Chapter 25

19 2 6
                                    

Supremo Boni


Ulysses's POV

"I'm not sure pa nga kasi." I whined over the phone. "May lakad nga ako ng 22."

"Hoy Ulysses Blaine Andrada, tantanan mo ko sa lakad lakad mo. Hanggang 20 lang pasok tapos ikaw may errand pa din ng hanggang abente-dos?" She hissed.

"Correction, 21" I casually said.

"Wala pa akong pake."

Napahilot na lamang ako sa sentido dahil sa sobrang kulit ni Lu kausap. Sabay daw kasi kaming umuwi ng Bulacan since 19 ang Christmas Vacation ng PUP. Kanina ko pa ine-explain sa kanya na hanggang 20 pa ako mags-stay ng dorm and after the event diretso uwi na ako ng bahay.

Kahit kailan talaga. Hindi ka mananalo sa bungangera na 'to.

"Ano bang gagawin mo hanggang abente-uno dyan sa FEU?" She said. "Ikaw ba magsasara ng bawat room dyan? Kakaloka." Maarte nitong sabi.

"I have a photoshoot. And I already said yes to my client. Napaka-unprofessional ko namang tao kung bigla bigla ko na lang ika-cancel yung transaction. Ma-lawsuit pa ako."

"Eh ano naman kung mademanda ka? Edi ako kunin mong abogado." Proud na sabi niya.

"For the record, 1st year palang tayo, Lu. So magiintay ako ng several years sa loob ng kulungan kasi hihintayin kita ng 6-7 years dahil sa biglang pagcancel ko ng contract?" I retorted.

"What a good advice, Attorney." I emphasized the word "attorney" to pissed her off.

"Hoy ikaw Andrada, kapag talaga ako naging lawyer hindi kita tatanggapin as a client sa Law Firm ko." Sabi nito.

"Kapag ako naging DepEd Secretary, ipapablacklist ko yung magiging anak mo para hindi makapag-enroll, both Public and Private Schools." I plainly said, pero joke lang naman. "What do you think?"

"Tangina mo talaga, Andrada!" She groaned due to frustrations.

"Hoy ikaw, kung gusto mong magparamdam lahat ng ninuno ko sayo, maglubay-lubay ka sa kakagamit ng Andrada..." Mapanglaro kong sabi, "Bakit kasi buong angkan ko dinadamay mo pa?" I laughed softly.

"Hayop ka talaga!!" She added, "So sino kasabay kong uuwi ha?"

"Akala ko ba strong independent woman ka na?"

"Oo, strong independent woman ako, not like you na kailangan pa ng family driver para magpahatid." Back to being maarteng PUPian vibes. Ugh kairita!

"Nice joke." Mapait na sabi ko.

"Leche ka."

"I can call Allaine or any members of the gang." I suggested, "Wait, bakit hindi na lang sila Pete sabay mo umuwi? O kaya sila Allaine or Camz?"

"Nako, anong aasahan mo sa mga yan? Eh lahat may mga ganap at maghahatid sa mga yan." Nai-imagine ko ang pagikot ng kanyang mga mata.

"Camille? May maghahatid?"

"Ay teh, oo."

"Allaine?

"Oo nga." Sabi niya.

"Si Petterson na may kotse? May maghahatid?" Takang-taka kong pagtatanong sa kanya.

"Oo nga putangina naman. Paulit-ulit!" Inilayo ko ng bahagya yung phone ko sa aking tenga dahil sa lakas ng boses nitong babaeng 'to.

"Edi sumabay ka na lang sa kanila." Ani ko.

"Ano gagawin ko pa yung sarili ko na thirdwheel sa kanila? Eh baka pagsasakalin ko pa silang anim ng magkakasabay." Matapang na sabi nito. Like, kailan ka ba magbabago Lu? Iwan mo na ang pagiging brutal na bibig at pisikal na mga gawain.

TranscendenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon