Queensland POVNapatingin ako sa kanilang dalawang mag ama. Niya nga si Sir kendro. Pero halatang mabait ito. Hindi gaya ng anak niya may tinatago ngang bait napakasungit naman. Tsk.
*ring* *ring* *ring.
Mother calling…
“Hello ma?.”
“Saan kana anak? Bakit hindi kapa umuuwi?” Napatingin naman ako kay Mr. Kiero.
“May meeting pa po kasi si Mr. Kiero ma, sinama niya ako.”
“Ganun ba? Cge anak mag ingat ka ha.”
“Opo ma.” Sabi ko at pinatay na ang tawag.
“O yun lang son. See you on the party. I hope you come.” Sabi ni Mr. Kendro
“Tss. Fine.” Ang sungit talaga bastos!
“oh Iha sumama ka narin ha.” Nagulat naman ako saan ako sasama? Wala naman akong narinig .
“Ho?”
“dibale si Kiero na ang magsasabi sayo. Cge na umuwi na kayo.”
Nagtaka parin ako. Saan ba yun? Sumunod nalang ako kay Mr. Kiero at nag paalam narin ako sa Tatay niya. Napaka bastos niya talaga hindi man lang nagpa alam.! Pumasok na ako sa kotse at ganun din siya.
*YAWN* hahay inaantok na talaga ako. Napatingin naman ako sa relo ko at 9:00pm na hala ka. Wala pa pala akong dinner nako naman. Sorry baby. Haysss“Ihahatid na kita sa inyo, doon ka na kumain, Masyado nang late kung kakain pa tayo sa labas. I’m sorry kung sinama pa kita.”
Tinignan ko naman si Mr. Kiero yieeee nag sosorry ang Fafa kiero niyo beeh tatanggapin ko ba?
‘malamang!’
‘ayan ka na naman self! Kontrabida’
‘Whatever!’
“okey lang po sir. Trabaho ko naman po yun.” Sabi ko habang nakangiti. Hindi na ito sumagot kay sinandig ko nalang ang ulo ko at pumikit.
“Queensland! Queensland! Were here! Wake up!”
“Hmmmmm.” Minulat ko ang mata ko at tumingkad. Masyadong malapit siya sa mukha ko wahhhh!!! Lumabas na ako ng kotse at oo nga nasa harap na kami ng bahay. Nakatulog pala ako. Humarap ako kay sir.
“maraming salamat po sir.” Ngiti ko dito.
“Your welcome. Go inside. Its late. You need rest.” Tumango lang ako habang ngumingiti. Pumasok na ako sa bahay. Narinig ko naman ang pag alis ng kotse niya. Hayssss.
“oh anak nandito kana pala.” Napangiti naman ako ng salubungin ako ni mama
“may pagkain po ba?” tumango naman si mama kaya pumunta agad ako sa kusina.
Kumuha ako ng kanin at ulam. Sobrang gutom na talaga ako dahil may anak din akong dapat pakainin sa sinapupunan ko. Umupo naman si mama sa harap ko.
“Anak may sasabihin sana ako.”
“Ano iyon ma?”
“wag ka sana magagalit ha.” Nagtaka naman ako sa kinikilos ni mama. Kinakabahan ako.
“cge ma.”
“pumunta kasi ako sa Opisina ni blake.”
“what!?!” napatayo ako sa gulat bakit niya pinuntahan? Hindi kaya-
“ma?! Bakit? Sinabi niyong buntis ako ganun ba?!” hindi ko mapigilang sumigaw.
“Wag mong sigawan ang nanay mo Queensland!” napatingin naman ako kay papa. Bumuntong hininga ako at umupo. Tumingin ako kay mama pero nakayuko lang ito.
BINABASA MO ANG
My Hottest Billionaire Husband(COMPLETE SEASON 1)
Художественная прозаIsang Boss na hindi mo akalaing Mapapasayo. Isang lalaking nagpakasal lamang upang mapasaya ang minamahal sa buhay. Papasok kaba sa buhay niyang Puno nang walang kasiguruhan? O makikiusap kang Pakawalan? Paano kung may isang lalaking tutulungan ka, ...