-- Xavierius --
It's been a a week na hindi namin nakakausap si Myrtle. Hindi siya lumalabas sa kwarto niya, nagkukulong. Hindi ko inaasahan na masasaktan siya ng labis sa pagkawala ni Gaven. Pinapadalhan lang namin siya ng pagkain sa kwarto niya, hindi rin pumapasok. Pati ako at si Rald walang balak na magpunta sa SEU.
The body of Gaven was already cremated. Hindi kami masyadong malapit ni Gaven sa isa't-isa lalo na niloko niya si Myrtle before. We're good but we're not that close. Pumupunta rin kami sa bahay nila para makiramay pero si Myrtle, hindi.
Nagulat na lang ako ng bigla kong nakita si Myrtle pababa ng hagdan. Halatang may pinagdadaanan sa itsura niya. Namamaga yung mata, yung buhok niya parang isang buwang hindi sinusuklayan. Minsan lang siya umiyak at sa malalaking bagay lang pero grabe siya kung umiyak.
"K-kuya..." Her voice is rasping, halatang kahit anong segundo ay tutulo ang luha niya."Si Gaven...." Tuluyan na ngang umagos ang kanyang luha. Ang sakit, sobrang sakit na nakikita kong sobra siyang nahihirapan.
"W-walaa na..." Bigla na lamang siyang humagulgol na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. I hugged her so tight to comfort her. Sumubsob siya sakin at umiyak sa balikat ko."Cassandra?" Biglang lumapit sa amin si Rald. Hindi na siya nagsalita, halos hagulgol ni Cassandra ang maririnig sa buong bahay.
"T-this is all my f-fault. Kung hindi lang s-sana ako b-bumalik dito, h-he's still alive n-now." Sa lahat ng taong nawala sa buhay namin sarili niya palagi ang sinisisi niya.
"It's not your fault, okay? It's Maximus." Bigla siyang tumigil sa pag-iyak at galit na tumingala, pinipigilan pa 'rin ang mga luhang nag-uunahang dumaloy sa mata niya.
"I will kill him." Yung boses niya na malungkot kanina napalitan nang galit.
"Cass, you should eat. It's been a week na nagkulong ka sa kwarto mo." Biglaang singit ni Rald. Sila mom at dad pinuntahan si Sophie, ngayon kasi ang labas niya sa hospital.
"Wala akong gana. Si Gaven, kuya....si Gaven." She's crying again. Napatakip na lang siya sa mukha niya at humagulgol ulit.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko. Ang sakit sobra kahit ako nahihirapan makita siyang ganyan. Gaven is his ex at alam kong kahit wala na sila napaka-importante pa'rin neto.
Nakatulog na si Cassandra pero hindi sa kwarto niya kundi sa sofa. Nakahiga siya doon habang binbantayan ni Rald, susunduin ko kasi sila mommy. Halos isang linggo rin pinilit nila mommy na lumbas si Cassandra sa kwarto niya, pero wala silang nagawa. Kahit hindi namin sinabi kay dad yung nangyari nalaman pa rin niya, at nagalit siya sa amin.
"Si Cassandra? Lumbas na ba ng kwarto niya?" Nag-aalalang tanong ni mom.
"Yes mom, she's been sleeping in the sofa dahil sa kakaiyak." Sagot ko.
"Myghad! My sister, she's stressed na naman." Maarteng sabi ng kapatid naming maarte pero halata sa boses niya na nag-aalala kay Cassandra.
Tinuon ko na lamang ang pansin sa pagdadrive. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag naging maayos na si Myrtle.
Sana hindi tama ang iniisip ko.
-- Cassandra --
Nagising ako na nakapalibot ang pamilya ko sa'kin.
"Baby, are you okay now?" Bigla na lang tumulo ang luha ko. I'm not okay. At hindi ko alam kung magiging okay ako.
Umiling lamang ako sa kanila.
"Wala na siya...." Napahinto ako nang bigla na namang tumulo ang luha ko. "Siya pa rin 'e, ang daya naman kasi...." Pinipigilan kong tumulo yung mga luha ko. "Pero bakit ganun? Iniwan na naman niya ako ulit. M-mom ang sakit sobra." Hindi ko sila tiningnan at humagulgol sa mga palad ko.
"Ayos lang sana kung iniwan niya ako, at mapunta siya sa ibang babae. Ayos lang sana kung pumunta siya sa ibang lugar pero hindi 'e....." Oo, aaminin ko. I still love him siya yung first love ko 'e, he's my first love and first heart break. Akala ko wala na, pero ngayon ko lang narealize that i still love him. Pero ang sakit lang at hindi ko na siya makikita. This is all my fault. He's stil alive k-kung hindi ako b-bumalik. Naalala ko pa bago ako nawalan ng malay.
- Flashback -
Two gun shot.
Napatingin ako kay Gaven. Nakatingin siya sa akin nang nakangiti. Bigla na lang tumulo yung luha ko habang nakating sa kaniya...
"I-i'm s-sorry for everything. C-cassandra Myrtle Villamor sorry for everything that i have done to you. I will always love you." Umuubo siya ng dugo pero nagawa niya pa ring sabihin iyon. Napangiti na lang ako sa kawalan, hindi ako makahinga.
Namalayan ko na lang na unti-unting naging dilim ang paligid.
- End of Flashback -
"Those last words i heard from him. Kahit napakasarap pakinggan para sa akin..." Hindi ko mapigilang umagos yung mga luha ko kahit na tumingala pa ako. "Yun y-yung salitang pinakamasakit na narinig ko sa kanya." Ang sakit sobra.
"Cassandra relax okay? We're always here for you." Sabi ni mommy at niyakap ako. Napasubsob na lang ako kanya at doon humagulgol.
"N-nasasaktan ako, mas masakit pa ito sa panlolokong ginawa niya sa'kin. Ito yung pinakamasakit na nagawa niya sa akin." This is the worst thing he did to me. Wala yung mga pinaramdam at mga sakit na naidulot niya sa akin noon. Ito ngayon, ito ang pinakamasakit sa lahat.
"Iniwan niya akong hindi man lang nagpapaalam. I will always love him. Hinding hindi yun magbabago." Tumingala ulit ako para pigilan yung mga luha kong tumatraydor na tumulo.
"Y-yung p-pagmamahal ko sa isang G-gaven Mendez ay hinding-hindi ko makakalimutan at hindi ko kakalimutan."
----------------------------
YOU ARE READING
Love in Disguise (On-Hold)
Teen Fiction"Ako yung first kiss mo kaya dapat ako rin ang huli, naiintindihan mo?" Date started: April 22,2020 Date finished:-------