15

2.1K 63 1
                                        

"Hoy, Yana, akin na nga iyan," sabay na hila ko roon sa teddy bear ko.


"Pahiram lang naman ako Jovi," malungkot na aniya.


"Huwag ka ng umiyak," paniniguro ko sa kaniya.


Inabutan ko siya ng ibang teddy bear. Kulay puti at malaki iyon.


"Bagay sa 'yo, Yana. Maputi tapos mataba, hahaha," pang-aasar ko sa kaniya.


Mataba si Yana pero maganda siya.


"Heh! Hindi na kita bati, bahala ka diyan," tumayo siya at hinagis sa sulok ng kwarto iyung teddy bear na hawak niya.


"Sorry na, Yana. Biro lang naman iyon," hinila ko siya saka niyakap mula sa likod.


"Huwag mo na kasi akong tawagin na mataba," bumitaw siya sa yakap saka niya ako hinarap. "Halata na nga, e," natawa ako kaya naman hinampas niya ako sa braso.


"Joke 'yon hahaha," kiniliti ko siya saka ako naunang lumbas ng kwarto para hindi niya ako mahabol.


Iyon ang isang beses na bumisita sila Yana sa bahay dahil summer at wala raw siyang kalaro dahil ayaw makipag-laro ng mga kuya niya at nag-aaral daw sila.


Matagal na kaming magkakilala ni Yana also known as Liana.


15 years ago...


"Jovi, aalis na ba talaga kayo?" tanong niya at namumuo na ang mga luha sa gilid ng mga mata niya.


"Oo, Yana. Sorry. Hindi na tayo makakapag-laro kapag bakasyon kasi sabi ni Mommy pupunta raw kami sa malayo 'tapos hindi na daw ako pwedeng pumunta rito," malungkot na sabi ko sa kaniya.


"Bakit?" tumulo na ang luha niya sa kaniyang mga pisngi at namula ang kaniyang ilong. Hindi ko maiwasan ang matawa dahil sa itsura niya kaya naman pinalo niya ako sa braso. "Tumatawa ka pa."


"Itsura mo kasi ganiyan," natatawang sambit ko.


Gusto kong paga-anin ang lungkot sa pagitan namin pero lamang pa rin ang katotohanan na hindi na kami magkikita pa. Simula noong mamatay ang babaeng kapatid ko ay hindi na ako pinalapit pa sa kahit na sinong bata.


Alam ni Yana ang nangyari kay Dane.


Namatay ang kapatid ko ng dahil sa akin.


Dahil sa murang edad at hindi ko pa ganoon ka-alam ang mga nangyayari sa paligid ko kaya mas minabuti ko na lang na sumunod sa utos nila Mom at Dad.


I'm too dependent that time.


Unplanned Plans[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon