Dieciséis

8.5K 169 9
                                    

Kazee's POV


"What do you mean, Kaz?"


I smiled sadly. "Let's talk tomorrow, you look so tired."


Nauna akong humiga sa kama. Naramdaman ko namang sumunod siya. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko alam kung nakatingin ba siya sa akin o hindi.


Hindi ako nakatulog sa gabing iyon. Nang tignan ko si Nathan ay tulog na ng mahimbing.


I carefully got my phone and texted Jairo. I'm so done with this. I'm so done with everything.


Hindi ko namalayan ang oras, nawindang na lang ako nang makitang may araw na pero kahit isang minuto hindi ako nakatulog.


Naramdaman ko namang bumangon si Nathan at dumiretso sa banyo. Nang matapos ay nakabihis na, na para bang aalis nanaman ulit.


"You're awake? Let's eat breakfast together magluluto lang ako." paalam niya.


Nang makababa ay dumiretso ako sa banyo. Walang buhay akong naligo at nagbihis. The dark circles around my eyes became more visible. I fucking look like I'm barely living. Tangina, awang awang na ako sa sarili ko.


Nang makababa ay naabutan ko nanaman si Nathan na may kausap sa kabilang linya.


He's cooking while his phone is on his shoulders, tilting his head to hold the phone.


"Yes.. I'll tell Kazee. I hope she'll understand."


Ako? Anong sasabihin niya? Ako din ba ang pinaguusapan nila kagabi?


Nang matapos ang tawag ay kumuha ako ng plato, kutsara at tinidor, at baso upang ilagay sa mesa. Hindi ako umimik habang ginagawa iyon.


"We don't have any groceries left, Kaz." Sambit niya at inilagay sa plato ang sunny side up na itlog. Nagluto din siya ng fried rice.


Magtitimpla sana ako ng kape nang makitang ubos na rin. I realized how hopeless we are.


"Kazee." Nathan tried to get my attention. I braced myself of what he's going to tell me. Nakatayo siya sa gilid ng lababo at nakatingin sa akin.


"Bakit, Nathan?"


"Let's go back." tila nahihirapan niyang sambit.


I expected to feel hurt..or mad but I..felt nothing. Hindi ko alam kung bakit, kung nasanay na ba ako sa sakit o ano.


I smiled and nod. "I was planning to."


Parang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi siya nakapagsalita at tinignan lang ako.


"But I want to hear your reason." sambit ko.

Treacherous Battle (Salvaje Caballero Series 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon