Chapter 18

33 4 7
                                        

Rumour Has It

Ulysses's POV

I find myself sitting alone here sa mga benches sa may freedom park. Keeping myself busy and doing my pile of schoolworks. Grabe kapag natatambakan ka ng gawain. At the same time, tinatamad kang gawin at gusto mo na lang matulog.

Being a geeky slash nerd and at the same time a procrastinator is hard. Hindi siya madaling pagsabayin. You are torn between magpapahinga and may deadline na hahabulin. It sucks.

Paperworks dito. Deadline doon. Nakakaloka na. Parang masisiraan na ako ng bait sa ginagawa ko.

Napahinto ako sa ginagawa ko at napahilot sa pagitan ng aking mata. Nahihilo na ako dahil naghahalo na ang mga letra sa aking mata.

Pagka mulat ko ng aking mata, ay pansin ko na madaming babae ang nagdadaan sa table na ito. May iba pa nga ay nakaupo din sa mga sementadong upuan na malapit sa akin at nagbubulungan pa.

Iginala ko ng aking tingin. At kumunot ang noo dahil sa mga mata nakatingin sa akin. Ansarap pagdudukutin ng mga mata nito. Napailing na lamang ako at binalik na lang ang atensyon sa mga ginagawa ko.

Pero ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ay ramdam na ramdam ko na padami ng padami ang tao sa paligid ko.

What now? God, wala ba sa vocabulary niyo ang salitang 'privacy' and 'peace'?

"Girl siya nga yung kasama ni Nathan."

"Siya din yung kapalitan ng jersey ni Nate. Omg."

"Ang swerte naman ng baklang 'to."

"Ano kayang nakita ni Nathan dyan jusko. Eh walang wala naman kay Olive yan."

"Girl, isipin mo kasi. Sinuot ni Nathan jersey niya, tapos siya nasuot din niya yung mabangong jersey ni Nathan."

"Ano kayang ginawa nito kay Nathan?"

"Sis, ang tanong may ginawa ba?"

"Girl, that's impossible. Paano yon kapag may ginawa sila?"

"Yuck. Pera-perahan?"

"Mga sis, mukhang hindi naman magagawa niya yon. Remember siya yung nagpahiya kay Charm."

"Girl, syempre pa-hard to get pa yan. Imposibleng hindi yan sumuko sa charms ni Nathan. Duh."

"Pero come to think of it, mukhang hindi naman siya ganon."

"Girl haven't heard the saying 'Nasa loob ang kulo'?"

"Wait, is it a saying ba?"

"Parehas lang naman yon."

"Sis, check this out oh. Mukhang nag-date pa sila sa MOA kahapon."

"Oo sis, ayan ang naririnig ko kahapon pa."

"At ang bali-balita pa daw, pinilit daw ng bading na yan na pumunta si Nathan sa MOA kahapon."

"Girl? Ang tigas ng mukha!"

Rinig kong bulung-bulungan ng mga tao sa paligid.

Yung inis na namumutawi sa dibdib ko kanina ay napalitan ng sakit at takot. Hearing those people bad mouthing and gossiping about me, its making me wanna question myself and my personality. Is it bad na piliin ko yung sekswalidad na kung saan ka kumportable?

Parang natapakan ang buong pagkatao ko at nayarukan. Kaya ayokong nabubuhay sa ilalim ng spotlight, dahil buong pagkatao mo ay kekwestyunin ito ng maraming tao, kapag hindi nila gusto or hindi ka pasok sa standards na meron sila. It sucks when you want to be comfortable with your body, with yourself, with your gender orientation or identity. Everything sucks when the society tells you how will you act, dress, and express yourself.

TranscendenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon