"Magkakilala na kayo?" tanong ni kuya Smith
"Hindi," sabay naming sabi kaya nagkatinginan pa kami sa isa't isa. AWKWARD!
"Weaccidentally met earlier sa gym," sabi ni Mr. Vasco
"Oh,you live in the same residence?" tanong ng mom niya.
"Ithink so," sabi niya. Hindi na pa kami nakapag-usap dahil dumating na iyong pagkain namin at saka kami kumain ng tahimik.
"Lardon,hindi pa sila magkakilala. I think they need a formal introduction," maya maya ay nagsalita si Mrs. Vasco saka bahagyang siniko ang anak niya.
"I'm Dale Jovanni Vasco, nice to meet you...?" sabi niya sabay abot ng kamay niya. Sinisiko na ako ni Kuya Nath kaya wala akong nagawa kung 'di ang tanggapin ang kamay niya, sabi nga ni Mom, be nice to him,psh.
"Liana, Nathaliana Louis Merrin, nice to meet you too," binawi ko ang kamay ko saka pinagpatuloy ang pagkain ko, well kahit kaunti lang ang kinakain ko mabagal pa rin ako.
Tinapos lang namin ang pagkain namin, open pa ang mall kaya nag shopping muna sila Mom, ayaw ko naman sa shopping kaya I decided to go to the pet shop para magtingin ng mabibili kina Jari and Jareb. Bago kami maghiwa-hiwalay, nagpaalam muna ako kila Mom.
"Mom, I'll just go sa pet shop."
"Sure, Liana isama mo si Dale para magkakilala kayo," What? Seryoso ba? Ugh!
"Fine," busit na sabi ko saka tumalikod na sakanila. Naramdaman ko ang pagsunod nung Dale sa akin kaya nilingunan ko siya saka tumigil at hinarap siya.
"Sasama ka ba talaga?" tanong ko sakanya
"May choice ba ako?" nakapamulsa pa siya sa parehong bulsa ng pantalon niya. Nagkibit balikat lang ako, malay ko ba kung napilitan lang ba siya o gusto niya ding sumama, may alagang hayop din kaya 'tong mokong na 'to?
Naglakad lang kami hanggang sa makadating kami sa pet shop. May nag-aasist sa aming babae, medyo may edad na siya pero maganda naman siya. Kanina pa siya nakangiti sa aming dalawa. Nagpunta ako sa dog's section.
"Anong mga needs po ng aso niyo ni Mister, Misis?" nagulat ako sa tanong niya, walang hiya. Sinasabi ba niyang asawa ko na 'tong mokong na 'to? Hell no!
"Hindi ko po siya asawa," simpleng sabi ko saka na pumili ng bibilhin ko. I bought a 4 new dog straps and 2 brushes para sa mga babies ko. Kumuha din ako ng dalawang bagong hihigaan nila Jari at Jareb at nagpunta na ako sa counter para magbayad.
"Wala pa po ba kayong anak ni Mister?" biglang tanong nung babae sa counter. Sasagot n asana ako nung biglang magsalita si Dale.
"Wala pa po eh,"
"Ay gano'n ba? Sayang naman, mukhang magiging gwapo at maganda ang magiging mga anak niyo," sabi sa amin nung babae sa counter.
