College Week
Ulysses's POV
"Bad trip beh. First game pa tayo. Nakakainis." Reklamo ni Luis. Kinuha niya yung ball bag at inilabas yung bola para magkapag-start na kami ng warm-up.
Tumawa na lang ako ng mahina, "Wala tayong magagawa eh nandyan na yan eh... Tsaka na-discuss na din naman sa atin ni sir Bogs 'to 'diba?" Aniya ko.
"Yun na nga eh. Na-discuss na nga eh, pero parang feeling ko gahol na gahol sa oras yung mga org. nagaasikaso dito." Pagmamaktol nito.
"Akin na yung kamay mo..." Inabot ko yung kamay niya para makapagstart na kami sa warm-up. Buddy-buddy system kasi. "Ang pinagtataka ko nga eh, 'diba college week dapat? Eh bakit kaya 4 days lang?" Tanong ko sa kanya at ibinaba yung kamay niya.
Kinuha naman yung kamay ko para siya naman yung magi-stretch nito. "Eh nagtaka ka pang baccla ka. Kita mong nasa last week na tayo nang september. Kakaloka, nadelay yung school calendar. Stress tabs malala." At umiling iling ito.
"Eh ano naman kung nadelay yung school calendar? I mean dapat finull blast na nila yung-- Aray!" Angil ko dito dahil napasobra yung pagstretch niya.
"Bakla, october na next week. UAAP season na. Mago-opening na kakaloka ka." Luis retorted.
"Teh dahan dahanin mo yung braso ko, bacclang 'to. Walang spare parts yan gaga ka, wala tayong makikita sa recto na parehas niyan." Angil ko rito at inirapan.
"Sorry naman. Gagalit agad eh." Umupo sa lapag para sa sit and reach, "Dahan dahanin mo yung likod ko baccla ka walang gantihan."
Pumwesto ako sa likuran niya para alalayan yung likod niya, "Oo na, ikaw lang naman yung mapaghiganting ligaw na kaluluwa." Sambit ko, "Pero, eh ano naman kung mago-opening na UAAP?"
Tumayo na ito at siya naman yung pumwesto sa likuran ko, "Teh. 1st week nang october may trip buong players ng FEU, team building eme ganon. Tapos second week, opening na ng UAAP. Kaloka. Hindi ka nagbabasa sa group chat no?" He said at tinulungan ako tumayo.
Pinagpag ko yung pang-upo baka kasi may duming dumikit sa shorts ko. Cute pa man din nang shorts namin.
"Too busy sa acads, hindi na ako nakakapagbukas at nagbabasa sa mga social media accs ko." I replied. Kumuha ako nang bola at pinatalbog talbog ko. "Oh don ka sa kabila. Ayoko magpulot nang magpulot ng bola." Turo ko sa kanya para pumunta sa kabilang bahagi ng court.
"Jeez. Get a social life." He rolled his eyes at lumakad na.
Arte talaga neto, sarap ibalibag. Chz.
"I don't need a social life gurl. I'm too busy na, nadagdagan pa nga ako ng isang commitment." Huminga ako nang malalim at pinatalbog ulit yung bola, "Palo depensa ah. Ikaw pumalo, dedepensa lang ako." At binato ko yung bola sa kanya.
Ni-receive naman niya yung bola, "Oo nga pala no. Did sir Bogs knows it already?" He asked.
Inangat ko ulit yung bola papunta sa kanya, "Hindi pa. Kinakabahan nga ako kapag sinabi ko sa kanya eh." Pumalo ito at inangat ko naman yung bola pabalik sa kanya.
Pinasa niya ulit yung bola sa akin, "Eh paano yan? Mag-UAAP na?" Pumalo ulit.
Agad ko namang sinalag yung bola at umangat ito, "Idk. Bahala na teh."
Nagpatuloy pa din kaming dalawa sa palo-depensa na drills na ginagawa namin.
Until the buzzer sounded, hudyat na p-pwede na kaming gumamit ng buong court para sa free spiking. 10 minutes ball drills.
"Tara na beks. Free spiking na." Pangaaya ko sa kanya.
Lumapit naman ito sa akin at inangkla ang kamay sa braso ko. Sissy goals daw kasi.
BINABASA MO ANG
Transcendence
General FictionU-BELT SERIES 1: Blaine was a very competitive, clever, and capable student- also he's openly gay. But it seems that for others, he's just being modest in every thing he does- a reluctant celebrity, as they say. And because of always being mistaken...
