"Paano naman mabubuntis iyan? Bakit may nangyari na ba sa inyong dalawa?" sabat ni mom saka kami nagkatinginan ni Dale.
"Meron po," nahihiyang sabi ni Dale.
"T...talaga?" hindi makapaniwalang ani mom. "Kailan?" pagharap niya kay Dale.
"Last 2 weeks po,"nahihiyang sabi ko.
"Nice one, bayaw. Nadali mo," ani Kuya Nath.
"Nath ano ba?" saway ni Kuya Smith sa kaniya.
"Sorry. Proud lang ako sa bayaw ko." sabay tapik ni Kuya Nath sa balikat ni Dale.
"Thank you, Kuya," talaga nga naman! Sumasagot pa!
Kinabukasan nagpunta kami sa OB-Gyne na kaibigan ni Mom at nakumpirma namin na tama si Kuya Smith, buntis ako. Kaya pala bigla na lang nag-iba ang mga bagay na usual ko na lang na ginagawa. Hindi na ako nagwo-workout sa tamang oras at araw, hindi ko na nasusunod iyong plan ko. Sa pagkain naman, hindi na rin nasusunod iyong diet plan ko, minsan lagpas pa sa 500 calories ang nakakain ko sa isang araw.
Tumawag si Kuya Nath kanina at na-figure out na niya na buntis iyung babaeng naka-sex niya nung nakaraan at pinasundan niya kaya nalaman niya kung saan nagtatrabaho at sakto pang Architect Graduate raw iyung babae. Kapag ang pagkakataon nga naman, oh.
Isa lang ang sinabi ko kay Kuya Nath na huwag niyang hahayaang makalayo ang babaeng iyon dahil sa pananagutan naman niya ito sa ayaw at sa gusto nilang pareho. Excited na ako dahil may makaka-laro at may kasabay na lalaki ang magiging anak namin.
Since hindi pa namin alam kung anong gender ng baby dahil almost 2 weeks pa lang akong buntis, hindi na muna kami bumili ng mga kakailanganin na damit dahil masyado pang maaga. Nagpatuloy na lang ako sa trabaho habang hindi pa ganoon ka laki ang tiyan ko pero ni-request ni Mom na sa cockpit at sa business class lang ako nagse-serve para hindi ganoon ka pagod.
Ganoon na lamang ako hanggang sa lumipas ang bawat araw, linggo, at buwan hanggang sa talong buwan na lang ay malapit ko ng ilabas ang baby namin ni Dale. Mabuti na lang at normal delivery ako dahil kung cesarean iyon ay magkakaroon ako ng pekas.
"Babae ka! Bakit hindi namin alam na buntis ka na?" salubong sa akin ni Ami ng makarating siya sa bahay. Hindi pa man nakakapsok ay kuda na ng kuda.
"Actually, ako alam ko," singit ni Xia.
"What? 'Tapos ay hindi mo man lang naisipan na sabihin sa 'kin?" hinarap ni si Xia saka sinamaan ng tingin.
"Well, hindi ako sure pero napansin ko kasi nung nagkita kami sa Tagaytay," pagpapaliwanag ni Xia.
Hindi nila ako nabisita dahil ikakasal na pala si Ami. Ang dalaga gusto mag-inuman kami, e, kita na nga niyang buntis ako. Bandang huli nag gatas lang ako sa bar sa pinuntahan namin. Naka private room naman kami kaya hindi nakakahiya.