Nakakakaba ang kanyang reaksyon. Mukhang hindi masarap umiba kasi yung mukha niya.
Tumayo na ako at itatapon na sana ang niluto dahil hindi naman pala masarap.
"What are you doing?" pigil ni Rigel sa kamay ko.
"Itatapon ko na hindi ka naman nasarapan" I pouted sayang ang effort ko at ang pagkain.
"No! I eat this" kinuha niya ulit yung pagkain sa kamay ko at nilagay sa plato niya.
"Baka magsuka ka jan" sabi ko while eating my food. Masarap naman para sa kin yung niluto ko. Malay ko sa kanya.
"It's delicious. I like it" lumiwanag ang aking mukha ng sabihin niya yun.
"Are you sure? Masarap talaga? As in?" masigla kong tanong. Tumango naman siya kaya mas may gana akong tinapos ang pagkain ko.
"I'll wash the dishes" natawa naman siya sa sinabi ko. Sinunod ko lang naman ang tono niya nung siya ang nagsabi sakin nun kaninang umaga.
"Thank you for the dinner" nang makalabas siya sa condo ko. Ihahatid ko nga sana siya sa elevator man lang pero sabi niya wag nalang. Kaya sa pinto ko nalang siya hinatid.
"Your welcome. If you want to have dinner with me again, you can call---" hindi ko na tinapos ang sasabihin ko at mabilis kong tinakpan ang aking bibig. Shit! Ang daldal ko! nahawa na ata ako kay Tanya.
Did he chuckle? O emss!!
"I don't have your number" aysus! yun lang pala. Inabot niya sa kin ang phone niya. I saved my number at ibinalik sa kanya ang phone.
"Bye" at nagsimula na siyang maglakad palayo.
Sinara ko na ang pinto at tumakbo sa kwarto. Agad akong dumapa sa kama at nagpa gulong gulong.
OMG! Kinikilig ako! Yung may naramdaman akong nagising at tambol sa kaloob looban ko maybe that's because I like him?
I think crush ko na siya!
Teka! I opened my instagram and search his name. Lumabas agad ang account ni Rigel. Mabuti nga hindi private, hindi tulad sakin. Tinignan ko ang post niya. Puro sunset, sunrise or stars lang ang pictures na naka post. Wala man lang mukha niya, pati sa profile star lang. Gawin ko kayang star mukha niya!
Ang daming followers pero yung pina follow niya yung family nya lang. Bakit ko nalaman? dahil sa surnames nila. Hekhek
I clicked the follow button. I also search his facebook account pero hindi ko i add friend. Baka mahalata niyang crush ko siya.
Anong oras na ba? 8pm na pala ang tagal namin kumain ni Rigel kanina.
Nilagay ko muna ang phone ko sa table at dumiretso sa shower. Mamaya ko na e stalk ang facebook niya. I need to feel fresh before e stalk siya.
I did my daily night routine. Habang nag blower ako sa king buhok biglang tumunog yung phone ko.
I immediately stood up at tinignan kung sino ang nag text and in my surprise SI RIGEL ANG NAG TEXT!
From: Unknown number
Stalker?
-RigelStalker ako? Well, totoo naman pero paano niya nalaman?
I saved his number before nag reply.
To: Rigel
The last time I checked ikaw yung stalker
Then I clicked send. Mabilis naman siya nagreply.
From: Rigel
You just liked my post on Instagram which was posted 1yr ago.
Ano? Hindi ko yun alam. May biglang nag pop up sa notifications ko.
rigelycundi requested to follow you.
You have new friend request
Totoo ba to? I clicked confirm. Tinignan ko rin yung sinasabi ni Rigel na ni like ko. And there, na like ko nga. Kahiya!
To: Rigel
Baka na clicked ko lang hindi ko namalayan
Tinabi ko na ang phone ko at natulog. Bukas ko na ulit isipin yan dahil baka dalawin ako ng insomnia ko.
Naka school uniform na ako at ready na pumasok. Nang biglang may nagtext. Nagreply pa pala siya kagabi.
From: Rigel
night
Ba't hindi ko nakita ito kagabi? Edi sana maganda ang panaginip ko.
From: Rigel
See you.
Yun lang! See you lang ang text niya pero kinikilig na ako. Bahala ng hindi maganda ang panaginip kanina basta maganda naman ang simula ng araw ko.
Hindi ko siya nireplyan dahil nagmamadali na ako. I almost late dahil gumulong gulong pa ako kanina dahil sa see you niya.
When I entered the room I didn't saw Tanya. Anong nangyari sa kanya? Hindi naman ugali noon ang umabsent kasi running for cum laude siya.
I texted her bigla kasi akong kinabahan sa kanya. Malalate lang yun kapag ako ang kasama.
To: Tanya
Where are you? Nandito na ako sa room. Care to share?
Hanggang sa matapos lahat ng klase ko walang ni isang reply galing sa kanya. Anong bang nangyari dun. Wala din akong nakita na anino ni Rigel. Nasan na ang see you niya?
Should I go to her condo? Baka wala siya, diba pumunta siya ng Laguna kahapon?
Biglang may nagtext sakin kaya dali dali ko itong tinignan nagbabasa kaling si Tanya.
From: Unknown number
Maufid Hospital. Room 410. Ashtain Handi
Nanlambot ang aking tuhod. Kinakabahan ako baka may nangyari sa kanya. Tinakbo ko ang hallway papuntang parking lot. Malabo na rin ang aking mata dahil sa luha kaya naglakad nalang ako. Pinunasan ko ito gamit ang kamay ng bigla akong nabangga sa dibdib ng isang lalaki.
"El? Are you crying?" hindi ko siya pinansin at diretso lang ang lakad. I need to see Tanya. My best friend needs me.
Hinablot nung lalaki yung wrist ko at hinila papunta sa sasakyan niya. Nang malinaw ko na siyang nakikita, I saw on his face na nag aalala siya. Si Rigel, nag aalala siya sakin. Ngayon pa ba siya nakakakita ng umiiyak na babae?
"What happened? Did that man hurt you again?"
"My best friend, Tanya. She's in the hospital" humagulgol lang ako wala na akong pake sa nakakita sa min. Hindi ko talaga mapigilan ang mga luha ko na hindi bumagsak.
He hugged me "She will be fine. Don't worry pupuntahan natin siya ngayon" nagulat ako sa huling sinabi niya. Kaya agad akong kumalas sa yakap niya.
"You want to go with me?"tanong ko habang umiiyak parin.
"Yes, let's go. I'll drive" sumunod lang ako sa kanya. Ang gentleman niya na ngayon dahil pinag bubuksan na ako ng pinto.
Umiiyak lang ako sa buong byahe papunta sa hospital. Siguro naririndihan na si Rigel sa kin.
"Stop crying. We're almost there" hininaan ko na lang ang pag iyak ko hanggang wala ng tumulo na luha.
Dumating na din kami sa hospital. Hindi ko na hinihintay na pagbuksan ako ni Rigel. Nauna na akong pumasok at agad naman siyang sumunod.
Sana hindi malala ang nangyari sayo Tanya. Paulit ulit kong bulong sa hangin.
-------------------------
Don't forget to click vote button and follow me.
Who can guess what happened to Tanyang pusa? Just comment your "I think"
![](https://img.wattpad.com/cover/190853174-288-k875671.jpg)
YOU ARE READING
Chasing my worth from the Star (Completed)
Não FicçãoPhile Series # 1 Astrophile - people who love stars