Umagang-umaga may kalokohan na naman yung mga kapatid kong ulol. May pa tarpaulin pa silang nalalaman na may nakalagay na 'Welcome home bunsong pangit!!', pwede namang Welcome home lang ang ilagay 'e, lalagyan pa talaga ng pangit. Tapos sa SEU pa, ipapahiya lang nila si Ken. Bahala sila, ayokong sumali mag-di-disguise rin naman ako 'e.
"Tara na, it's already 7am, i do have class pa sa 8."
We entered the school with bees, nakakairita! Araw-araw na lang kasi 'e, di na sila tumitigil, araw-araw na rin akong nabubully ng kung sino-sino.
Sa totoo lang ang boring ng araw ko sa SEU palagi, kung walang nambubully or kung wala akong kaaway, wala talaga, boring pa sa boring yung buhay ko dito.
"Cass may laban daw mamaya." Nagtaka ako sa binulong sa'kin ni Rald. What does he mean?
"What?"
"Let's talk in private, punta tayo sa office ni Xavier."
Hindi ko naiintindihan ang sinasabi nila. Nasa paaralan may laban?
"Every year may nagaganap na laban sa SEU, dun sa gymnasium."
"Why? Paaralan 'to,"
"The students here are Gangsters o di kaya Member of an Organization. Once a year may laban, maraming events ang school na di mo pa nalalaman. We shuffle all the names of the students here at bubunot ako, kung sino man ang mabubunot kong pangalan siya yung pipili ng kakalabanin niya, tatlong laban, pa-iba-ibang studyante." Mahabang paliwanag ng dean, si kuya Xavier. Hindi ako slow para hindi maintindihan ang sinasabi nila.
"Pano kung si ate Sophie ang mabubunot mo!?"
"Hindi siya kasali, alam naman natin na hindi siya trained." Yeah, my sister was not trained. Hindi siya miyembro ng organization at hindi rin siya gangster pero hindi na ako magtataka kung bakit dito siya nag-aaral. My sister has a weak heart kaya bawal.
"On the way na raw si Ken, tara punta na tayo sa gate." Singit ni ate Sophie, sanaol may pasalubong-salubong. Ako nga nung umuwi 'di sinalubong 'e, pero ayos lang nasa hospital si ate 'e.
"Kayo na lang sumalubong, 'di rin naman ako makikilala 'nun."
"Edi magpakilala ka! Tara na malapit na raw siya 'e."
Nasa gate sila, they even told the students to make a space so that Ken could walk in the middle. Pero ako nasa Corridor lang nakatingin sa kanila, gusto ko man din salubongin ang bunso namin pero sa bahay na lang.
Ken is here, they look so happy. Hindi alam ni Ken na umuwi na ako ng Pilipinas, no one told him.
Hindi ko alam pero kusa na lang naglakad ang mga paa ko patungo sa kung saan man sila nag-uusap.
Lutang ako, sobrang lutang kahit na wala naman akong iniisip. Nasa harap ko sila papalapit sa'kin, they're walking maybe they're going at the office of kuya Xavier.
Hindi ko sinasadyang mabangga si Ken kaya naman nahulog yung mga dala niya, tanga si ako. Shit!
"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Look what you did!? Badtrip naman oh!" Nabangga ka lang hangal ka galit na galit ka na!
"Hindi ko sinasadya." Walang ganang sagot ko, i don't want to talk.
"Hindi sinasadya!? Ang sabihin mo tanga ka lang!"
"Hey Ken, stop that! Kakarating mo lang nang-aaway ka na?" Singit ni Rald.
"Nakaka-inis 'e, ang lampa!" He's just senior high pero mukhang matanda na. Galit kasi palagi pero mas matangkad siya sakin, we have 2 years gap.
![](https://img.wattpad.com/cover/226891806-288-k591386.jpg)
YOU ARE READING
Love in Disguise (On-Hold)
Teen Fiction"Ako yung first kiss mo kaya dapat ako rin ang huli, naiintindihan mo?" Date started: April 22,2020 Date finished:-------