12

1.9K 57 2
                                    


"Dada, aalis na kayo? Hindi na tayo mag-lalaro?" tanong ko do'n sa lalaking katabi ko. Hindi ko maaninang ang buong mukha niya.


"Oo, Lulu, aalis na kami kaya si Ranran na lang makakalaro mo simula ngayon," malungkot na aniya.


"Saan ba kayo pupunta? Baka naman malapit lang pupuntahan niyo?" malungkot din na tugon ko.


"Sabi ni mama, malayo raw," inabot niya ang kamay ko saka niya iyon pinisil-pisil. "Baka hindi na rin kami makabalik," malungkot na dagdag niya.


"Lardon, mauna na kami," paalam nung babae kay dad kaya naman tumayo na si Dada dahil tinawag siya nung babae dahil iyon ang mama niya.


Lumapit ako kay dad saka ko niyakap ang isang kamay niya. "Mag-iingat kayo. Bumalik kayo kapag maayos na ang sitwasyon," sabi ni dad sa mama ni Dada.


Pasakay na sila sa kotse ng biglang tumakbo pabalik si Dada sa gawi namin kaya naman tumakbo rin ako upang salubungin sana si Dada ngunit may isang malaking sasakyan ang papalapit kaya naman...


"Liana!" sigaw ni Dale. Iminulat ko ang mga mata ko at saka ko niyakap si Dale ng mahigpit. "Nananaginip ka, masama ba?"


Sunod-sunod na iling lang ang naisagot ko sa kaniya dahil ayaw ko namang isipin pa ang nasa panaginip ko at mukhang hindi naman iyon totoo.


Hindi ko lubusang naaninag ang mukhanung lalaking kausap koat ang kaniyang ina, tanging si dad lamang ang namumukha-an ko.


"Maligo ka na, nandito ang mga pamilya natin." maya maya ay sabi ni Dale habang nagpupunas ng buhok sa ulo. Napa-iwas ako ng tingin ng mapansingwala siyang saplot pang-itaas kaya naman imbes na kausapin pa siya baka saan na naman mapunta iyon.


Tinapos ko ang pag-ligo ko ng 15 minuto dahil sabi nga ni Dale ay nasa ibaba raw ang pamilya namin. Ano nanaman kaya ang meron?


Nagsuot lang ako ng maluwag na tshirt saka maong na shorts saka na ako lumabas ng banyo para makapagsuklay.


"Nga pala Dale..."


"Hmm?"


"Iyong nangyari sa atin kagabi.. uhm.. 'wag muna nating sabihin sa kanila, lalo na kay mom," nahihiyang sabi ko. Nakagat ko pa ang pang-ibaba kong labi ng makita ko sa salamain ang repleksyon ng mukha ni Dale na natatawa.


"Sure, baby," maagap na sagot niya saka lumapit sa akin at ginawaran ako ng mabilis na halik sa labi saka na siya naunang lumabas ng kwarto.


Totoong ayaw ko munang ipaalam kina mom ang nangyari sa amin dahil baka mag-demand nanaman ng apo. Ayaw ko sa lahat ay iyong pinipilit ako sa mga bagay na ayaw ko naman talaga gusto o wala sa plano ko.


Kapag nalaman nila mom na may nangyari na sa amin ni Dale ay panigurado akong aasarin nila ako na kesho ganito, kesho ganiyan, at marami pang iba. Lalo na ang mga kapatid ko na kinulang sa buwan, dejk.

Unplanned Plans[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon