Chapter 17

60 41 0
                                    

"Hindi kita masisisi kung aalis ka ng biglaan" sabi ni Tanya at yumakap sakin.

Pinapunta ko siya ngayon sa airport dahil ito na ang oras na aalis ako kasama si Daddy.

"Ang sakit kasi Tanya eh! Lalo pa na pati ikaw alam kong may sinisekreto sakin" sabi ko pagkabitaw sa yakap. Tumutulo na naman ang aking luha.

"I admit I have secrets too pero naunahan ako ng takot na baka lumayo ka sakin" nagsimula na din pumatak ang luha niya.

Nauna na pumasok si Daddy sa loob ng airport kaya naiwan muna ako sa labas para magpaalam kay Tanya.

"Just spill it, Tanya. Aalis na rin naman ako hindi mo na ako mapipigilan dahil alam ko kapag nag stay pa ako dito masasaktan lang ako, kami ni Rigel" I said while holding my tears back pero may kumawala parin. Kinakabahan ako sa sasabihin niya baka..

"Capella, isa akong secret agent" mahina niyang sabi at yumuko.

Nagulat ako sa aking narinig. Secret agent? Hindi siya yun?

"Kailan pa? Akala ko hindi mo tinuloy yung alok nung lalaki?" akala ko hindi niya tinuloy.

May lalaki kasing umalok samin na maging secret agent sa organization niya pero hindi ako pati si Tanya. Pero bakit siya?

"Nung humindi tayo sa lalaki hindi na niya ako tinantanan laging siyang nakasunod sakin kaya wala akong nagawa sumali nalang ako sa kanila pero masaya ako El, masaya akong sumali sa kanila dahil nakakatulong ako sa mga tao. I'm sorry talaga, El" she cleared me.

"I need to go" yun lang ang nasabi ko dahil wala pala akong karapatan pagdudahan siya. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad papasok sa airport.

Naramdaman kong guminhawa ng kaunti ang aking nararamdaman dahil sa sinabi niya. Mabuti nalang hindi siya yung babaeng kasama ni Katana at Rigel kahapon. At iba ang sikreto niya.

Tumigil ako sa paglalakad at pinunasan ang aking mata saka humarap sa kanya. Tumakbo ako pabalik at niyakap siya ng mahigpit.

"I'm sorry, Tanya. Bye" sabi ko at kumawala sa yakap. She smiled with pain in her eyes.

"I'm sorry din and thank you" at yumakap siya ulit sakin.

Ayoko mawala siya sakin dahil mas masakit yun.

Ilang oras ang naging biyahe namin ni Daddy bago makarating sa South Korea, Seoul. May naghihintay na saming sasakyan papunta sa penthouse na binili ni Daddy last year at nandun daw sila Mommy.

Nakatulala lang ako hanggang sa makarating kami sa penthouse at agad sinalubong ni Mommy.

"Capella" tawag niya sakin at humalik sa pisngi ko.

Apat na taon ang dumaan naging mas comfortable na ako dito sa Seoul. I went to prestigious university here, Seoul National University with the same course which is BEEd.

Naging madali lang sa akin ang tumira dito dahil half korean rin naman ako. Si Daddy ay koreano while my biological Mommy ay pinay.

May naging kaibigan narin ako, may pinoy at koreano pero nag iisa pa rin ang bestfriend ko, si Tanya. Tuwing may vacant ay nag vivideo call kami o di kaya'y nagtetext.

Mula noong umalis ako sa Pilipinas wala na akong balita kay Rigel dahil sa tuwing makakausap ko si Tanya hindi niya binabangit sakin ang pangalan ni Rigel. Hindi na rin naman ako nagtanong.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko with my new close friends. Si Camille na pinoy at si Gunie na koreana. We're having our pajama party dahil uuwi na ako sa Pilipinas at dito din sila matutulog ngayon.

Silang dalawa ang naging kasanga ko sa lahat ng araw na gusto kung mag give dahil sa dami ng gawain sa univ.

I graduated here in Seoul pero dun ako sa Pilipinas mag tatake ng board kaya uuwi ako sa susunod na araw.

Hindi ko alam kung naka move on na ba ako kay Rigel basta ang alam ko wala na yung sakit. At saka malalaman ko lang din kung naka move on na talaga ako sa kanya kapag nagkita kami ulit. Kung magkikita man sisiguraduhin kong hindi na ulit yun mangyayari.

"Are you sure na uuwi ka na dito?" Tanya asked me through video call. Tinawagan ko siya ng umuwi na sila Camille at Gunie pagkatapos nila mag breakfast dito.

"Bakit? ayaw mo ba makita ako ulit sa personal?" I pouted parang ayaw niya kasi.

"I'm excited to see you, El. Nag alala lang kasi ako alam mo na" ang sweet ng bestfriend ko ha!

"Ate beautiful!" biglang pumasok sa aking kwarto si Raffy, the fluffy. My little step brother, he's four years old. We call him Raffy the fluffy because ang fluffy ng pisngi niya ang sarap kurutin.

He sat on my lap and faced Tanya on laptop. Nakakagigil talaga tong bata na ito.

"Hi ate pretty!" he widely smiled at Tanya while waving her hands.

Ate pretty tawag niya kay Tanya at ate beautiful naman sakin. Ang cute diba.

"Hi pluffy!" Tanya also waved her hands. Si Tanya ang nagpauso dyan sa pluffy.

Isa nang Licensed Professional Teacher si Tanya ngayon. She passed the board examination last year. Ako hindi pa dahil nag stop ako ng school noong pagdating ko dito. Kaya nauna siya grumaduate sakin.

Yung panahon na hindi ako pumapasok sa school ay ginugol ko ang sarili sa pag alaga kay Mommy dahil naging maselan ang pagbubuntis niya kay Raffy at palaging may business trip si Daddy.

"Raffy bakit ka nandito?" I asked him then he pouted. Raffy can understand three languages which is English, Tagalog and Korean dahil yun ang naririnig niya samin nila Daddy. Pero may limit rin naman ang nalalaman niya kasi bata pa. He's a smart kid.

Raffy faced me "Let's watch cartoons ate beautiful" sabi niya at nag pa cute.

"Later, okay? Maguusap muna kami ni ate pretty mo" tumango naman siya at nagpaalam kay Tanya saka lumabas sa kwarto ko.

"Nanonood  ka na rin pala El ng cartoons?" she chuckled. She's teasing me.

"Nanood na lang din wala akong magawa eh! Ang kulit ni Raffy" umirap ako.

"Manood ka na dun hahaha see you tomorrow here in Philippines?" I chuckled.

"See you" I said at sinira yung laptop. Bukas na ako lilipad papuntang Pilipinas. I'm excited.

Lilipad gamit ang eroplano ha! Hindi pakpak!

Lumabas ako sa kwarto at nakitang nakaupo na si Raffy sa harap ng tv. Yung mukha niya parang cartoons na rin.

"Ate beautiful, sit down here" he said and tapped the space beside him.

Bago ako umupo sa tabi niya kumuha muna ako ng biscuits. Maganda naman ang cartoons na palabas.

Nang gumabi na nag impake na ako sa mga damit at gamit ko. I donated some of my old clothes kanina dahil bumili ako ng bago. Limang maleta pero hindi parin nagkasya lahat. I remembered the last time na nag impake ako dun sa condo.

Maaga ang flight namin nila Mommy at Raffy bukas kaya yung mga maleta namin ay nasa living room na. Si Daddy nandun na sa pilipinas dahil may meeting siya dun kaya kaming tatlo na lang bukas.

Chasing my worth from the Star (Completed)Where stories live. Discover now