Chapter 21

16 3 19
                                        

That Boy


Ulysses's POV

"Grabe yung opening kaloka. Akala ko olympics na yon ma." Luis said in excitement. Hanggang ngayon hindi pa rin makaget-over sa UAAP opening last week. 

From the previous years, basketball lang talaga ang sumasama sa opening but its a good thing na sinama na lahat ng event to have a proper opening ceremony. Even though we are competing to each other, we are also promoting and celebrating a good sportsmanship, camaraderie, unity. I think yun din yung isang reason. 

"Oh opening na ng UAAP. Sure ka na ba talaga na magbe-beach volleyball ka?" Kristine asked. 

I nodded, "Yeah. Kahit saan naman ako ilagay." 

"Taray versa.." Luis said in amusement at humahagikgik pa ito. Sinamaan namin siya ng tingin, "I mean versatile. Flexible ganon." Mapait na sabi nito.

"Luis, language please." Maarteng sagot naman ni Audrey, pero pinipigilan na matawa.

"Pasmado talaga ang bibig kahit kailan." Mapanuyang sabi ko dito at tinapunan ng masamang tingin. Umirap lang ito. 

"Anyway, parang hindi ko masyadong nakikita si kuya Nathan lately." Audrey asked, and then took a sip from her cup of her frappuccino.

"Oo nga no. Parang lately hindi ko nakikitang nagdididdikit sayo yon." He looked at me. 

I shrugged my shoulders, "Aba malay ko. Hindi naman ako secretary non para alamin lahat ng ginagawa niya sa buhay." I plainly said.

 "Sus parang nung nasa Boracay pa tayo, bantay na bantay ka nga. Tapos ngayon nganga na? Wala ng eksena?" Paghihisterical na tanong nitong si Luis.

"And also, alagang alaga ka. Iba talaga ang alaga ng Doctor." Kristine said, and then grinned. 

"Did he do that?" Audrey's eyes widened at parang hindi makapaniwala sa sinasabi ng katabi niya, "Did he actually do that?" Paguulit niya ng tanong.

Kumunot noo ko at tinignan ito ng mabuti. Parang may gustong sabihin ang isinisigaw ng kanyang mukha..

"Yeah. Kung andon ka lang mare makikita mo. Parang maglive-in na yang dalawang yan." Luis said. Agad akong napatingin sa kanya at pinandilatan ng mata. He just mocked me and sticked out his tongue.

"I agree with that..." Pandadagdag ni Kristine, "Sobrang alalang alala yon sayo. Lalo na nung emergency meeting nung gabi." She added. 

Pinatawag lahat manlalaro pati na din ang mga coaching staff sa isang malaking conference room hotel na kanila tinutuluyan. May kasama din silang dalawang doctor mula sa malapit ng ospital at ang dalawang head na galing sa FEU para sa pagiimbestiga at paguungkat ng ugat kung paano nakulong at nawala ang isa nilang manlalaro. 

Magkakasama ang mga magkakapareha ng event, katabi ang kanilang ang mga coaching staffs, tahimik ang buong bulwagan at tila ba'y nagiintay ng magsisimula. Kahit ang dalawang matataas na tao galing sa eskwelahan ay hindi makapagsimula dahil sa estado pa din sila ng gulat at pagaalala.

Sir Doblon cleared his throat, "So, before Blaine went missing. Sino ang kasama niya?" Paguumpisa nito. Luis raised his hand and nervously stood up. 

"So can you tell us, before kayong maghiwalay, saan kayo pupunta? or what?" Pagtutuloy nito.

"Kagagaling po namin sa taas nun para ibaba po yung mga luggage po namin then we decided to go to the hotel cafeteria to have a merienda. Then, he said na he needs to read his reviewer for his upcoming contest kaya naghiwalay po kaming dalawa. Then, after that he went missing na po." Pagsasalaysay nito. 

TranscendenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon