Chapter 10

7 1 4
                                    

Chapter 10

Ilang minuto ang lumipas sa byahe namin, nakarating kami ni Zac sa isang condominium. Kaya tiningnan ko siya at kinunotan ng noo. Hindi ko kasi alam kung bakit andito kami at bakit kailangan pa niya akong isama dito.

"Hoy!" Tawag ko. Tumingin naman siya agad. "Ano bang ginagawa natin dito, ha?" Ngumisi siya.

"Condo ko 'to, Miss. Kaya bumaba kana diyan dahil kailangan na nating pumasok sa loob." Aniya at lumabas ng kotse. Lumabas narin ako para sumunod sa kanya papasok sa loob.

Ang bilis niyang pumasok samantalang ako, ay papasok palang. Nagtaka na nga lang ako nang hinarang ako ng dalawang guards dito. Muntik panga nila akong hindi papasukin  dahil hindi raw nila ako kilala. Buti nalang talaga at binalikan ako ni Zac. At kung hindi, aalis nalang talaga nang hindi niya nalalaman.

"Bilisan mo kasing maglakad." Pumasok kami ng elevator.

"Kasalanan ko bang maliit lang talaga ang mga hakbang ng paa ko kaya hindi ako makakalakad ng mabilis?" Yumuko lang siya at ipinasok ang kamay niya sa bulsa.

"Buti naman at alam mong pandak ka." Sumama ang tingin ko sa kanya.

"Syempre, alam ko naman talaga 'yun. Ikaw alam mo bang mayabang ka, ha?" Napakibit balikat ako.

"May mayabang ba na aamin?" Tumingin siya saakin at tinaasan ako ng kilay. "Mag-isip ka nga ng mabuti. Masyadong mabagal 'yang utak mo, eh." Dagdag niya.

Tumahimik nalang ako at iniwasan siya ng tingin. Ang kapal-kapal talaga ng mukha niya para lait-laitin ako. Hindi porket perpekto siya sa mata ng maraming tao, ganu'n nalang niya ako pagsalitaan.

Hindi nagtagal, bumukas ang elevator. Naunang lumabas si Zac bago ako sumunod sa kanya. Nakalimutan ko nga kung anong floor ang pinuntahan namin. Sa sobra kasing dami ng mga numbers sa button ng floor kanina, hindi ko na natandaan kung alin doon ang pinindot niya.

Huminto siya sa harapan ng pinto ng condo niya yata. Pinindot niya ang passcode ng condo niya para bumukas ang pinto nito. Hindi naman nagtagal, bumukas na ito at laking gulat ko nalang nang bumungad saakin ang hindi makapaniwala sa loob nito.

"Ikaw ba talaga ang tumira dito?" Pag-aalang kong sabi na may pangdidiri.

Ang kalat-kalat kasi sa loob. Parang isang taon ng hindi nililinisan at inaalagaan 'to eh. Kahit ibang babaeng makakakita nito ay matuturn-off sa kagwapuhan niya.

"Kaya nga andito ka para ikaw ang maglinis niyan diba?" Nakuha pa niyang ngitian ako.

"Wow! Ang galing mo rin talaga, no? Kaya ka habol ng habol saakin kanina para linisin ang kalat ng daga dito sa loob." Napawi ang ngiti niya.

"Sinong daga?" Kunot noo niyang tanong.

"Sino paba? Hindi mo ba nakikita ang sarili mo?" Nanlaki ang mata niya. "Syempre, ikaw 'yung daga! Ikaw lang naman ang tumira at nagkalat dito diba?" Pilit ko siyang nginitian.

"You're crazy." Sumingkit ang mata niya. "Simulan mo ng maglinis. Tsaka, dalian mo ha? Maya-maya darating na 'yung tatlo dito." Seryoso niyang sabi.

"Sinong tatlo?" Tanong ko.

"Sila Abram, David at Exodus." Napanganga ako.

"Pupunta dito si Abram?" Unti-unting lumapad ang ngiti ko.

"Oo, bakit ba?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"T-talaga? Pupunta siya dito? Tsaka, anong oras ba sila darating?" Ngiti kong tanong.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Syempre, darating 'yun pagkatapos ng klase nila. Pwede ba, maglinis kana. Ilang oras nalang darating na ang mga gagong 'yun!" Inis niyang sabi. Napawi naman ang ngiti ko at inirapan nalang siya. Umalis naman siya agad sa harapan ko at nagtungo yata sa kwarto niya.

Met you in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon