"Liana, you made it!" masayang bati sa akin ni Azi, batchmate ko ng high school at siya rin ang Presidente ng Council sa batch namin kaya siya ang nag e-mail sa akin 3 days before the event. Buti na lang sakto sa off ko kaya naka-attend ako.
"Yah, hi!" masayang bati ko kay Azi at nakipagbeso muna ako bago ko sila iwanan para hanapin sina Xia at Ami.
Nandito kami ngayon sa isang hotel na pagmamay-ari ng Principal ng batch namin para sa reunion ng batch namin.
I'm wearing a simple black shimmering gown with a golden linings paikot sa bewang ko, medyo fitted 'yung gown pero kinakay ko pa naman.
I saw Ami sa may bandang left side ng stage kausap 'yung mga classmate namin nung 4th year.
"Ami," I called her. Iniwanan niya 'yung kausap niya saka nagpunta sa gawi ko.
"Hi, girl!" bati niya sabay beso. "How are you? Uh, let's find a place first. Xia is coming a bit late kasi 'yung flight niya na delay," pagpapaliwanag niya.
"Kelan pa naging maaga ang isang Aurexia, aber? Paki sabi nga sa akin ang date and time," nagtawanan kami.
Nakahanap kami ng table malapit sa stage. 5:30 palang pero madami ng tao, 6 pm pa ang start ng program kaya medyo maingay pa ang buong lugar.
Meron lang kaming tatlong glass ng champagne sa mesa para sa aming tatlo ni Ami at Xia. We don't want to get drunk dahil hindi namin hilig ang uminom.
Ami and Xia are also not into boys, career before marriage, 'yan ang kasabihan naming tatlo. Until now wala parin silang nagiging boyfriend. Oo alam ko boring ang buhay ng maging isang katulad namin pero look at us now. Xia is a successful designer sa paris, Ami is a successful business woman and I am a Flight attendant now sa isang famous na airlines kaya wala kaming pinagsisisihan.
5 minutes bago mag-start 'yung program, nakita ko si Xia na nasa entrance, mukhang hinahanap kami.
"Ami, nandiyan na si Xia," bulong ko kay Ami. Tumingin siya sa entrance at nakita niya si Xia na hanggang ngayon ay hindi pa rin kami maaninag. "Mukhang hindi dala 'yung mamahaling salamin," natatawang sabi ko kay Ami.
"Mukha nga," sabi niya sabay tingkad at kumaway kay Xia. "Aurexia, here," pagtawag niya kay Xia at nakita na niya kami. Malabo kasi ang mga mata ni Xia pero ayaw niyang nag susuot ng specs at ayaw niya rin ang contact lens kasi natatakot daw siya.
"Sana binuo mo na 'yung pangalan ko, Rusiyel," sabi ni Xia kay Ami sabay irap. Tumawa lang si Ami sa naging reaction ni Xia sa pagtawag niya sa buong pangalan ni Xia. Ayaw ni Xia ang tinatawag siya na Aurexia, ayaw ni Ami na tinatawag siyang Rusiyel at ako? Ayaw kong tinatawag akong Louis dahil para sa akin sacred ang pangalan kong 'yon, only my family and closed friends can call me Louis.
Nagstart na 'yung program, it went well. Namiss kong mag-aral ng high school ulit. 'Yung tipong andami mong nakikitang mga hindi mo inaasahang kayang gawin ng isang high school student. Hindi mawawala ang mga bully syempre.
