QUEENSLAND POV
Patuloy parin ako sa pagiyak at pagpahid nito. Bakit niya to ginawa? Ang sakit. :'( tumingin ako sa salamin at tinignan doon ang pagkabakat ng kamay niya sa pisngi ko. Sobrang sakit. Halos pulang pula nadin ito. Kumuha ako ng Gamot at ininom. Para akong lalagnatin dahil sa ginawa niya.
Napabuntong hininga naman ako at nagmuni muni, pumunta ako sa bintana at nilanghap ang sarap na hangin. Napangiti ako. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil naramdaman ko na ang obligasyon ng isang asawa.
Akala ko pag nagka asawa ka ay masaya ang buhay mo, Palagi kayong sweet at nagkakamabutihan, Si mama at papa kasi ay hindi ko pa nakitang mag away kaya ganun ako ka pround na ipagmalaki sila.
Bumuntong hininga ako at nagpadesisyonan ko nalang na dumalaw kila mama at papa. Tinignan ko ang orasan at 8:00pm na, kumuha ako ng bag at nilagay doon ang kaunting gamit ko. Tama cguro ito. Dahan dahan kong binuksan ang pintoan at nagmamadaling umalis. Malaya namam akong nakalabas ng bahay at pumara ng taxi.
Nakasakay na ako at sinabi naman ko naman sa driver kung saan ako baba. Naalala ko nanaman ang nangyari kanina. Tumulo nanaman ang luha ko. Shit! Wag kanang tumulo please. Mas mabuti cgurong doon muna ako kila papa. Mas mabuting pagisipan kong mabuti kung anong gagawin ko.
Masasaktan lang ako kung patuloy ang ganito.
"Maam nandito na po kayo" binayaran ko na agad ang driver at bumaba na. Lumapit ako sa gate ng bahay namin. Namiss ko ito. Nag door bell naman ako ng tatlong beses at hinintay kung sino naglabas.
Hindi naman ako nagkamali at lumabas agad si papa. Nangingilid nanaman ang mga luha ko. Tinignan naman ako ng may pagtataka. Tila napansin niya ang pamamaga ng pisngi ko.
"Ano ang nangyari sa mukha mo Anak?" Pagalala na tanong nito. Umiling ako at niyakap agad si papa. Hindi ko mapigilang humahagulhol kaya nagsiunahan ang mga luha ko. Hinagod naman ni papa ang likod.
"Anak, sabihin mo sa akin ano ang nangyari".
"Pa-papa :'( huhuhuhu papa" sabi ko rito at umiyak nalang Sobrang sakit. Kung sino pa yung taong akala mo na mabuti sayo ay yun din ang manakit sayo.
"Halika ka anak, pumasok tayo malamig dito sa labas" tumango naman ako at pumasok na kami.
"Ace ano ba-" napatingin naman sakin ni mama at nagulat ito.
"Ma?" Tumakbo ako sa kanya at niyakap siya. Gumanti rin ito ng yakap at tinignan ako.
"Anak anong nangyari sa mukha mo? Bakit namumula yan! Halika ka nga rito at ikwento mo sakin!" Hinila naman ako nito at pinaulo sa sofa.
Tumulo na ang luha ko, ayaw ko nang balikan ang nangyari kanina sobrang sakit. Napapikit naman ako.
"Anak? Sabihim mo na ano ang nangyari?" Cold na tanong ni papa.
Kwinento ko naman ang lahat lahat na nangyari simula sa pag iwas niya sa akin hanggang sa pinagbuhatan niya na ako ng kamay. Bigla naman tumayo si papa.
"Walang hiya nang lalaki nayan!! Hindi nga kita sinaktan, siya pa kaya, anong klasing asawa siya at sinasaktan ka!!halika rito anak at puntahan natin ang lalaking yan!" Hinawakan naman ako ni papa pero pinigilan ko siya.
"Pa please wag na po, Wag po muna natin guluhin si blake ako nalang po ang iiwas please po."
"Hindi pun-"
"Ano kaba ace!makinig ka nga sa anak mo" suway ni mama sa kanya. Umupo naman si papa at kumalma
"Anak, magpahinga kana sa kwarto mo cge na" tumango naman ako at tumayo na pumunta na ako ng kwarto ko pero bigla akong nakarinig ng kalampag ng gate namin.
Nabigla naman ako kaya dali dali akong lumabas hindi pa ako nakalabas ng pintoan ng harangan ako ni mama nagtaka naman ako.
"Anak makinig ka muna" seryosong sabi nito.
"Pero ma sino yun?" Tanong ko rito.
"Sir please I want to talk my wife please" nabigla naman ako sa boses nayun teka si blake yun. Tumingin naman ako kay mama pero umiling lang ito. Tumango nalang ako pero pilit parin na gustong pumasok si blake. Umalis si mama at lumabas ako ay pumunta sa bintana at sinilip sila. Naawa naman ako bigla nalang tumulo ang luha ko.
"Sir please, kahit limang minuto lang gusto ko lang mag sorry please"
"Pagkatapos mong saktan ang anak ko, pupunta ka rito para magmakaawa makausap lang siya, ang lakas naman ng loob mo iho!" Sagot ni papa rito nagsilabasan na ang mga luha ko.
"Please! Fairymae?!! My wifee?! Please lumabas kajan mag usap tayo please!" Tumalikod nalang ako at umakyat ng kwarto sobrang sakit, pero hindi ko pa kaya siyang kausapin.
"Iho umuwi ka nalang nagpapahinga na ang anak namin" sabi ni mama .
Humiga nalang ako sa kwarto at pinikit ko ang mga mata ko. Kung magkikita man tayo sa opisina ay pinapangako kung hindi muna kita papansinin pero kung sakali mang mapilit ka ay tratratuhi. Kita bilang boss na lamang.
Hindi ko na muna iisipin na asawa moko, dahil sa papel mo lang naman ako asawa. At ang masakit doon ay hindi mo ako MAHAL.
@UTHOR.
sobrang sakit man pero ito na talaga. Tuluyan na nga bang kakalimutan ni Queensland si Blake?
BINABASA MO ANG
My Hottest Billionaire Husband(COMPLETE SEASON 1)
Tiểu Thuyết ChungIsang Boss na hindi mo akalaing Mapapasayo. Isang lalaking nagpakasal lamang upang mapasaya ang minamahal sa buhay. Papasok kaba sa buhay niyang Puno nang walang kasiguruhan? O makikiusap kang Pakawalan? Paano kung may isang lalaking tutulungan ka, ...