Pinaghintay ko muna siya sa baba. Mabilis akong nag shower at nagbihis ng pambahay at agad bumaba.
Nang makababa na ako nakita ko si Rigel na nakasandal sa kotse niya habang naka cross yung arms niya at naka ekis ang paa.
"Baby" bungad niya at sabay lumapit sakin para humalik sa aking pisngi pero pinigilan ko ito gamit ang aking kamay. Tinulak ko siya ng mahina na ikinagulat niya.
"Rigel" seryoso kong sabi. Gusto ko siyang sampalin pero naalala ko hindi pala kami kaya wala akong karapatan dahil nililigawan niya lang ako.
"Why?" tanong niya. Akma niya sana akong hahawakan sa balikat pero umatras ako.
"Rigel, harapin mo ako kung handa kanang magsabi ng totoo hindi yung ganito minumukha mo akong tanga" sabi ko at tumalikod sa kanya. Isang hakbang ko pa lang ay hinawakan na niya ang kamay ko.
"El, hindi kita maintindihan" hindi ako lumingon sa kanya. Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko.
"Ask yourself" sabi ko sabay bawi ng kamay ko sa kanya.
I hate myself dahil alam ko sa sarili ko kapag nahihirapan si Rigel ay nasasaktan din ako.
Fuck! Hindi siya nagsalita, naiirita na ako sa kanya.
"I can sense something between you and Katana. I saw you with her and another girl" tapos lumingon ako sa kanya.
Nagulat siya sa sinabi ko at namula ang kanyang tenga.
"What? Katana? Shit! naman capella. Nagseselos ka ba?" ano e dedeny niya?
"Hindi ako nagseselos! Bakit? Sino ba ako sayo ha? Wala akong karapatan magselos Rigel! Wala! At isa pa, wala akong pakialam kung ano ang mayroon sa inyo ni Katana na yun. Kung gusto mo sumama sa kanya then Go! Go to hell! Bullshit!" sigaw ko sa kanya at tumakbo papasok sa loob.
Habang nasa elevator ako hindi ko mapigilang hindi umiyak. Wala akong pakialam kong mag mukha akong sawi o bruha sa mata ng mga tao na nakakita sakin.
Nang makapasok ako sa condo nakita ko si Tanya na nanonood ng netflix. Lumapit ako at yumakap sa likod niya.
Humagulgol ako ng iyak sa kanyang likod. Humarap si Tanya sa akin at niyakap ako. Hinaplos niya ang likod ko at pinatahan.
"Capella" sabi niya.
"Tanya, he's a bastard" I said while crying.
"What happened?" she asked.
"I saw in my two eyes pumunta siya dun sa gate tapos may lumabas na dalawang babae. It's Katana pero yung isa hindi ko alam kong sino" sabi ko at umalis sa yakap. Hindi siya nagsalita, tumahimik lang ito.
Pinunasan ko ang aking luha at tumayo.
"Rest muna ako" tumakbo ako at pumasok sa aking kwarto.
Nakalimutan ko may sikreto rin pala sakin si Tanya.
Hindi ko naman first time na maramdaman ang ganitong sakit pero bakit ganito? Ang sakit pa din! Hindi ba namanhid ang puso ko? Ilang beses pa ba ako kailangan saktan bago mamanhid.
I should be careful kung kanino ako magtitiwala dahil hindi pala sukatan ang taon o buwan kung kailan kayo nagsama.
People change in just one snap.
Hindi ko namalayan na umaga na pala. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kawalan.
I heard my phone beeping many times. Alam ko si Rigel yun. I don't want to see him.
He's disgusting. Ano? tatlo kaming pinagsasabay niya? Yuck!
I should be strong from now on.
"El, sasabay ka ba sakin ngayon papunta school?" sigaw ni Tanya sa labas ng kwarto ko. Ni lock ko kasi kagabi. Hindi nga ata ako natulog.
"No!" I answered.
Ayaw ko sumabay sayo dahil baka may masabi akong masama. I took shower for about an hour, naglublob lang ako sa bathtub. Nang matapos ay nagbihis ako ng white dress. Nag apply ng pulbo at liptint pati concealer dahil sa eyebags ko.
Hindi ako papasok ngayon dahil pupunta ako sa mansion. Tinext ko na rin si Daddy kung may lakad ba siya ngayon, mabuti nalang wala. Pati si Tanya tinext ko rin na uuwi ako sa mansion.
Inimpake ko ang mga damit at gamit ko. Napuno ko ang limang maleta pero hindi magkasya lahat. Kaya nagdesisyon nalang akong iwan yung iba.
Tumawag ako ng boy dito sa building at nagpatulong sa pagdala ng mga maleta papunta sa sasakyan ko.
Nang matapos ng ipasok lahat ng mga maleta umalis na ako. Pumunta muna ako sa lugar kung saan ko nakita si Rigel kahapon bago dumiretso sa mansion.
Pagkarating sa mansion sinalubong ako ni Daddy ng yakap.
"My daughter, I miss you so much" sabi niya at niyakap ako. Hindi ko mapigilang umiyak at yumakap ng mahigpit kay Daddy.
Ang tagal naming hindi nagkita, It's been one month ata?
"Hush, baby" sabay haplos niya sa likod ko. Hindi ko alam kung saan itong iyak ko nangaling dahil ba kay Rigel o kay Daddy basta ang alam ko ang bigat ng puso ko ngayon.
"Daddy, ayoko ko na dito. Send me to korea or kahit saang bansa basta ayoko na dito" sabi ko paglabas ko sa yakap.
"Kung saan ka masaya, baby. I love you" hindi ko na kailangan sabihin sa kanya kung ano ang dahilan dahil alam ko may tenga at mata siya sakin nakamasid. Yun ang kasunduan namin bago ako tumira sa condo.
"Thank you daddy and I'm sorry" I hugged him again. He's so good.
"It's okay. I will give you everything you want" tumango ako. Everything?
"Daddy, ikaw lang ba dito? Nasaan si Mommy?" nagulat siya sa tanong ko dahil first time kung tawagin ang step kung Mommy.
I need to forgive and accept her wala naman siyang ginawa na masama sakin simula nung dumating siya sa buhay namin ni Daddy.
"She's in Korea and buntis siya kaya wala ako dito nung nakaraan. At ng malaman ko na may nangyayari sayo I immediately go back here because I know you need me" ako na naman ang nagulat ngayon.
"She's pregnant? Kailan pa?" I asked my dad.
"One month pregnant kaya nung last week we flew to Korea. I'm sorry kung ngayon ko lang nasabi" he answered at umupo sa couch dahil kanina pa kami nakatayo.
"It's good news dad. May kapatid na ako hindi na ako mag iisa ulit kapag aalis kayo" saglit kung nakalimutan ang aking sakit na aking nararamdaman dahil sa good news. Mabuti nalang sinabi ngayon ito ni dad kundi sasabog na ang puso ko sa sakit.
"Thank you for accepting them, anak" he said. I saw in his eyes that he's happy. Sana all happy at walang sakit sa puso.
"I'll book two tickets papuntang Korea" nagulat na naman ako sa sinabi niya. Two tickets?
"You will go with me?" I asked.
"Yes, be ready aalis tayo mamayang hapon" he said and kissed my forehead bago umakyat sa room niya.
That's my dad, lahat kaya niya gawin. Magpapaalam muna ako kay Tanya. Kahit may sikreto yun love ko pa rin siya.
YOU ARE READING
Chasing my worth from the Star (Completed)
Não FicçãoPhile Series # 1 Astrophile - people who love stars