04

2.2K 81 1
                                    

Pagkalapag ng eroplano sa airport ay nakasalubong ko sa exit si Jai, hindi niya ako pinapansin. Baka hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala na engage na ako.


Bukod kasi kina Zia at Ami ay wala ng nakakaalam na engaged na ako.


Nagulat pa nga sila nung sabihin kong ikakasal na ako dahil hindi man lang daw nila nakilala 'yung mapapangasawa ko. Duh, as if naman ginusto ko 'yon.


Next week may reunion ang batch namin ng highschool kaya mapipilitan silang umuwi dito sa Manila dahil si Zia ay nasa Paris at doon nagwowork habang si Ami naman ay nasa Cebu dahil doon ang business ng family nila.


Zia and Ami are my bestfriends, since grade school kaming tatlo na ang magkakasama, nagkahiwalay-hiwalay lang kami nung college na dahil hindi kami same ng courses na ite-take.


Pagkadating ko sa condo ko kinamusta ko lang ang mga anak ko after that naligo na ako dahil pagod ako sa biyahe, 3 days ang allowance ko from my next flight.


8 pm nung maisipan ko ng mahiga sa kama ko at nag Twitter ko at Ig, my usual apps na lagi kong vinivisit.


May biglang nag-pop, may nag-dm sa'kin sa Ig. Sino naman kaya 'yon? Username niya is @jovasco_dale. I assume na si Dale nga 'yung nag dm sa'kin, kung hindi siya hindi ako magrereply.


Inopen ko ang message at binasa ko,


@jovasco_dale: Liana? This is Dale. I just want to inform you na we'll be having an engagement party a week before ng kasal natin next month.


What? Party? O gosh, no! pero may magagawa ba ako? Sina Zia at Ami lang naman ang may alam kaya sila lang ang maiinvite ko. sigurado naman ako na lahat ng inimbita nila mom and dad ay mga kasama nila sa business world.


@merrinlianalouis: may choice ba ako?


@jovasco_dale: same here, sila lang naman lagi nagpaplano para sa buhay natin


@merrinlianalouis: how did you find my account nga pala?


@jovasco_dale: ah, about that, nakita ko sa FB account mo naka-link 'yung Ig account mo from there kaya nalaman ko


May biglang nag-pop sa notif ko sa Ig. @jovasco_dale is now following you.


@merrinlianalouis: ok :) goodnight.


@jovasco_dale: goodnight :)


"Oh, ikaw pala susundo sa'kin?" tanong ko habang tinatanggal ang pagkakapusod ng buhok ko. Sa Singapore lang ang flight ko at wala kaming layover.


"Yah, and by the way. Pupuntahan natin 'yung bahay ngayon," sabi niya saka niya ako nginitian.


"Tapos na pala?" I asked and started walking. Medyo maingay pa iyung heels ko habang naglalakad when Dale suddenly grab my luggage. "A..ako na lang, 'di naman mabigat."

Unplanned Plans[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon