"Si Rigel Ycundi? Yung 4th year college engineering student at basketball player? Girl, ang swerte mo!" sabay hampas niya sa balikat ko habang nagdadrive on the way sa school.
Kilala pala ni pusa si kumag?
"Sikat ba yun sa campus?"
"Yes, he's the famous basketball player sa campus. Ang galing niyang mag shoot ng bola" namangha niyang bigkas. Kilala niya nga, ba't ako hindi? Ang unfair. Charrr
"Wait! Magaling din ba siya mag shoot sa kama?" then she giggled. Ang dumi ng utak niya baka siya yung naka shoot kagabi.
"Hindi nga ako ginalaw" I pouted dahil wala naman talagang nangyari sa min.
"Are you sure? Wala talaga? Kahit kiss?" diniinan niya pa yung tingin sakin.
Abnoy talaga itong c Tanyang pusa. Sabi na wala!
"Wala nga ang kulit. Nagdadrive ako wag kang makulit"
Bigla kong naalala ang sinabi niya kanina nung nagtanong ako.
"May ginawa ba ako kagabi?" nahihiyang tanong ko sa kanya habang nakayuko.
"Wala naman" sagot niya at uminom ng tubig. Nakahinga naman ako sa sagot niya. Mabuti nalang talaga wala.
"Sumayaw ka lang sa daan. Tumingala sa langit at tumalon talon para abutin ang bituin. Pinaglaruan ang elevator. Humiga sa hallway dahil gusto muna matulog. Yun lang naman"
Nakakahiya ka talaga, El!
Sana hindi ko siya makasalubong ngayon dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Naiistress na ako kahit umaga pa.
"Sure talaga na walang nangyari kagabi?" at ito pa si Tanya ang daming alam.
"Wala nga sabi eh!" nakakairita na ha!
"Kung wala bakit ganyan mukha mo?" umirap nalang ako, ayoko ko ng patulan baka masabi ko pa sa kanya ang kagaguhan ko kagabi.
Maganda sana si Tanya tsismosa nga lang. Wash day namin ngayon dahil Wednesday. I'm wearing bloody yellow dress partnered with 2 inch heels. Nilugay ko lang ang buhok ko. Tanya's wearing lavender dress at signature heels niya.
Nakarating na kami sa campus. Pagkababa namin sa kotse may sasakyan naman na sunod na dumating. A familiar Mercedes Benz.
Kailangan na namin umalis dito sa parking lot bago pa makababa si kumag.
I grabbed Tanya's wrist para mabilis kaming makaalis. Hindi ko talaga alam kung paano humarap sa kanya. Well, kanina nung hinatid niya ako, okay lang dahil hindi pa nag sink in sakin pero ngayon?
OMG! pababa na siya sa sasakyan niya.
"Tanya bilisan mo!" habang hawak ko parin ang wrist niya.
"Wait! Teka nga! Hindi pa naman tayo late bakit nagmamadali ka? May tinatago ka ba? Or tinataguan?"
Ang daldal ng pusa. Hindi pa pwede mag meow nalang siya.
"Whatever! Bilisan mo ang paglalakad" naramdaman ko na nakasunod na si Rigel sa likod namin. Paano ba to? Tatakbo ba ako or tatago?
![](https://img.wattpad.com/cover/190853174-288-k875671.jpg)
YOU ARE READING
Chasing my worth from the Star (Completed)
Документальная прозаPhile Series # 1 Astrophile - people who love stars