Chapter 12

26 3 5
                                        

Flat Line

Ulysses's POV

"Oh kamusta yung contest na sinasabi mo?" She asked at inilipag ang tray na kanyang hawak at umupo sa harapan ko.

Inihain ko yung plato at kinuha ang kubyertos na nasa tray, "Well... Ayos naman po 'Nay." At sinimulan kainin ang carbonara na niluto niya para sa merienda treats. Lagpas lunch na at hindi ko naman na gustong kumain ng rice or lunch. Nawalan na ako ng gana kumain.

"Paanong ayos? Eh byernes santo ang mukha mo." Angil niya at binalatan ang mga rekados na dala niya rin. Bawang, Sibuyas mga ganon.

Nagkibit balikat na lamang ako at patuloy sa pagkain.

Nakakailang sunod sunod na subo na ako ng pagkain at hindi ko namalayan ang tao sa paligid. Tinapik ni Nanay Thelma ang ang kanyang kamay.

"Magdahan dahan ka at baka mabilaukan ka." At sinamaan ako ng tingin, "Bakit ka ba nagmamadali? Wala namang nahabol sayo."

Napahinto ako sa pagsubo at tinignan lamang ito.

"Magdahan dahan ka kako at baka mabulunan ka. Hay nakong bata na ito." Napakamot siya sa kanyang ulo at nagbuga ng hininga.

Bakit ba ako madaling madali kumain?

"Sorry po." Pagpapaumanhin ko dito at nagpaawa effect sa kanya, "Nat-tense lang po ako." I pouted.

"Nat-tense saan?" She raise her eyebrow, "Edi tapos na yung contest mo? Awarding na lang ang kulang diba?" She asked.

"Yun nga po yung ikinakaba ko po eh. Yung awarding." Huminto ako sa pagkain at tumingin sa kawalan.

Well, he's the freakin Vice President of Medical Org. So kakabahan talaga ako kasi for sure nasa awarding yun mamaya.

"Bakit ka naman kakabahan? Eh dapat nga masaya ka at bibigyan ka ng Plake at Sertipiko... Ay nako noong araw ako tuwang tuwa ako kapag nakakatanggap ako ng mga ganyan." Masaya nitong bigkas.

Napangiti ako dahil nasilayan ko kung gaano katamis at kalaki ang mga ngiti ni Nanay Thelma.

"Hindi ko man natapos ang pagaaral ko noon, nakakataba pa rin ng puso kapag may nakikita kang bata na nagpupunyagi at nagsusumikap sa pag-aaral at sa buhay..." She paused at tumingin sa akin, "Kaya ikaw, maging masaya ka dahil sa mga naaabot mo ha? Dahil pinaghirapan mo yon, pinagpuyatan mo yon. Dugo at pawis ang puhunan. Pero 'wag kakalimutan na magpasalamat din sa may taas, dahil sa talento at kakayanan na ipinagkaloob nila. Walang puwang ang lungkot at kaba ha? Maya kapag sinabitan ka na ng medalya magpapakuha ako ng litrato kasama ka ah? Tapos id-display ko dyan sa pwesto ko, para makarami ako ng customers." At tumawa ito ng bahagya.

"Nanay naman ginawa pa akong sangkalan." Napakamot ako sa ulo, "Ginawa niyo pa po akong Marketing Strategy niyo."

She chuckles, "Ay nako itong batang ito hindi mabiro. Pero pwede ko din gawin yun..." Huminto ito at inilapit ang mukha, "Para makakuha ako ng mga customer na pogi." Ay ngumisi ito.

"Nanay." I blurted out.

"Hala sige na kumain ka na riyan. Ubusin mo na yan at mayroon po roon sa loob." Tumawa tawa pa ito habang iniiling iling ang ulo.

How can a mere gay attract a customer? Especially hot and handsome gentlemen of FEU. How is that possible?

I just shook my head at kumain na muli.

"Maiwan mo na kita saglit at isasalang ko lang ang mga ito." Pagpapaalam ni Nanay Thelma at kinuha ang mga rekados.

I nod, "Sige po 'Nay.

TranscendenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon