Chapter 1

22 3 3
                                    

Chapter 1

Andito ako ngayon sa bleachers at kasalukuyang nagbabasa ng libro. Kakatapos lang kasi ng klase namin kaya dito ako tumambay. Hindi ko kasi gustong magtagal sa Cafeteria dahil maraming tao. Mas gusto ko, 'yung ako lang kaya ito lang ang lugar na pwede akong mapag-isa.

"Hi." Halos mapatalon ako sa gulat nang may babaeng lumapit saakin. Si Loraine, isa sa mga nagkagusto sa grupo nila Zac.

Tiningnan ko lang siya saglit at bumaling pabalik sa binabasa kong libro.

"Uhmm... pwede ba kitang samahan dito?" Hindi ko pinansin ang tanong niya. Umiwas siya ng tingin saakin at napakamot nalang sa kanyang batok. "Mahilig ka pala talagang nag-iisa no?" Tanong niya ulit. Hindi ko parin siya sinagot.

Natatakot lang akong kausapin siya dahil mahirap magtiwala sa mga tao ngayon. Mas marami ng verbal irony, ibig sabihin, mapagkunwari. Instead of trusting them, I prefer to be alone.

"Mahilig ka palang magbasa ng novels?" Tanong na naman niya. Tiningnan ko lang siya saglit at tumango.

"Bakit mo ba ako kinakausap?" Walang ekspresyon kong tanong. Nagulat naman ako nang bigla siyang tumabi sa kinauupuan ko.

"Gusto lang naman kitang maging kaibigan. Tsaka, pwede bang humingi ng pabor?" Napabuntong hininga ako. "A-ahh, hindi naman ibig sabihin na kinaibigan lang kita dahil sa paghingi ko ng pabor. Gusto naman talaga kita maging kaibigan, matagal na." Tiningnan ko siya.

"Bakit ako? Pwede naman 'yung ibang tao." Ngumuso siya. "Hindi ka maging masaya kapag naging kaibigan mo ako dahil hindi masaya ang buhay ko."

"Friends doesn't matter kung gaano ka kasaya o kalungkot ang buhay mo. Kailangan mo rin ng kaibigan para maging karamay sa lahat ng problema mo, at masasandalan sa panahon ng kabiguan." Namangha ako sa sinabi niya.

"Sa panahon ngayon, mahirap magtiwala kaya paano ako maniniwala sa mga sinasabi mo ngayon." Huminga siya ng malalim.

"Hindi naman kita pinipilit kung maniniwala ka na totoo akong kaibigan." Ngumiti siya. "May punto ka naman, pero minsan kailangan din nating subukan." Tumango ako sa sinabi niya.

Naglahad siya ng kamay sa harapan ko at hinintay lang ito na kamayan ko siya.

"Friends?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Malamig ko lang na tiningnan ang kamay niya. Hanghang sa dahan-dahan na niya itong inalis sa harapan ko dahil alam niyang hindi ko siya kakamayan.

"Susubukan ko muna." Tumango siya at ngumiti.

Nagulat na naman ako nang bigla niyang kinuha ang isa kong kamay at may binigay siyang parang... Love letter? Tiningnan ko siya at kinunotan ng noo.

"Pwede bang ikaw nalang ang maglagay nito sa locket ni Abram?" Napanganga ako.

"Bakit hindi nalang ikaw?" Ngumuso siya.

"Eh, nahihiya ako eh. Tsaka, kailangan ko ng umalis." Dahan-dahan na siyang humakbang palayo.

"Teka, hindi naman ako pumayag na--" Pinutol niya.

"Kita nalang tayo sa susunod! Basta, pangako mo ha, ilagay mo 'yan sa locker niya." Sabi niya kahit malayo na siya. At nakuha pang kumaway saakin.

Hindi pa mga ako pumayag sa pabor niya. Weird din ba siyang babae?

Bumaling ang tingin ko sa love letter na binigay niya. Halata talaga na pinaghirapan niya ito, lalo na sa pagsulat sa pangalan ni Abram. Gusto ko sanang basahin pero hindi ko ito saakin.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko at inilagay ito sa bag para makaalis narin dito. Kailangan kong pumunta sa locker room para ilagay 'tong love letter sa locker ni Abram. Hayy naku, kung kailan ko sila iniiwasan, du'n naman ako pinaglalaruan.

Met you in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon