Chapter 17

7 1 0
                                    

Chapter 17

Pagdating namin ni Zac sa unit niya, agad akong nagtungo sa kwarto ko para makapagpahinga na. Linggo ngayon kaya kailangan ko dapat ng maraming pahinga dahil babalik na ako sa pag-aaral ko bukas.

Ganu'n parin naman ang mangyayari, mag-aaral ako kasabay ng paninilbihan ko kay Zac. Maaga akong gigising para gawin muna ang mga gawain dito bago ako papasok bukas.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko pero nakita ko si Zac na nasa tapat ng pintuan pala habang nakatitig sa dereksyon ko kaya bumangon ako dito sa kama.

"Pwede ba, matuto ka namang kumatok kung pupunta ka dito." Reklamo ko. "May kailangan kapa ba?" Napakibit balikat siya.

"Papasok kaba bukas?" Napabuntong hininga ako sa tanong niya.

"Oo, bakit mo natanong?" Kunot noo kong sabi.

"Wag kanang pumasok, wala ka parin namang natutunan." Napanganga ako.

"Pumunta ka lang ba dito para asarin na naman ako?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Patulugin mo naman ako. Inaantok na ako eh, buong araw mo na nga akong inaasar." Inis kong sabi.

"Ipagluto mo muna ako bago ka matulog." Mas lalo akong napanganga.

"Hindi kapa ba busog sa dinami-rami ng kinain mo kanina?" Umiling siya.

Hating gabi na pero kailangan ko na namang pumunta ng kusina para magluto. Ano ba naman kasi 'tong si Zac, ilang kaldero paba ang kailangan niya para mabusog siya? Daig pa niya 'yung mga buntis na naglilihi eh.

Ang dami pa naman niyang nirerequest saakin na lulutuin. Noodles, fried chicken, fries, at pasta. 'Yung totoo, ginawa ba niya akong crew sa Jollibee? Ang tagal kong matatapos nito eh. Hindi ko naman alam na may overtime pala ang trabaho ko. Buti nalang talaga at apat 'yung stove kaya madali lang akong matatapos nito. Habang nasa gitna ako ng pagluluto, hindi ko mapigilang humikab. Antok na antok na talaga ako.

Hindi nagtagal, natapos ko naring lutuin ang lahat. Kaya lumabas ako ng kusina dala ang mga pagkain ni Zac. Sa wakas, makapagpahinga narin ako. Nagtungo ako sa living area para doon dalhin itong pagkain niya.

Pagdating ko, tulog na Zac ang bumungad saakin. Napailing nalang ako dahil nakatulog na pala siya dito sa sofa. Siguro, hindi na niya kaya 'yung pagka-antok niya sa kakahintay ng pagkain na niluto ko.

Inilagay ko nalang 'yung tray sa mesa baka sakaling magising siya at kumain. Bago ako umalis, tiningnan ko siya saglit. Pakiramdam ko, giginawin siya mamaya kapag walang kumot na nakabalot sa katawan niya.

Nagtungo ako sa kwarto niya para kunin 'yung kumot. Napangiti ako dahil hanggang ngayon pala ay hindi niya pinalitan ang bedsheet ng kama niya, ang kulay pink na ako ang nag-ayos. Baka tinatamad lang talaga siyang palitan 'yun kaya hinayaan nalang niya.

Mahilig talaga siya sa mga dark na kulay. Halos black ang nakikita ko dito sa paligid ng kwarto niya. 'Yung pader, black. Kisame, black. Lamp shade, closet, kurtina, pati kumot ay black.

Binalikan ko si Zac sa sofa at dahan-dahan na inilagay ang kumot sa katawan niya para hindi siya magising. Mabuti pa siya, mahimbing na ang tulog samantalang ako, puyat na puyat sa kakaluto ng kakainin niya pero hindi naman pala kakainin.

Pagkatapos ko siyang lagyan ng kumot, bumalik na ako sa kwarto at kailangan ko na talagang matulog. Namamaga na ang mga mata ko. Kailangan ko pang gumising ulit ng maaga bukas.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock. Kinapa ko 'yun sa mesa sa gilid ng kama para pahintuin ang napakaingay na tunog nito.

Hayyy, grabe. Ang bilis naman ng oras. Parang isang minuto lang ata 'yung tulog ko eh. Ala singko pa pero bumangon na ako para magluto ng almusal.

Met you in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon