Chapter 19

25 3 11
                                        

Beach Trip 1

Smooth Criminal


Ulysses's POV

Pinipilit kong huwag pansinin ang paulit-ulit na pagtunog ng aking cellphone. Mas gugustuhin ko pang matulog na lang at huwag bumangon ng kama. Ikaw ba naman kasi magpuyat para matapos lahat ng gawain.

Pinabayaan ko na lamang na magring ng magring yan, mapapagod naman yang tumatawag sa akin.

Ilang saglit lamang ay nawala na ang sunod sunod na pagtawag nito, pinikit ko na ng mariin ang aking mata para makabalik sa mahimbing na pagtulog. Hindi pa lumalagpas ang limang minuto isang malakas katok naman ang sumunod.

Nagtalukbong ako ng kumot at tinago ang sarili sa loob nito. Hindi ko pinapansin ang malalakas na katok nito at pilit ko pa ring binabalik ang sarili sa masarap at kumportableng tulog.Ngunit wala na akong nagawa at padabog akong bumangon ng kama. I took a glance in my clock, which is in the bedside table and its freaking 5'o clock in the morning. Naginit ang buong pisngi ko dahil sa pangiistorbo ng aking tulog.

"Unbelievable." Iritable kong bulong sa hangin at inihilamos ang palad sa mukha.

Pagkabukas ng pinto, isang nakabusangot na Luis ang bumangad sa akin. Matiim itong nakatingin sa akin habang nakataas ang isang kilay.

"What do you want?" Naantok kong tanong rito.

Hindi ito sumagot at nakatitig pa din ito ng masama sa akin.

Isinandal ko yung ulo sa hamba ng pintuan at pinasadahan ng kamay ang magulong buhok, "Sis, this isn't the right time for your silly pranks. I'm so sleepy. I'm not in the mood fo--"

"Aba! Baka gusto mong balibagin kita dyan?" Singhal nito sa akin.

"Bakit nga kasi?" Paguulit ko ng tanong dito habang pinipilit na idilat ang mga mata.

"Hoy Andrada! Baka nakakalimutan mo na ngayon ang flight natin pa-Boracay." He said. Agad kong naidalat ang dalawang mata ko at nanlaki ang mga ito.

"What the f--"

"Kanina pa ako tawag ng tawag sayo nakakaloka ka. Magca-call time na gaga, tapos ikaw nakahilata ka pa dyan. Akala mo ba hihintayin ka?" Sarkastiko nitong sabi. He crossed his arms with his famous disgust look.

"Kanina ka pa talaga tumatawag? God!" Napatakip ako ng mukha dahil sa hiya. How did I forget this?

"Oo, kanina pa teh! Nakakaloka ka!" Aniya at muntik na akong sabunutan, "Bakit ba parang kulang na kulang KA sa tulog? Wala namang training kahapon ah? Nagpuyat ka na naman siguro sa kakanood mo ng Kdrama or music video."

I slowly shook my head and look at him with apologetic face, "No, no, no. Tinapos ko lang yung ibang requirements ko." Pagpapaliwanag ko.

"Baka hindi mo pa naayos mga gamit mo? Shuttaca, anong oras na ngayon?" Bulyaw nito. Umagang umaga nagsisigaw sigaw 'to.

"Teh 'wag kang sigaw ng sigaw. Baka may mga natutulog pa." Pagsita ko rito. Kita kong nanliit ang mga mata nito at parang nagpipigil lang makasakit.

"Gising na ho sila mahal na prinsesa. Sakatunayan ho, yung ibang teams ay nasa baba na po aT naghe-headcount na po sila. Eh ikaw po mahal na prinsesa kailan niyo po balak kumilos?" He gritted his teeth and widened his eyes.

"Eto na nga maliligo na nga ako eh." I said in defeated tone. He just rolled his eyes.

"Baka yung mga gamit mo hindi mo pa naayo--"

"Naayos ko na, kahapon pa." I cutted him off, "Sige na. Maliligo na ako. I'll just text you kapag okay na." Tamad kong sabi rito.

Hindi ito sumagot, bagkus umirap lamang ito sa akin at naglakad pabalik sa kanyang kwarto. Napailing na lamang ako at sinirado ang pinto.

TranscendenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon