"Ma, Pa, napa-aga po yata kayo?"
"So? Gusto ko lang kayong i-check because it's been 2 weeks, Louis, at wala pa si Reggie kaya kailangan namin talaga kayong bisitahin."
"Okay, fine. Where are my brothers?"
"Outside, mukhang may pinag-uusapan sila, you know boys talk."
"I see, come in."
"Thank you and where is your husband?"
"Naliligo sa taas. I'll just go outside."
"Sure."
It's been 2 weeks since the last time Dale and I talked about some stuffs because naging busy siya sa work niya at may bago silang project kaya sobrang gabi na rin kung umuwi.
I saw my brothers, nag-uusap sila at mukhang seryosong bagay ang pinag-uusapan nila. Parang nanginginig si Kuya Nath habang kausap niya si Kuya Smith.
"Brothers, what's up?" tanong ko sa kanila habang papalapit ako sa gate dahil nandoon sila.
Tinapos na muna nila 'yung pinag-uusapan nila saka nila ako hinarap. "Fine," saka sila nagtinginan ulit. "Yeah, we're fine."
"Okay," I lied. Hindi ako naniniwala na ayus lang sila at parang walang nangyari sa kanila. They're hiding something, well, it's for me to find out.
Pagpasok namin sa bahay may naka-handang mga pagkain sa mesa, I thought we're going to cook some, mukhang nagluto sila sa bahay tapos dinala na lang nila rito.
"You made all of these?" tanong ko kay Mommy.
"She did," Dad answered. "4 am pa lang gising na ang Mommy mo para iluto ang mga paborito ninyo, including Dale's," sinulyapan niya si Dale.
"Thank you po, tita, tito."
"Kami dapat ang magpasalamat sa 'yo dahil nakayanan mong tagalan ang anak kong 'to," sabay turo sa akin ni Dad.
"What now?" inis na sabi ko.
"See?" tumawa silang lahat.
"Knowing Louis, sobrang arte niya at masungit, mana sa akin. Ang gusto niya palagi ang nasusunod pero alam niya limitations niya, ni hindi ko nga nabalitaan na nagka-boyfriend ang batang 'to kahit marami ang umaaligid sa kaniya sa school niya dati," kwento ni Dad.
"Kaya napagkakamalan kang tomboy, dear princess, e," singit ni Kuya Nath. Sinamaan ko siya ng tingin at aambahan ng suntok ng tignan ako ni Dad, wala akong nagawa kung 'di ang maupo na lang ulit sa inuupuan ko.
"Tama na iyan, kumain na muna tayo," singit ni Mom habang inaayos ang pagkain sa mesa.