Chapter 18

63 41 0
                                    

The air of the Philippines touched my skin as I stepped down on the airplane. I looked at the sky and saw the clouds forming a star. I'm still an Astrophile, who loves stars.

"Mommy nasa Philippines na po ba tayo?" Raffy asked kahit nauutal. Hindi niya pa kasi lubos masabi ng diretso kasi nauutal pa siya. Ngayon palang siya nakapunta dito sa pinas.

"Yes, baby" mom answered at kinarga siya. Yung mga maleta namin ay pinasok na sa van ng mga bodyguard.

Habang nasa byahe kami papunta sa mansion I opened my instagram. Ngayon ko palang ito inoopen. Nakita kong ang daming notif at messages may mga tag stories din.

"Raffy!" tawag ko sa kanya dahil nasa likod ako ng van at siya nasa likod ng driver katabi si Mommy.

Lumigon si Raffy sakin kaya nag sign ako na lumapit siya sakin. Tumayo siya tumabi sakin. Nakakatayo kasi si Raffy sa loob ng van dahil maliit siya.

"Smile Raffy '' we took selfies and I posted it on my instagram with a caption.

'Baby Raffy'

Wala pang isang minuto may iilan ng nag comment.

'OMG! Is that your son?'  comment ni Tanya. Walang hiya hahahaha.

'Ang cute'

'Anak mo ba yan, idol?'

'He's so cute'

Marami pang nag comment pero sa isa lang ako kinakabahan.

'Anak nyo po ba yan ni Rigel?'  comment ng kaklase kong nerd noon na may gusto daw sakin.

Anak? Sa naalala ko isang beses lang may nangyari samin ng kumag.

I turned off my phone and looked Raffy. Nakatulog pala siya habang nakasandal sa head rest kaya kinuha ko ang ulo niya at sinandal ko sa balikat ko. Hindi ko din namalayan na nakatulog ako.

Madilim na ang langit ng dumating kami sa mansion kinarga ko si Raffy papasok sa loob dahil tulog pa rin ito. Kasi naman hindi siya natulog sa flight kanina dahil naaaliw sa clouds.

Sinalubong kami ni Daddy ng mahigpit na yakap. Nandito din si Tanya, naging mature na siya tingnan hindi tulad noon. Nang makita niya ako sumigaw siya.

"CAPELLAAAA" sabay takbo para yumakap sa akin at dahilan din para magising si Raffy.

"Tanya" sabi ko at nag peace sign siya. Binaba ko muna si Raffy bago yumakap kay Tanya.

"Ang ganda ganda ganda ganda mo na Capella" over niyang pagkasabi then she giggled.

"Parang hindi ako maganda noon ha!" I said.

"Baby Raffy" sabi ni Daddy at kinarga si Raffy.

"Welcome back, tita" sabi ni Tanya at nakipag beso kay Mommy.

"Let's eat? Gutom kayo panigurado" Dad playfully said.

Gutom na gutom na gutom talaga.

Matapos namin kumain ay kanya kanya na kaming pumasok sa kwarto. Hindi nagtagal ay umuwi na din si Tanya dahil gabi na.

Nakahiga na ako ngayon sa kama at nakatingin sa kisame na puno ng stars at moon. Pinatay ko ang ilaw at mas lumiwanag ang mga ito. Sinadya ko talaga noon na lagyan ng glow in the dark na stars at moon.

Suddenly, I received a text message galing kay Tanya.

From: Tanya

Mall tayo bukas? 10am?

I missed shopping here in the Philippines.

To: Tanya

Sure, pick me

I immediately received a reply from her.

From: Tanya

Sure baby

Hindi na ako nagreply at natulog nalang. Kinabukasan nagising ako dahil sa ingay. I opened my eyes and saw Tanya and Raffy playing dito sa loob ng kwarto ko.

Bakit nandito itong si Tanya? Tinignan ko ang oras, 8:30am. Ang aga ng bruha ah!

"Ang ingay niyo" umupo ako sa kama at kinuskus ang aking ulo.

Tumawa naman ang dalawa. Mga abnoy talaga ito!

"Ate beautiful you're not beautiful" Raffy said. Ano daw? Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Eh! kasi tumatawa siya habang nagsasalita.

"Raffy alis muna tayo ate ugly will get angry na" ito naman si Tanya natatawa din magsalita. Ugly? Ako?

"HOY! AKO UGLY!!??" hindi nila ako pinapakinggan kumaripas lang sila ng labas at sinara ang pinto.

Tumayo ako humarap sa salamin. Ang ugly ko nga! Para akong bruha dahil yung buhok ko parang hindi sinusuklay sabog na sabog tapos kiniskis ko pa kanina.

Dumiretso ako sa shower at saka nagbihis. Nagsuot lang ako ng maiksi na short partnered with big shirt at flat open sandal saka sling bag. Nag apply ako ng pulbo at liptint.

Pagbaba ko nakita ko si Tanya at Raffy nanonood ng cartoons.

"Nanonood ka rin ng cartoons Tanya?" I chuckled. Tumingin lang siya sakin ng masama. Yan kasi ang aga eh!

Tatayo na sana siya ng hinawakan ni Raffy ang kamay niya para pigilan. Natawa naman ako sa mukha ni Tanya dahil nakabusangot. Ganyan talaga yan si Raffy gusto niya may kasama siyang manood para may susuntukin daw siya nanggigigil sa palabas.

Naglakad ako papasok sa kusina at kumain. I ate slowly para inisin si Tanya. I laughed, yan kasi Tanya eh!

Nakita kong tumatakbong pumasok si Tanya sa kusina at nagtago sa likod ko. Mabuti nalang tapos na ako kumain kaya tumawa na talaga ako. Sunod na pumasok si Raffy na may dalang toy gun.

Raffy just laughed while si Tanya inikot ikot ang lamesa dahil hinahabol ni Raffy para barilin. Mabuti nalang walang bala yung toy gun niya kundi patay na to si Tanya.

Tumayo ako hinugasan ang aking pinagkainan. Pagkatapos ko ay nakita ko sila sa living room hinahabol pa rin si Tanya ni Raffy.

"Raffy, stop it" sabi ko at tumigil sa paghabol si Raffy kay Tanya.

"Where's Mommy and Daddy?" tanong ko kay Raffy  pero nagkibit balikat lang siya.

"Maam Capella, pinapasabi po pala nila Ma'am at Sir na may business trip sila ngayon kayo po muna bahala kay Sir Raffy" singit ni manang at umalis.

"Isasama natin siya Tanya" I said at tinawag si manang.

"Manang paki bihisan ho si Raffy pupunta kami sa mall" tumango naman si manang at sumunod si Raffy.

"Excited ako kasi kasama natin si Raffy. Ano kaya kung pagupitan natin siya mataas na naman yung buhok niya nag mukha na siyang babae" daldal ni Tanya at tumabi sakin ng upo.

Pagupitan?

"No, baka ako gupitan ni Mom" i chuckled.

"Bilhan kaya natin siya ng mga damit tapos gawin nating model? Tapos bili rin tayo ng damit natin mag photo shoot tayo dito sa bahay nyo? Ang laki naman kasi dito tapos hindi mo susulitin" daldal niya ulit. Susulitin?

"Hindi ko nasulit ko na Tanya, dito nga ako nakatira, diba?" tumango naman siya at hinampas ako. Abnoy.

"Photoshoot mamaya?" sabi na naman niya. Kaya tumango nalang ako dahil nandito na si Raffy.

Chasing my worth from the Star (Completed)Where stories live. Discover now