Chapter 13

12 2 10
                                    

Chapter 13

"Pasensya na kung inabala ko pa kayo. Kayo lang kasi ang alam kong malapit sa kanya." Boses ni Loraine.

"Is she okay now?" Si Abram.

"Ewan ko, hindi pa siya nagigising eh." Nagising ako dahil sa mga naririnig kong boses nila. Nakita ko silang lima na nandito sa loob ng kwarto habang hinihintay akong magising.

Nakita kong lumingon si Loraine saakin kaya dali-dali naman siyang pumunta sa kinahihigaan kong kama para malapitan ako.

"Ishi, kumusta kana? Maayos na ba ang pakiramdam mo? Wala kana bang naramdaman na kakaiba? Tsaka, gusto mo bang kumain?" Sunod-sunod na naman niyang tanong.

"Hindi, ayos lang ako." Nakahinga siya ng maluwag.

"Ayos naman pala siya, bakit kailangan pa nating pumunta dito." Kibit balikat na sabi ni Zac.

"Ishi." Bunaling ang tingin ko kay Abram. "Sigurado kabang ayos kalang talaga?" Kunot noo niyang tanong.

Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Nanghihina talaga ako kapag naiisip ko 'yun.

"Ano ba talagang nangyari?" Tanong ni David.

"Oo nga, Ishi. Hindi mo pa sinasabi saakin kung ano ang dahilan." Sabi ni Loraine.

Biglang natahimik ang lahat habang hinihintay nila ang sasabihin ko. Tiningnan ko sila tig-iisa. At seryoso rin silang tumingin saakin.

"M-may... may m-mga lalakeng... muntik na akong g-gahasain." Nanlaki ang mata nila sa sinabi ko maliban kay Zac. Nakapagtataka at bakit hindi siya nagulat.

"Nakita mo ba ang itsura ng mga mukha nila?" Tumango ako sa sinabi ni Exodus.

"Sinaktan kaba nila?" Pag-alalang sabi ni Loraine.

"Paano ka naman nakatakas, Ishi?" Tanong ni Abram.

Naalala ko 'yung lalakeng tumulong saakin.

"Pauwi na ako nu'n sa appartment ko nang nakasalubong ko sila sa labas. Sa sobrang kaba ko, hindi ko nagawang tumakbo. Dinala nila ako sa madilim na lugar kung saan walang taong nakakakita. At doon nila ako pinagtangkaan." Huminto muna ako.

"Gago talaga 'yang mga katulad nila eh. Ang dami ng tinatarget." Galit na sabi ni Exodus.

"Pero buti nalang at... may dumating na lalake para iligtas ako." Dagdag ko.

"Kilala mo ba siya?" Bumaling ang tingin ko kay Zac na seryoso ang mukha.

"Hindi. Hindi ko siya kilala dahil nakatakip ang mukha niya." Nakahinga ng maluwag si Zac. Matagal ko siyang tinitigan sa mata kasi parang pamilyar talaga 'yung itsura ng mata niya. Pakiramdam ko may pagkahawig sila ng nagligtas saakin kagabi. Parehong-pareho ito. Hindi nagtagal ang pagtitig ko sa kanya, ay umiwas siya kaagad ng tingin saakin.

"Hayyy, mabuti nalang at may natitira pang mabuting tao dito sa mundo." Ngumuso si Loraine. "Teka, Ishi. Ipaghahanda muna kita ng pagkain bago kami aalis. Hindi ka kasi kumain kagabi eh." Napanganga ako.

"D-dito ka natulog kagabi?" Kunot noo kong sabi.

"Oo, mag-isa kalang kasi dito kaya sinamahan kita. Tsaka, nahimatay ka kaya. Alangan namang iiwan kitang mag-isa dito." Dahan-dahan akong napatango. "Zac, pwede bang ikaw muna ang maiwan dito? Sige na naman, oh. Kahit ngayong araw lang pagkatapos ng klase namin." Nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Ayaw ko nga!" Sabay naming sabi ni Zac.

"Hindi ko naman siya kailangan. Kaya kong mag-isa kaya pwede niyo na siyang pauwiin!" Masungit kong sabi.

Met you in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon