Feel Special
Ulysses's POV
Pumasok muna ako sa loob ng isa sa mga tent dito para sumilong muna. Sobrang tirik na tirik ang araw at maalinsangan pa ang panahon."1 hour break then balik na tayo." Sabi ni Kuya Sep at dinampot ang kanyang duffel bag.
4 kami dito ngayon sa sands. 1 third year (Kuya Sep), 1 sophomore (Kuya Gi) at yung isa naming PT si sir Jack and ako.
"Ayos na paa mo?" Kuya Gian asked me.
"Medyo okay naman na po kuya. And nag-aadjust pa po sa surroundings." I smiled shyly.
"Makakapag-adjust ka din." He chuckles at dinampot ang duffel bag. Napailing na lamang ako at mahinang napatawa.
Kanina kasi medyo nanibago ako na walang sapatos na suot kapag naglalaro. Purong buhangin ang tinatapakan namin at walang sapatas na suot. Dagdag mo pa yung mainit na panahon.
Umupo ako sa isa mga upuan dito para makapagpahinga.
"Blaine..." Sir Jack called me. Agad naman akong napalingon dito.
"Yes po sir?" I asked.
"Checked natin yung paa mo. Bilin ni sir Bogs na i-check yung left foot mo." Aniya at inaayos yung gamit na dala niya.
"Okay po sir, kunin ko lang po yung phone ko." Tumalikod ako rito at hinarap ko yung bag ko. Agad kong kinuha yung phone ko sa bulsa ng bag ko at naglakad papunta sa kanyang pwesto habang may towel na nakasabit sa balikat.
"Masakit pa ba yung paa mo?" He said and kneel in front of me. He lifted my left foot to check it.
"Hindi na po gaano." I answered plainly.
"Ankle motion natin before natin iyelo." He said and he held my left foot then start the ankle motion.
Ilang sandali pa ay natapos na at tumayo ito para kunin yung ice pack para iapply sa paa ko.
"Here..." He handed over the ice pack, "Apply it. Pero tanggal tanggalin mo kapag mainit na sa balat. Then rest for about 5-10 minutes then apply ulit. Bibili lang ako ng lunch niyo, at baka nagugutom na yung dalawa." Aniya at tinapik tapik ang aking braso.
"Sige po sir. Salamat po! Ingat kayo." Sabi ko at kumaway pa ito.
"Dyan lang naman ako bibili. Ayan lang yung mall oh..." He laughs softly, "Pero thanks by the way... Ikaw simulan mo nang magcompress para mamaya pagbalik ko kakain ka na lang." He added.
"Opo sir!" At kumaway ako ulit rito at siya naman ay tuluyan namang naglakad palayo. Sana masarap yung lunch. I pouted.
My phone suddenly rang, kaya agad ko itong kinuha. Nilapag ko kasi sa katabi kong upuan.
It was Luis. Yung tumatawag sa akin ngayon. Ano na naman kaya eksena nito?
"Oh ano?" I answered the call. At pabalang na sinagot.
"Bakla hindi ka ba tinuruan ng mama mo kung paano sumagot ng pormal at pang-corporate world?" Maarte niyang sabi sa kabilang linya.
Napakunot ang noo ko, "Bakit nasa corporate world ba tayo?"
"Bakla alam mo ikaw, wala ka talagang proper breeding. Hindi mo ba alam yung 'Hello. Who's this?' ganon." Sagot nito.
Tinungtong ko yung left foot ko sa katabing upuan at nagsimulang magapply ng ice pack. Habang yung kabilang kamay ko naman ay hawak hawak ang aking telepono.
Multitasking ka bHie?
"Oo na ikaw na may breeding. AsPin." Pangaasar ko rito.
"Che. PusaKal." Sagot nito pabalik.
BINABASA MO ANG
Transcendence
Ficción GeneralU-BELT SERIES 1: Blaine was a very competitive, clever, and capable student- also he's openly gay. But it seems that for others, he's just being modest in every thing he does- a reluctant celebrity, as they say. And because of always being mistaken...