Merrin Siblings Series #1 - COMPLETED
~~
College graduate✔️
Flight Attendant✔️
Living alone✔️
Paris✔️
Korea✔️
San Francisco✔️
Dogs✔️
Iilan lamang iyan sa mga nakasulat sa planner ko at maraming lugar at bagay pa akong gustong gawin.
I became a flight attendant at the age of 20 and I started to work at Air Asia right after I graduated college.
Isa akong taong mahilig magplano at hindi ko iyon iniiba pwera na lang kung dehado pero sisiguruhin kong may 'plan b' akong nakahanda. Ayaw ko nang pinakekealaman ako sa mga plano ko sa buhay.
I prefer to be alone and live with my dogs forever, though alam ko naman na dogs can't live as much as I do that is why sinusulit ko na ang mga panahon na kasama ko sila at hinahanda ko na ang sarili ko sa oras na mawala man sila ay hindi na ako ganoon masasaktan.
Ako ang bunso kaya spoiled ako sa halos lahat ng bagay na gustuhin ko pero I'm not like those spoiled brat na kahit hindi naman nila kakailanganin ay hihingin nila just to brag those things out.
I hate guys, except sa mga brothers ko. Hindi ako nagpapaligaw ever since dahil wala naman iyon sa plano ko at hindi ako nagdalawang isip o nanghinayang man lang sa bagay na iyon dahil 'this queen don't need a king' ang peg ko sa buhay.
Mas gugustuhin ko na lang na mag-isa kong tinutupad ang mga pangarap ko sa buhay at mabuhay ng tahimik. I don't know, maybe part of adulting stage or something, not until dad added a plan on my life na hindi naman talaga kasama...
Ang ikasal.
Hindi lang basta ikasal sa kung sino man ang gustuhin ko dahil ni ang pagboboyfriend nga ay ayaw kong isama sa mga plano ko, ang magkaroon pa kaya ng asawa?
I'm not happy.
'Ayun lang ang masasabi ko dahil may isang bagay silang pinlano sa buhay ko na masasabi ko na...
Iyon ang sisira sa buong plano ko para sa buhay ko.
In short,
Unplanned Plans!