Chapter 8

36 3 21
                                        

Chasing Pavements


Ulysses's POV

"Bakit pawis na pawis ka naman?" Pagsalubong na bati sa akin ni Lulu, "Ganyan ba kapag sobrang yaman?"

I just throw her dagger look that made her laughed softly, "Kita mo ng nagcommute lang ako papunta dito. Wala namang kotse katulad niyo." Pagrereklamo ko rito.

"Bakit kasi hindi ka pa bumili ng kotse?" At natatawa pa din.

"Osige bibili ako, tapos ano? Ibabangga ko sa bawat poste sa Recto?" I rolled my eyes.

It's Saturday and I decided pumunta ako kay Lulu, sa PUP. After my last class, nagmadali akong nagcommute pa papuntang Sta. Mesa. I just need some time to unwind and think. Masyadong naging absent minded lately dahil sa mga nangyayare. I just need to lose some burden, and I think I made the right decision na kay Perez ako pumunta. 

"Buti at nagawi ka dito." She said. We're starting to walk and passed by the PUP Arch. 

"Need ng unwind." I replied.

She chuckled, "Ay so yung school ko yung tataniman mo ng sama ng loob?" She raised her eyebrows.

I shook my head, "Siraulo mo. May sinabi ba akong ganon?" I rolled my eyes at iginala ang paningin.

Ganito pala ang loob ng isang PUP, mabibighani ka dahil sa mga istraktura na meron sa loob. Mula sa mga building, sa statue at shrine ng mga ilang bayani at ang pinagmamalaking Intramuros Wall. Iba ang pakiramdam ang aking nadarama, parang mas nagliyab ang apoy na namumutawi sa aking dibdib. Kaya hindi nakakapagtaka na dito nag-aral si Lulu. Ang bungangera ngunit busilak ang kalooban pagdating sa pagse-serbisyo sa bayan.

"Tuwang tuwa sa school ko? Lipat na." Pangaasar nito.

"So ano ganto tayo? Sa apat na taon sa college magbebentahan tayo ng school natin?" I asked sarcastically.

She laughed, "Tara na nga iikot na kita dito. Madaming pagkain dito na masasarap." Pangaaya nito, "Tsaka marami ring papa." She giggled at hinala na ako.

I just can't believe what she says.

"Andami namang pagkain nito Lu." Pagaangal ko.

"Andami mo ring arte." She bickered, "Kapag magseserbisyo sa bayan, dapat hindi napapagod at nagugutom. Kaya kumain ka ng kumain. Pero hindi ibubulsa ang kaban ng bayan." She rolled her eyes.

I just mimicked her and her movements kaya sinamaan ako nito ng tingin.

"Grabe din pala dito no? Ansarap sa feeling. Nabubuhay yung loob mo para makibaka sa bayan." Ani ko.

"True yan." She agreed, "Alam mo no, yung gising ka na sa katotohanan pero mas lalo ka pang ginising ng school na 'to." She added at kumagat sa pagkain na kinakain nito. 

"No wonder you chose this school. Its suits you. Your passion, your advocacy, your battle cry and everything. Pasok na pasok sa banga, kulang na lang ibaon sa lupa."

Agad napalingon ito sa gawi ko at sinamaan ako ng tingin.

"Joke lang ito naman." At bahagyang tumawa.

"I can't wait to see you wearing a Tux and holding a briefcase." Sabi ko at tumingin sa kawalan. Lumingon ako sa kanya na ngayon ay nakangiti.

"Can't wait to see you wearing a public teacher uniform at ginigising ang mga kabataan para lumaban para sa kanilang sarili at kanilang bayan." She said at flashed a wide smile on her face. 

TranscendenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon