Lion Heart
Ulysses's POV
"Daddy... Can I borrow your cellphone?" Mahinang sabi nito.
Parang may kung anong bumagsak sa aking dibdib na mabigat na bato at nabuhusan ng malamig na malamig na tubig. He called Nathan 'Daddy'? Agad akong napalingon dito at he was pouting and about to cry. Halatang halata na nabuburyo na sa loob ng kotse. Pero ang hindi ko maatim ay ang tinawag niyang 'Daddy' si Nathan. Hindi maproseso ng isipan ko.
"Timmy. What did I tell you?" Nathan asked, "Diba sabi ko, no gadgets after classes?" He strictly said. Halata sa boses nito ang ma-awtoridad nitong utos. Tignan mo 'tong gago na 'to, pati bata papatulan?
Mas lalo tuloy bumaluktot ang bata at parang tinago ang kanyang sarili. I looked at him, and he gave me small smile and hide his sulking face again.
Tinignan ko naman si Nathan na ngayon ay seryosong seryoso sa pagmamaneho.
So, he's actually a Daddy now? So, meron na rin siyang partner? Pero sino naman? Wala naman akong nababalitaan? Wait, si Olive? I thought wala namang sila. And also, nabanggit na nila ate Mau and the rest of the gang na Olivia is just someone who's deeply obssesed with Nate. He even clarified na wala naman siyang girlfriend nor live-in partner. Or maybe I just assumed?
God, this is killing me. Hindi ako makapaniwala sa nangyayare. What if he's really have a family now? And hindi lang sinasabi? Possible.
"Daddy..." Tawag ni Timmy sa 'Daddy Nathan' niya, "Can we eat po ba? I'm really hungry na po kasi."
Lumingon ako dito at naka-pout ang mga ito. Napatingin ako sa facial features nito, yung mata at labi ay parang kagaya ng kay Nathan. May malaking ngang chance na anak nga ni Nathan 'to. Well, I'm stating what is obvious.
"Please, Daddy.."
Bumaling ang atensyon ko kay Nathan. He heaves a deep breath while holding the steering wheel. Agad niyang dinampot ang kaniyang telepono at akmang may tatawagan.
Napaisip na naman ako kung sino yung tatawagan nito. His wife? His live-in partner? Argh.... To be honest, mas nakakastress pa ito sa pagbabasa ng mga learning materials at reviewers.
"Hi, Good afternoon... This Nathan Rivera. The one who made a reservations yesterday.." Sabi nito sa kalmado nitong boses.
Medyo kumalma ang loob ko nang hindi tumugma ang iniisip ko sa totoong nangyare. He actually called 'a restaurant' I guess. He mentioned that he made a reservations eh, so maybe pinaka-cancel na niya. Pero pwede naman isama namin si Timmy kung saan man ako balak dalhin nito.
"Yes... A table for two. I want to cancel my reservations." He said, "There's something came up kasi.."
I just fished out my phone did some background check sa mga social media accounts. Para akong tanga dito sa shotgun seat na binubusisi ang mga accounts ni Nathan. Stalker ka gHorle?
I saw on my peripheral vision how Nathan ended the call, so his back from being serious and cold expression of his. Habang ako naman hinahanap sa mga accounts niya ang pwedeng maging sagot sa mga katanungan ko.
"Daddy... can we eat at a buffet restaurant?" He whispered the last word of his statement. Mukhang natatakot at nahihiya itong magrequest sa tatay niya.
Nate sighs and blinks his eyes, "Okay."
Agad naman sumilay ang mga ngiti ng batang ito. He's too cute when he's smiling like that. Ang sarap pisilin ng cheeks.
BINABASA MO ANG
Transcendence
General FictionU-BELT SERIES 1: Blaine was a very competitive, clever, and capable student- also he's openly gay. But it seems that for others, he's just being modest in every thing he does- a reluctant celebrity, as they say. And because of always being mistaken...
