampas niya ulit ang mesa. "At kasali na kayong dalawa sa mga matitigas na ulo!" Dagdag niya.

Met you in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon