Chapter 20

13 3 21
                                        

Beach Trip 2 

More and More 


Ulysses's POV

Papaupo na dapat sa isa sa mga beach chairs na may payong si Blaine nang biglang may nagtakip sa kanyan mata ng kung ano at tinakpan din ang kanyang ilong at bibig gamit ang isang panyo. Hindi siya makahinga dahil sa pagtatakip sa kanyang ilong, pinipilit niyang sumigaw ngunit parang wala namang nakakarinig sa kanya. Dahan dahan ng pumipikit ang kanyang mga mata at unti unti na ding nawawalang ng malay.

Hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng malay. Binuhat siya nito at dinala papasok ng hotel. 

Dahan dahan niyang minulat ang kanyang mga mata, medyo nahihirapan siya paghinga at malabo ang mga paningin. Mas lang itong nanghina at nakaramdam ng hilo nang maramdaman na nakahiga siya sa malamig na sahig at nakakulong sa isang masikip na silid. 

It's all coming back. Unti-unting bumabalik sa kanyang isipan ang nangyare matagal na ang nakakaraan. Isang madilim at masalimuot na panaginip na nangyayaremuli sa kanya.

Ang malakas at malamig na ulan. Ang nagagalit na mga kulog at kidlat ng kalangitan. Ang malamig at madilim na kwarto na siya lamang magisa ang nandon.

Nakagapos na mga kamay at nakabusal na na bibig. Every memories is coming and haunting him.

"H-help." Mahinang usal nito habang nakaratay sa sahig. Pilit man niyang tumayo, ngunit naubos na ang lahat ng kanyang lakas.

Nakarinig ito ng mga hakbang papalapit sa kanya. 

 "H-help." He gasps and try to catch his breath.

"Oh poor little Blaine." Sabi nito at pumapalpak pa. "Tied up again and locked up in this tiny and dark room." Sarkastikong sabi nito.

Blaine couldn't speak and the tears are starting roll in his face.

"Shout all you want. Wala namang makakarinig sayo." At tumawa ito ng malakas. "Any last wish before you die, sweety?" Mapanuyang tanong nito. 

"P-please s-stop this." Walang lakas na sabi ni Blaine habang humihikbi at nahihirapang huminga. 

"Oh no, Darling. I wouldn't." At naglakad ito patungo sa pinto and laughs creepily, "Silly. You wouldn't die here and not right now. It's just the beginning. Brace yourself for more." At malakas na sinara ang pinto.

Bigla akong nagising at napabangon sa aking paghiga. Hinahabol ang paghinga at tumtutlo ang butil butil ng pawis sa aking ulo. 

Kailan ba ako matatapos sa ganto? And now, they are coming to me again. Its still their, the wounds and trauma. Hindi pa ito umaaalis at nawawala.

"It was a dream." I said to myself and try to catch my breath. "It was... just a dream." Dahan dahan akong huminga at pinakalma ang sarili.

I shook my head slowly and  decided to get up and go for a walk. Parang akong nasasakal at hindi makahinga kapag nasa loob ng kwarto after ng mangyare. 


*****

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa aking balat nang ako'y lumabas ng Hotel. Maririnig mo din ang malalakas na hampas ng alon ng karagatan at ang masasayang tawanan at kwentuhan ng mga tao na nasa buhangin ngayon. Pinilit kong mangiti dahil sa kanilang mga tawanan.

May kung anong bagay na humihila sa akin papuntang dalampasigan. Kusang naglakad ang aking mga paa, at dinama ang maliit at pino na buhangin ng boracay.

TranscendenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon