I'm wearing a long sleeve black turtleneck, high waist denim jeans partnered with white shoes. Nakasablay lang ang jacket ko sa aking kamay.Si Rigel ang nagdala ng maleta ko hanggang sa pagdating namin sa car niya.
He's wearing white turtleneck sweater partnered with black fitted jeans and a pair of white shoes.
Hindi pa sumisikat ang araw ng umalis kami sa Manila.
"Can we watch the sunrise?" tanong ko sa kanya. Sayang naman kasi kung hindi namin makikita.
"Sure"
Nang malapit na mag sunrise huminto kami kung saan makikita ito. It's our first time watching sunrise together. And it feels better.
Nang matapos na ang sunrise nagpatuloy na kami sa biyahe.
We talked some spots in baguio na maganda puntahan. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Naramdaman ko na lang ng ginising niya ako dahil nandito na kami.
Rigel booked a private room at The Manor, one of the top luxury hotels here in Baguio. It is Located inside Camp John Hay. It is a grand colonial-style building within the former military recreational complex.
Pumasok na kami sa room namin. Ang ganda as in. There's a forest view or a garden view, fitted with LCD television and a minibar.
Hinubad ko ang aking jacket at sinabit sa gilid. Habang si Rigel ay nag aayos sa maleta namin. Dalawang maleta ang dala ko while sa kanya isa lang.
Nag order ako ng breakfast namin dahil 10am pa naman. Three hours and thirty minutes ang buong biyahe kaya pagod na talaga kaming bumaba para kumain.
Nang patapos na si Rigel sa maleta namin sakto naman na dumating na ang inorder kong foods.
Pagkatapos namin kumain dumiretso kami sa kwarto at natulog muna. Nasa isang kama lang kami ngayon at may unan sa pagitan namin dahil baka may mangyari dito, ang lamig pa naman. Mamaya na siguro kami mag tour dito sa Camp John Hay.
Natutulog pa si Rigel ng magising ako. Dumiretso ako sa shower, mabuti nalang may heater dahil ang lamig ng tubig.
Pagkalabas ko ay gising na si Rigel at may katawag sa phone nya, nakatalikod siya sakin kaya hindi niya ako nakikita.
"Send me an email about their family" sabi ni Rigel sa kabilang linya.
I don't care kung sino yun, nagbihis nalang ako. I'm wearing a warm yellow long sleeve partnered with denim high waist jeans at white sneakers. Nagsuot din ako ng bonet, scarf and gloves. I just apply light makeup. Nasa kamay ko lang ang thick black jacket ko.
Pagkatapos ko mag bihis ay tapos na din silang mag usap sa katawag niya.
"Excited?" tanong niya sakin at humalik sa pisngi ko. Hindi na ako nakasagot dahil dumiretso na siya sa shower.
Habang naghihintay sa kanya sa sala I opened my phone. I checked my instagram. Nang makita kong may ig story si Rigel I watched it. Nakita ko ang sarili ko habang nakatakip sa aking mukha with the caption.
'Stargazing'
My face blushed hindi ko alam na he took me a picture. I felt something in my tummy. A butterfly?
I opened my messenger at may 'my day' din siya katulad sa kanyang ig story.
I reacted a love and angry emoji sa both stories niya. I just scrolled my fb newsfeed while waiting him. Nag search na rin ako ng spots dito sa Baguio.
Nang lumabas na si Rigel sa kwarto nagbihis na rin siya. He's wearing black fitted turtleneck jacket not so thick partnered with black jeans and sneakers. Naka bonnet at gloves na rin siya. Hawak lang din niya ang yellow coat niya.
I giggled dahil perfect combination yung suot namin. Bumaba na kami at pumasok sa restaurant na nasa loob lang ng The Manor.
Pagkatapos namin kumain inikot namin ang loob ng hotel. Ang ganda dito may cozy piano bar, a fitness center, a spa, and a garden.
We took pictures kung saan may magandang background.
Lumabas kami sa hotel at inikot ang Camp John Hay.
Pumasok kami sa The Treetop Adventure inside Camp John Hay. May mga several thrilling rides including the Superman Ride (zipline), Canopy Ride, and Tree Drop (harnessed free fall). Ginawa namin yun lahat.
Naglalakad na kami ngayon habang nag holding hands. Hinihintay ang sunset.
"Always remember I love you, El" bulong niya sakin at yumakap sa likod. He rest his head in my shoulder.
May nararamdaman ako na hindi ko maintindihan parang may ibang kahulugan yung sinabi niya. Kahulugan na hindi ko alam at hindi niya sasabihin sa kin.
Nang matapos na ang sunset pumasok na kami sa loob ng Camp John Hay. Kumain muna kami bago umakyat sa room. Pagpasok namin sa private room nag shower lang kami at natulog agad. Nakakapagod yung ginawa namin buong araw.
Natulog kami ng may ngiti sa labi. I've never been happy like this. And I'm thankful that Rigel was with me to share these memories. Hoping that it will last long.
Kinabukasan nasa car na ni Rigel ang mga maleta namin. Bago umuwi pumunta muna kami sa Mines View Park, BenCab Museum Burnham Park and Session Road.
We took as many pictures as we could.
Session Road is the commercial center of Baguio. May mga shopping malls, restaurants, department stores, and hotels.
Nag away pa nga kami ni Rigel kanina, gusto ko kasing bilhin yung native bag pero ayaw niya dahil marami na raw akong nabili. Kaya ayun siya ang nanalo.
Kumain muna kami sa restaurant bago bumiyahe pauwi sa Manila. Ayoko ko pa nga sana umuwi pero sabi ni Rigel bawal daw kaming umabsent bukas sa klase.
Edi, siya na mabuting estudyante! Ako na hindi!
"Matulog ka muna tatlong oras at kalahati pa tayo darating sa Manila" sabi niya kaya tumango ako at pumikit.
Nagising ako ng bumusina si Rigel. Agad akong kinabahan sa di malaman na dahilan. Tinignan ko si Rigel pero diretso lang siyang nakatingin sa nakamotor na nakaharang sa harap.
"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya. Seryoso siya ng tumingin sakin.
"Nothing, it just a motorcycle" kung motorcycle lang yun bakit parang iba ang dating sakin.
"Lalabas ako, dito ka lang" sabi niya bago lumabas.
Lumapit siya dun sa naka motor at may sinabi. Nakatanaw lang ako sa mga kilos nila mula dito sa loob ng sasakyan. Bakit kinakabahan ako?
Tumango yung lalaki at yumuko. Pumasok na din si Rigel dito sa loob. Nang tignan ko ang naka motor nasa gilid na ito.
"Anong sinabi mo sa kanya?" I asked him. Curiosity kills me. Nakita kong nag alinlangan siyang sumagot.
"Nevermind, gusto ko ng umuwi para makapag pahinga ng maayos" sabi ko at pumikit ulit.
I know may tinatago siya. Kaya aalamin ko kung ano yun.
Tulog na si Tanya ng dumating kami sa condo ko. Bukas ko nalang ibibigay sa kanya ang pasalubong.
Pagpasok ni Rigel sa mga maleta ko agad din siyang nagpaalam. Pagod na guro siya kaya gusto umuwi agad.
Malalaman ko rin ang sekreto niya. Nag shower muna ako bago matulog para fresh. Bukas ko na ayusin ang gamit ko sa maleta.
I'm tired as hell!
![](https://img.wattpad.com/cover/190853174-288-k875671.jpg)
YOU ARE READING
Chasing my worth from the Star (Completed)
Kurgu OlmayanPhile Series # 1 Astrophile - people who love stars