Chapter 21

60 38 1
                                    

Vote

and

Follow me

--------------------------------
"Bakit nandito yan?" bulong ni Tanya sakin habang kumakain kami.

"Hindi ko alam kung bakit nakapasok yan dito ako lang may susi diba" bulong ko din sa kanya. Tumango naman si Tanya at tumingin kay Rigel.

"Bakit ka pala nandito Rigel?" tanong ni Tanya sa kanya. Hindi ako lumingon patuloy lang ako sa pagkain.

"Just like what Mr. Faral said" sagot ni Rigel. Ano? Hindi ako sumasang ayon dun! Hindi nalang ako umimik o nagsalita dahil ayaw ko.

"Okay" yun nalang ang nasabi ni Tana at nagpatuloy kumain. Pagkatapos namin kumain ay niligpit na namin ito yung paper bag na nilagyan ng lunch ko ay iniwan ko nalang sa office.

"Let's go Tanya" sabi ko at kinuha ang aling bag sa tabi ni Rigel dahil dun ko ito nilagay kanina.

"Akala ko sasampalin mo siya kanina nung lumapit ka pero kinuha mo lang pala yung bag mo" sabi ni Tanya pagkalabas namin sa office ko. Iniwan lang namin si Rigel dun sa loob. Mag pa bulok siya dun.

"Hindi ako ganun kung gusto ko siyang gantihan o ano, papatayin ko nalang siya o ang kapatid niya" diretso kong sabi habang naglalakad na kami sa hallway papunta sa kanya kanyang naming room.

Bigla akong binatukan ni Tanya kaya napasigaw ako sa sakit. Tumingin sakin ang mga students na nasa hallway kaya umayos nalang ako ng lakad.

"Ang sakit nun ha!" sabi ko at kinurit si Tanya sa kanyang bewang.

"Eh ikaw naman kasi! papatayin agad d ba pwedeng pahirapan muna bago saktan" depensa niya kaya napatawa ako ng mahina at siya rin.

"Pinapatagal mo lang" sabi ko habang natatawa parin.

"Edi patagalin! O sige na, kita nalang tayo mamaya? bgc?" sabi ko at tumango nalang.

Pumasok na ako sa room at agad naman tumayo ang mga students. Kapag galing kami sa office una namin madadaanan ang room ko bago ang sa kanya. Malapit lang naman ang room naming dalawa nasa kabila lang siya.

"Don't forget your assignment. Class Dismissed" huli kong sabi at niligpit ang mga visual aids ko. Nakakaintindi naman ang mga bata ng english at english speaking pa ang iba.

"Ms. El" tumingin ako kay Clyde ng tawagin niya ako. Inabot niya na naman sakin ang isang sunflower.

"Your uncle?" inunahan ko na siya kaya tumango lang siya. Akma sana siyang aalis na pero pinigilan ko ito.

"May I know what is your uncle's name?" I asked Clyde. Sasagot na sana siya ng biglang may tumawag sa kanya sa labas. Isang pamilyar na boses. Tumingin ako sa labas pero wala naman ito baka nakayo sa likod ng pinto kaya ko nakita.

"Is that your uncle?" tanong ko kay Clyde at tumango naman siya.

Humakbang ako papalapit sa pintuan para makita kung sino yang uncle ni Clyde pamilyar kasi yung boses niya. I almost saw the shoulder of Clyde's uncle pero tumakbo si Clyde palabas kaya napatingin ako sa kanya dahil baka madulas o madapa.

Nang makalabas na si Clyde ay lumabas na ako pero wala na ang uncle niya at si Clyde. Saan napunta yun?

I'm just imagining things dahil sa stress siguro. Tinuloy ko na ang paglilipit at saka pumunta sa kabilang room, kay Tanya.

Nakita kong hindi pa tapos siya mag klase kaya sumenyas lang ako ng mauna na umuwi. Magpapahinga siguro muna ako sa condo mamayang gabi pa naman kami pupunta sa bgc ni Tanya.

Chasing my worth from the Star (Completed)Where stories live. Discover now